Kamusmusa'y kadalasa'y nasasabing isang kahinaan,
Kahinaang magpapataob sa iyong kakayahan,
Subalit, talaga bang ito'y maituturing na kahinaan?
Maituturing ba nating ang kamusmusa'y isang kahangalan?
Kahangalang maglalapit sa kapahamakan?
Na magdudulot ng kasawian?
Ako'y nasabihan ng isang kakilala,
May nakita raw siyang batang musmos sa gilid ng kalsada,
Namimigay ng pagkain sa mga taong di niya kakilala.
Kakaunti lang ang pagkaing dala ng bata,
Ngunit walang kimi siyang namigay.
Kung tayo kaya ang nasa kalagayan ng bata,
Mamimigay kaya tayo?
Kahangahangang bata di ba?
Musmos pa lang marunong ng mamigay sa kapwa,
Marunong ng magsakripisyo para sa kapakanan ng iba,
May prinsipyo ng pinaninindigan,
Tayo kaya?
Kakayanin ba natin?* * * * * * * *
- Kriskentin
BINABASA MO ANG
Way of Life
PoetryThis is a collection of both Tagalog and English poems that I've written since I'm young up until the present. Most of the poems written here or to be uploaded are also available on my blogger account and scribd.