O Diyos na pinagpapala
Na sa mundo'y nagbigay awa
Sa aming mga nagkasala
Ika'y nagbuhos ng biyaya.Biyaya ng pagpapatawad,
Na sa ami'y 'yong iginawad
Tanda ng iyong pagmamahal
Sa 'yong mga anak na mahal.Walang hanggan mo na pag-ibig,
Lubos naming tinatangkilik,
Ligayang ika'y nangingibig
Sami'y bigay mo nang di pihik.Diyos namin na nasa langit,
Na sa amin ay nagbabantay
Dinggin po ninyo aming hirit
Nawa'y magbantay habambuhay.Walang hanggang pasasalamat,
Sayo aming iniaalay,
Sa dami ng lahat mong bigay,
Matutumbasan kayang lahat?* * * * * * * *
- Kriskentin
BINABASA MO ANG
Way of Life
PoetryThis is a collection of both Tagalog and English poems that I've written since I'm young up until the present. Most of the poems written here or to be uploaded are also available on my blogger account and scribd.