Alaala ng Kahapon

12 1 0
                                    

Mga gunitang di mawaksi,
Kahapong kaysaya at kay lunglot,
Bahagi ng noon na di kailanma'y isisisi,
Sa kung sinumang taong nasangkot.

Kay sarap balikan ng masasayang alaala,
Nagpapagaan sa damdamin at problema,
Alaalang tila kailan lang nagdaan,
Ngayo'y ginugunita mula sa kung saan.

Pasakit at pagdurusang dinanas,
Nangyari upang di pagsisihan,
Kundi upang pagkunan ng aral at lakas,
Sa pagsalubong sa kinabukasan.

* * * * * * * *
- Kriskentin

Way of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon