Chapter 2: Kendra and Calvin.

8 0 0
                                    

Chapter 2:

KENDRA's POV:

GRRRR..

Nakakainis talaga, sobra. Bakit ba ang daming taong hindi makaintindi sa salitang magtapon sa tamang lugar?

Kaaga-aga pero dahil sa lalakeng 'yun ang maganda kong mood ay napalitan ng hindi kaaya-ayang mood. Paano ko haharapin mamayang hapon ang bagong makakasama ko sa pag-aasikaso sa simbahan kung sira na ang araw ko?

Ako nga pala si Kendra Castillo, isang 4th year criminology student, naka duty ako sa ojt ko ngayon kaya naman natyempuhan ko ang lalakeng 'yun na halatang tulala.

Akala ko okay lang na pinansin kong may disposable coffee cup sa bubungan ng kanyang kotse, pero tama nga ang ata ang kasabihan nila na 'lokohin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising'. Mukhang bagong gising ng kausap ko kanina ei.

Anyway, goodbye bad vibes. Heto na si Mr. dreamboy ko este Mr. Calvin ng buhay ko.

Papalapit na siya kaya naman ang nakabusangot kong mukha ay biglang nagliwanag.

"Hello Ken, mukhang napaaga ata ang duty ngayon ah?",sabay akbay nito sa akin.

"Good morning Vin. Hindi lang kasi ako makatulog kagabi ng dahil si Jam ay iyak pa rin ng iyak ng dahil sayo.", pa-sarkastiko kong sagot.

"Ooops, kasalanan ko bang babaero si Chase?",sabay taas nito sa dalawang kamay upang magpahiwatig ng parang pagsuko.

Inirapan ko nalamang ito bago naglakad papunta sa Starbucks. Alam ko namang susunod si Vin kaya hindi ko na ito niyaya pa.

CALVIN's POV:

Andito na kami sa Starbucks ni Ken pero tahimik lamang ito umupo sa isang sulok ng coffee shop, hudyat 'yun para sabihin na ako ang dapat bumili ng drinks namin. Hay naku, bestfriend ko nga naman talaga, kahit kailan ang lakas ng loob nito pumasok dito pag ako kasama. Tss. But this woman never fails to amaze me, matapang man siya sa ipinapakita sa ibang tao, alam kong tanging pag-ibig lang ang magiging dahilan ng pagbabago nito. Kaso, mukhang hindi ako papasa sa mga tipo niya, lagi akong sinusungitan e.

Nakapag-order na ako ng 2 cappucino, as usual favorite naming dalawa 'yan e. Pero nakaupo na ako sa tabi niya, heto tulala pa rin ang bestfriend ko, kaya naman...

Mwuaah.

"Waaahhh Vin naman e, lagi ka nalang nagnanakaw ng halik sa noo!",pasigaw niyang puna sa ginawa ko. Ngayon alam kong gising na talaga ang diwa niya.

Napahalakhak ako dahil iba talaga epekto ko sa babaing ito, agad ba naman nag blush. "Ngayon, alam kong balik ka na sa realidad Ms. Castillo.",sabay kindat sa kanya, kaya naman lalo lamang itong naasar.

At natigil ang pagtawa ko ng simulan na niyang inumin ang Cappucino.

Ako nga pala si Calvin Villanueva, bestfriend netong tomboy na ito. Yup, tomboy yan, kasi naman sa lahat ng gustong manligaw sa kanya ay wala siyang pinagbibigyang makapanligaw sa kanya. Reason niya? Sabi mas mahalaga daw muna maka graduate bago magpaligaw. Tama naman siya e. Kaso paano kung ...


-------

Bitin 'noh?

Pasensya na guys ha, haha para naman may trill, chos!

Anyway, sorry sa mga typographical errors. Peace! ^_^

<3sweetheartPem


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marriage Or VocationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon