Samahang tila kailan lang nabuo,
Ngunit kakabit nito'y walang kapantay na alaala,
Anim na indibidwal nagkatagpo sa kolehiyo,
Sana'y di magwakas ang simbuyong nabuo mula sa simula.O kay sayang balikbalikan, mga ala-alang nangyari,
Mga memoryang di ko maalintalang lumipas,
Mga sandaling magkasama sana'y di magwakas,
Sabay nating alalahanin ating pagsasamahan at ating itangi.Sa panahon ng problema't kalungkutan,
Umiyak man ay di ko magawa,
Kalungkutan inyong pinapawi sa aking damdamin at mukha,
Naririyan kayo't nagpapatawa at nag-aalay ng balikat na masasandalan.Kaibigang tunay kayong aking maituturing,
Kahit kailanman di ko kayo lilimutin,
Sa hirap at ginhawa kayo'y di iiwanan sa pangpang,
Kaya't inaalay aking sarili para gawin din niyong sandalan.Ilang dagat at bukid man ang ating pagitan,
Saan dako man ng mundo tayo mapadpad,
Sana'y pagkakaibigan natin di kalianman makakalimutan,
Bawat isa ay para sa lahat, sandalang maituturing kahit gaano katayog ang lipad.* * * * * * * *
- Kriskentin
BINABASA MO ANG
Way of Life
PoesiaThis is a collection of both Tagalog and English poems that I've written since I'm young up until the present. Most of the poems written here or to be uploaded are also available on my blogger account and scribd.