10.Truth vs Lie

29 2 0
                                        

A/N:Inaalay ko ang chapter na to para kay JulianaPaulaVega na ka co-author ko.Baby girl inaabangan na ng lahat ang mga stories mo.^^

Chapter 10:Truth vs Lie

P.O.V. Cattleya

"Ano!?Ate Catt bakit ka naman pumayag?Muntik ng makuha ang bagay na pinaka importante sayo!Please lang tigilan mo na ang pakikipag laro sa pervert na casanova na yun,mapapahamak ka lang!"Inis na inis na sita sakin ni Algene.

"Tsk!Bitawan mo nga yang kamay ko!"Iritang hinila ko ito pabalik sa akin.Sinasapian na naman sya nang kanyang super powers.Kaya nalaman nya kung ano ang mga naganap samin ni Morgan kagabi."Mind your own business,i can handle this sh*t"

"Oh really?Sige sabi mo e."

I just rolled my eyes,parte ito nang mga plano ko dahil dito ko malalaman kung tuluyan na ba talaga syang nahuhulog sa akin.Kung baga sa Movie ngayon na ipapalabas ang premiere night.

Alam naman ng lahat na kapag tinawag na Casanova/Playboy/Heartbreaker gawain na nila ang magpaiyak ng maraming babae.Pagsasawaan ka lang nila at kapag tuluyan ka na nilang napagsawaan,itatapon ka na lang sa tabi na parang nilamukos na papel.Ang sakit noh?Isa ka ba sa kanila?Hayaan mo igaganti kita^___^

Syempre lahat naman ng kwento/istorya ganyan ang mga nangyayari may playboy,tapos may darating na babae na katapat nung lalaki and mag lalaro sila tapos pareho silang maiinlove sa dulo.Tsk i love reading a novel too,at sa dami ng mga ganitong kwento katulad sa buhay ko alam kong ang akin lang ang kakaiba.Dahil hindi ako na iinlove sa leading man ko.

Ayaw nyong maniwala?Sige ituloy nyo lang ang pagbabasa para malaman nyong hindi ako nag sisinungaling.Matagal ko na itong ginagawa kaya masasabi ko nang isa na akong eksperto sa larangan nang pagpapatino ng mga casanova.Kahit gaano pa sila katinik hindi sila uubra sakin.I am a "Casanova Slayer" and Love is ma game>___<.

Pagtapos kong magbihis ng uniform dumiretso na agad ako sa garahe.Nakalimutan ko last week na pala nang pasok namin at mag se-sembreak na at kahit na bakasyon tuloy parin ang pakikipaglaro ko sa kanya.

"Ugh!Ano ba!Wag nga kayong humarang sa dinadaanan ko!"Agad naman silang nagsitabihan.

Nagulat ako dahil nag lalakad na pala ako sa pulang carpet.Oh gosh?Anong meron?Keme lang guys!Syempre inaasahan ko ng gagawin nya to,for goodness gracious!Ang dulo ng red carpet ay sa stage gymnasium namin.Nakaabang lang naman dun si Morgan na may hawak na isang boquet ng puting rosas.

"Hi Cattleya,magandang umaga!"Nakangiting bati nya sabay abot ng bulaklak.

This is it guys.

"Wow!?Thank You baby,hindi ko inaasahan na gagawin mo to."Maiyak-iyak sa sabi ko sa kanya,syempre kailangan maging makatotohanan..

"Sorry kagabi,hindi ko sinasadya na gawin sayo 'yon.Sana mapatawad mo ako Catlleya,.Ito pambawi ko sayo sana tanggapin mo ang alok ko.Guys ilabas nyo na."

Lumabas ang mga barkada nya na may hawak na tarpaulin at may nakasulat na Cattleya will you be my girlfriend for REAL?? Tumingin muna ako sa lahat ng tao na nanood sa amin.Gusto ko sana syang ipahiya kaya lang sa susunod na,kailangan munang makasiguro ako kung totoo ba ang mga sinasabi nya.

"Are you serious!?"

"OO naman!"Kinuha ni Morgan ang kamay ko at lumuhod sa harapan ko habang nagsasalita sa mike."Cattleya will you be my girlfriend?"

Gusto kong mag tatalon dahil sa sobrang tuwa pinahirapan ako ng bonggang bongga nang ungas na 'to.

"Oh!YES baby!YES!"

Nagpalakpakan lahat ng mga students sa loob ng gym,at nakuha agad ni Algene ang atensyon ko."Ate finally!Congrats!You win!" Kahit malayo sya ay nagawa nya paring kunin ang atensyon ko.Kahit gaano ka pa kalayo titigin ka lang nya sa mata maririnig mo na ang boses nya.

"Mabuti naman Morgan at na realize mo na ang lahat,salamat mahal na mahal kita at pinapatawad na kita sa ginawa mo last night."I said seriously.

"You made me realize everything catt,.I love you."

"I love you too."

One more step.Sisiguraduhin ko na mararanasan nya ng tatlong doble ang sakit na pinaramdam nya sa mga babaeng pinaglaruan at sinaktan nya.



Karma ni MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon