Dagat

13 1 0
                                    

Sa bawat paghampas ng alon sa dagat,
Dala nito'y masasayang alaala,
Simula ng magkaisip at mamulat.
Ala-alang nalikha ng mga musmos,
Na pawang magaganda at malikhain,
Na siyang nagpapagaan sa damdamin.

Kay sarap maglaro sa alon ng dagat,
Pinapawi nito ang problema't lungkot,
Na bumabalot sa pagkatao ninuman.
Kay sarap balikan ng mga alaala
Nagugunita sa paghampas ng alon,
Tila huminto, panahon sa pagtakbo.

Kasiyaha'y di lamang dala ng dagat,
Maaari din itong may dalang badya,
Sa taong may alaalang mapapait,
Na kahit pa ito ay kaakit-akit,
Mata ng tao'y walang ibang maukit,
Kung hindi kalungkutan lamang at sakit.

Bawat titig sa dagat ay naiiba,
Nasa taong tumititig ang emosyon,
Kung dapat siyang masaya o malungkot,
Desisyon nya ang mangyayari sa kanya,
Hahayaan ba niyang maging malungkot?
O sasabay siya sa alon ng dagat?

* * * * * * * *
- Kriskentin

Way of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon