D

47 3 1
                                    

/Rhianne's/

Nagising akong mugto ang mata. Hindi ko nga alam kung nakatulog nga ba talaga ako o gising ako buong gabi.

Pilit pinaulit ulit ng utak ko 'yong nangyari kagabi. 'Yong kasalanang nagawa namin kagabi. Alam ko sa sarili kong nakita kami ni Gail. Kaibigan ko siya, at alam ko kung kailan siya nagsisinungaling.

Her disappointment was obvious. You can't just cover sad eyes with happy smiles.

Tinignan ko ang phone ko para malaman kung anong oras na. And it read 10:56 am. Bakit hindi man lang nila ako ginising? May balak ata silang magstay dito buong araw.

Pagkababa ko ay nagluluto pa lang si Claire ng ulam. Buti may nabili siya sa labas. "Hi, Rhianne!" She greeted me while sauteing the onions in hot oil.

Ang liwanag ng aura niya. She was never this happy before. "Saya natin ah?" Tugon ko habang papunta sa CR para maghilamos. Natanong ko rin ang sarili ko. Ako kaya, masaya ba?

Gail, how come you could manage smiling despite seeing your boyfriend and your bestfriend kiss? Please teach me how.

I can't even smile to my reflection. Parang may mabigat na bato sa mga labi ko kaya hindi ko maigalaw.

We started dining in our 8- seater table. I sat on the leftmost part of the table, like I usually do. And it turns out that destiny became stupid for once, and put Niko on the opposite side of my seat. Great, just great. On my right is Jake, then Claire. Next to Niko was Gail and Keith. We prayed first before eating, then started devouring the food.

Hindi ko alam kung kanino ko ibubunton ang sisi nang sabay naming kinuha ni Niko ang bowl ng kanin na tapat namin. To make the situation less awkward, bumitaw na ako. Pero tila nagloloko si Kupido at pati si Niko ay bumitaw rin.

"Ladies first."

"Ikaw na mauna."

We said in unison. Nadagdagan lalo ang awkwardness nang napatigil ang iba sa pagkain at tumingin sa gawi namin. Bago pa ulit kami magkasabay sa pagkuha ng bowl, inunahan ko na siya.

Tumingin lamang siya habang naglalagay ako ng kanin sa plato ko. I wanted him to stop looking so I shaked ny head a little bit to let some hair down and cover my face.

Tahimik kaming nag agahan, or more like brunch. Claire and Jake talked and teased Keith quietly and the lovers, Gail and Niko, felt cold. Napakalaking pagkakamali ang nagawa ko sa relasyon nila. I don't even know if it should fit as a mistake. Mas tanggap ko kung tawag itong imoral.

Habang naghuhugas ako ng mga pinggan ay napapansin ko ang pagsulyap sa akin ni Gail. Ituturing pa rin ba niya akong kaibigan pagkatapos ng nakita niya kagabi? Sa tingin ko, hindi na. Ikaw ba naman, pagtaksilan ng best friend at boyfriend mo. As much as I want to convince myself that I'm on the good side, I'll never do. Alam ko sa sarili kong ako ang kontrabida dito.

Ilang minuto rin siyang nagpasulyap sulyap, hanggang sa hindi na siguro niya natiis at lumapit na sa akin. Hindi muna siya umimik. Maybe... she's waiting for me to speak up? But I don't know what to say.

"Rhianne..." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nag open up na siya, o maiinis sa sarili ko dahil alam kong sa paraang 'to masisira ang pagkakaibigan namin. Nakahanda na ang sarili ko sa mga posibleng mangyari.

"Hmm..?" I simply turned to her.

"Alam mo namang alam ko na nakita ko kayo kagabi..." Napatigil ako sa pagtanggal ng dumi sa pinggan. Hinugasan ko na lang muna ang kamay ko at nagpatuloy siya sa sinabi. "Rhianne, may gusto ka ba kay Niko?" Pure silence took over us. The only thing that I am hearing right now is my heartbeat. "Mahal mo ba siya?" Tanong niya muli. Kahit bigyan niyo ako ng sampung dikayunaryo, parang useless din. Hindi ako makahanap ng tamang salita para sabihin sa kanya. Pero, mahal ko nga ba siya? Hindi ko alam!

"Gail, alam kong may relasyon kayo at wala akong karapatang sirain yu--" Pinutol niya ang sinabi ko.

"Damn it, Rhianne! Do you love him? Yes or no?!" She's usually calm, but her aura darkened the moment she said these.

"Yes! I love him. And I hate myself for falling for him. Handa akong pagbayaran lahat---" She hugged me tight. Sa mga oras na 'to, wala akong alam. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko, damdamin ko, o response ko sa ginawa niya.

"Thank you for being honest." She held my shoulders and left with a sad smile.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon