P

55 2 6
                                    

/Niko's/

What words could describe my feelings right now? Confused, insane, upset, down-- name them all. Do I really deserve Gail? Gugustuhin ko bang manatili sa posisyong 'to?

I'm a jerk for making Gail my girlfriend when I have feelings for Rhianne. Napaka... Manloloko ko.

Nagsimula iyon nang nagpatulong ako kay Rhianne na ligawan si Gail. Sa tuwing nagbibigay ng payo si Rhianne, hindi ko na kay Gail nakikita iyong mga dapat gawin ng isang lalaking nanliligaw, kundi kay Rhianne.

Yung mga pick up lines ko, dinadaan ko kay Rhianne bago kay Gail. Kumbaga, screening yung kay  Rhianne kung papasa ba yung mga kakornihan ko kay Gail.

"Bakit kasing laki daw ng puso ang kamao natin?"minsang nasabi ko sa kanya.

"Ang lalim naman ng words. Oh, bakit?"sagot niya pabalik at itinigil ang binabasa para pakinggan ako.

"Hawak kasi ng kamay mo ang puso ko. Saktong sakto." Sinabayan ko iyon ng ngiti para mas nakakakilig.

Salungat sa iniisip ko ang naging reaksyon niya. Napangiwi siya at ininsulto ang pick up line ko. "Corny mo. Dapat ganito." Inayos niya ang sarili niya at nagpatuloy. "Bakit may space sa pagitan ng mga daliri?"

"Bakit?" Tanong ko pabalik at kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga palad namin. "Para kakasya dito yung mga daliri mo." At sa ngiting napakatamis na iyon at tila pagsikip ng damit ko ay nagsimula nang maguluhan ang utak ko. Hindi lang pala utak, pati puso ko.

Hanggang isang gabi, hindi ako makatulog. Hindi ako mapalagay dahil nahuhulog na nga talaga ako kay Rhianne. Pero sa tuwing andiyan naman si Gail, bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko. Ito na ba yung sinasabi nilang 'Sana dalawa ang puso ko?' Ang pangit pala sa pakiramdam. Maling mali.

Maling magkagusto sa dalawang tao. Lalo na kung magkaibigan pa. Matalik na magkaibigan.

Isang araw, habang kinukuha ko ang PE uniform ko sa locker ko, may natanggap akong sulat. Isa lamang itong simpleng pulang sticky note na nakatupi.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam kong galing ito kay Rhianne. Ginagawa niya sa akin yung mga dapat gawin ko kay Gail para alam ko kung ano yung magiging reaksyon ni Gail kapag siya ang nakatanggap ng mga ganito.

Napalitan ang ngiti ko ng pagkadismaya nang nalaman kong galing ito kay Gail at hindi kay Rhianne. Bakit ganon? Diba dapat matuwa ako?

I'm sorry for making you wait, but this is it. My answer is yes. :)

-G

Blanko. Hindi ako nalungkot at hindi natuwa. Basta-- blanko.

Dapat ay matuwa ako dahil sa wakas ay sinagot na niya ako diba? Pinaghirapan kong makuha ang 'oo' niya kaya dapat ay i celebrate ko 'to. Inisip ko ring kaibigan lang talaga siguro ang tingin ko kay Gail at hindi na hihigit pa.

Naging masaya ang unang buwan namin ni Gail. Mas sweet pa pala siya sa inaakala ko. Hinihintay niya ako kapag may meeting kami tungkol sa mga group project, at hindi niya ako inaabala kapag alam niyang busy ako. Alam niyang magbigay ng space nang hindi mo nararamdaman ang pagdistansya niya.

Sa kabila ng pagiging epitome of a good girlfriend niya, nanatili pa rin sa puso ko si Rhianne. Masyadong mahinhin si Gail, tipong kahit kami na ay mahihiya pa rin ako kung may sasabihin ako sa kanya.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon