E

42 3 2
                                    

/Gail's/

Noon ko pa nararamdaman na may namumuo na sa kanila. Pero hindi ko inalintana 'yung nararamdaman ko dahil may tiwala ako sa mga sinabi ni Niko.

Sana pala nakinig ako sa isip ko.

Napatigil sila sa ginagawa nang nakita nila akong pababa ng hagdan. Sa posisyon nila ngayon, alam kong wala na silang kawala. Itatanggi pa ba nila na hindi sila naghalikan sa posisyong 'yon? Hindi ako bulag. Martir lang.

"Oh, gising pa kayo?" Nagpanggap akong hindi ko nakita ang ginagawa nila. Alam ko sa sarili kong alam nila na nakita ko sila. "May pinag uusapan ba kayo?" Sabi ko at lumapit sa puwesto nila. "Ituloy niyo lang, mag si- cr ako." Umamba akong papasok sa cr nang pinigilan ako ni Niko.

I hate these tears. "Gail.." Aniya at si Rhianne ay tila nag aalangan. Bakit sa lahat, yung kaibigan ko pa talaga?

"Rhianne, mag uusap lang kami." I said as I shed unwanted tears.

Nagtatakang mukha ang pinakita niya ngunit umakyat na lamang siya at naiwan kaming dalawa ni Niko dito.

Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Alam kong malapit na naming tapusin kung ano ang meron sa amin. Sasamantalahin ko na ang pagkakataon habang kami pa.

Natapos lahat ng kaligayahan ko sa bisig niya nang kumalas siya sa pagkakayakap.

"I'll explain everything to you." Umupo kami sa sahig ng kusina at nagsimula siyang nagkuwento. Simula sa kung paano niya ako naisipang ligawan, hanggang sa nagpatulong siya kay Rhianne.

"Ganon ba ako kadaling bitawan?" I asked when he finished storytelling.

Napatingin siya ng mataman sa akin. "Hindi. Mas sumaya lang ako sa kanya kaya kita nabitawan." Napabunting hininga lamang siya at tumingin sa akin. "Pero minahal talaga kita. Naramdaman mo naman siguro diba? Sinubukan kong maging tapat na boyfriend para sa'yo. Minahal kita dun sa 11 months natin. Pero hindi ko na kayang ipagpatuloy 'to. Ayokong masaktan ka."

"Nasasaktan na nga ako eh." I sarcastically smiled.

"Sorry." I guess that's all you can say. Makakaya ba ng konsensiya kong itali siya sa akin kahit alam kong hindi siya masaya? Tatlong tao ang masasaktan kung hindi namin ititigil 'to. Ako, si Niko, at si Rhianne, kung mahal niya talaga si Niko.

"Mahal ka ba ni Rhianne?" Tanong ko kay Niko na tahimik.

Mas lalong tumahimik nang sumagot siya ng, "Hindi ko alam."

Mas lalo akong naguluhan. Papakawalan ko sana siya kung mahal siya ni Rhianne. Pero ibang usapan 'to! Hindi niya alam kung may mapupuntahan yung relasyon nilang dalawa kung sakali.

Handa akong pakawalan ang taong mahal ko para sumaya siya. Pero walang kasiguraduhan ang magiging future nila dahil hindi niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Rhianne para sa kanya.

Tahimik kami. Nag iisip sa kung anong dapat gawin. Tinitimbang ang posibleng bunga ng desisyon namin. Or maybe, finding out who will be hurt and who will be happy with this decision.

"Niko..." I have made my decision. Lumingon siya sa akin at naririnig ko ang bilis ng kabig ng puso niya.

"Hindi kita kayang pakawalan." Gulong gulo ang ekspresiyon niya. Pinapatay na siguro niya ako sa isipan niya. But I'm not finished yet.

"Unless may makita ako kay Rhianne'ng kahit konting hint na may nararamdaman siya sayo." I tried to smile as I utter these words. Mas maigi nang isa ang masaktan, kaysa sa tatlo.

"But please, hayaan mo akong mahalin ka kahit ngayong gabi lang. Sana mahalin mo rin ako ulit kahit ngayon lang."

He slowly nodded and wiped my tears away. He put his arm around me and I leaned into him. Bukas, alaala na lang lahat 'to. Magiging alaala na rin ang init na nararamdaman ko mula sa bisig niya. Sana pati ang sakit na nararamdaman ko ngayon, magiging alaala na rin.

"I still love you Gail...." Yeah, you do. "as a friend."

This moment is the epitome of a bittersweet memory.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon