Camiguin

23 1 0
                                    

Islang nasa norteng Mindanao,
Parte ng perlas ng silangan,
Sa liit nito'y iyong tanaw,
Halos lahat ng kagandahan.

Islang pinagpala ng Diyos,
Sa dami ng magandang lugar,
May hiwagang dantay na haplos,
Na makakabihag kay Ceasar.

Ihip ng hangin na sariwa,
Nagpapawala sa problema,
Sa bawat lugar na puntahan,
Ligaya'y di matutumbasan.

Islang likha ng mga bulkan,
Ngayon ay parang paraluman,
Na umaakit sa dayuhan,
Nagdadala ng kabuhayan.

Maglakadlakad sa baybayin,
Langhap mo ang sariwang hangin,
Dama mo ang kapayapaan,
Saan ka man sa kabuuan.

Prutas na Lanzones na handa,
Inaakit bata't matanda,
Na tikman ang lasang kaiba,
Tamis nitong lahat ay sinta.

Ganda nitong di malilimot,
Pook na di masalimuot,
Iwinawaksi dalang lungkot,
Kapayapaan isinusuot.

* * * * * * * *
- Kriskentin

Way of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon