Sa'yong pag-aaruga't kalinga,
Heto kami't ngayo'y malaki na,
Sa iyong pagmamahal na wagas,
Buhay nami'y naging maaliwas.Bawat dugo't pawis na binigay,
Sa 'ming mga anak para mabuhay,
Pagmamahal na walang katumbas,
Na mulit muli ay mababakas.Salamat sa pagtiyatiyaga,
Sa pagbibigay mo ng ligaya,
Kahit ano pa man ang mangyari,
Kaming lahat iyong tinatangi.Mama ikaw ay aming idolo,
Sa pagharap ng mga pagsubok,
Na kahit pa ito ay marupok,
Ika'y hindi pa rin sumusuko.Ikinagagalak namin mama,
Na ika'y aming mahal na ina,
Mahal ka namin magpakailanman,
Payo mo'y susundin kahit saan.* * * * * * * *
- Kriskentin
![](https://img.wattpad.com/cover/51185095-288-k93413.jpg)
BINABASA MO ANG
Way of Life
PoetryThis is a collection of both Tagalog and English poems that I've written since I'm young up until the present. Most of the poems written here or to be uploaded are also available on my blogger account and scribd.