Hangang Pangarap na Lang Ba?

45 3 1
                                    

Hanggang pangarap lang ba'ng maituturing ang kaunlarang minimithi?
Hanggang pangarap lang ba'ng tumira sa isang bansang tahimik?
Hanggang pangarap lang ba'ng mamuhay sa mundong walang away at pighati?
Hanggang pangarap lang ba'ng buhay nati'y gumanda?

Pag-isip-isipan natin disisyong ating nagawa,
Pagmunimunihan natin ang ating mga sinasabi,
May punto ba ang ating nawika?
Nakapagpabuti ba ito, kaysa dati?

Mga kaibigan, kababayan at kapatid,
Nasisira na ang mundo at ekonomiya,
May mga taong nanahimik lang at ang iba ay nagmumura,
Saan ka nabibilang sa dalawa?

May isang bagay akong napansin habang ako'y lumalaki,
Isang katotohanang kalimita'y hindi natin napapansin,
Na ang ating ugali ay kadalasang sanhi,
Ng pagkasira ng mundo at ekonomiyang, dapat sana'y papalakasin.

Mundo'y nasisira dahil sa kawalan natin ng displina,
Tapon roon, tapon dito,
Aksaya doon, aksaya dito,
Hindi na natin iniisip kung ano ang kahihinatnan.

Kasabay ng pagkasira ng mundo, sinisira din natin ang ekonomiya,
Kauupo pa nga lang ng mga opisyales sa pamahalaan,
Kadalasa'y negatibo na ang sinasabi,
Na mas lalong nagpapababa sa pamahalaan.

Hanggang pangarap lang bang maituwid natin ito?
Hanggang pangarap lang bang mamuhay ng panatag?
Hanggang pangarap lang bang tumira sa loob ng isang mundo at ekonomiyang napakaganda?
Hanggang pangarap lang ba ang mga pangarap na ito?

* * * * * * * *
- Kriskentin

Way of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon