Chapter 6: *Let's Pretend* p. 2

139 1 1
                                    

My High School Ex-Girlfriend

written by: PurpleRaindrops

Chapter 6

*Let's pretend*

(part two)

*Xhyren's Pov*

" Let's pretend we're on! " tama ba ang naririnig ko? O nabingi lang ako? Nag-offer siya na magpanggap kaming mag-on para hindi ako mamoblema kung sakaling maghanap ang mga kaklase ko ng boyfriend. Kung nagbibiro siya, hindi po magandang biro yun. Mas lalong hindi rin ako natatawa. Boyfriend? Nasisiraan na 'ata sya ng bait. Seriously, bakit niya gagawin yun? For what reason? Ni hindi nga kami magkakakilala ng pormal e. Di kami magkaibigan para mag-offer sya ng ganung.. TULONG? Ewan, di ko maintindihan. Lakas ng saltik niya. Siya 'tong lumapit sa amin at magsalita ng kung anu ano. Para akong tanga dun sa harap ng dalawa kong kaklase kanina. Eh, bigla na lang siyang pumasok sa eksena tapos magpapakilala na boyfriend ko. Gulat na gulat talaga ako. Dapat nga ay magpasalamat ako dahil sumingit si Stephen pero.. ewan ko ba! Ang labo talaga! May mga tama rin ang sinasabi niya pero hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari. Sorry, ang slow ko lang talaga! Naguguluhan lang talaga kasi ako sa ginagawa niya. Ang weird niya. Wala naman kasi akong nakikitang rason para tulungan niya. Oh anumang whatsoever na tawag sa ginagawa niya.

" Seryoso ka talaga? " paninigurado ko.

" Ay! Hindi, nakakatawa ako. Hindi 'to seryoso. Pang-comedy nga 'tong eksena e. " sarkastikong sabi niya sa akin. Napansin ko ding may pagka-chain smoker siya. Sayang! Bata pa lang nga siya eh, sinisira na nito ang kinabukasan niya. " Kung ayaw mo, eh di wag! Magpaka-bitter ka sa ex mo at magpakawawa sa Maxene na yun tutal sabi mo, sanay ka na rin. Eh di lubusin mo na! Ewan ko ba at maraming tanga dito sa mundo. Tss. "

" Grabe ka magsalita! " reklamo ko.

" Bakit? Natamaan ka? " grabe, ang talas ng dila! Parang hindi lalaki kung makapagsalita! Pero, slight! Natamaan ako. Marahil ang tanga ko nga talaga.

" Huh! Grabe! Ganyan ka ba talaga? Napaka-rude mo! Nag-aral ka ba ng GMRC? "

" Thank you! " aba't! Siraulo talaga! Nagpasalamat pa siya sa sinabi ko. Ibang klaseng lalaki 'to! " Ano? Deal o no deal? Aalis na ako kung ayaw mo rin namang tanggapin ang offer ko. Nasa sa iyo na yun.. Basta sa huli, walang sisihan. " tatalikod na sana 'to pero pinigilan ko.

" Sandali! " hinawakan ko ang kamay niya at pumunta ako sa kanyang harapan.

" Oh ano? "

" Oo, payag na ako sa offer mo. Payag na akong magpanggap kang boyfriend ko. Tulungan mo ako. Gusto ko ng makalimutan si MJ. Napapagod na rin ako sa mga pinaggagawa ng mga kaklase ko sa akin. Hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan mo. Kung bakit mo 'to ginagawa pero sa tingin ko, kelangan ko nga ang tulong mo... Stephen? Malakas ang kutob ko na ikaw ang solusyon ko. "

" Good decision! " sambit niya.

" Ako nga pala si Xhyren Faye Guttierez. Shy na lang for short. " napangiwi siya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi rin niya tinanggap ang pakikipagkamay ko, sa halip ay todo hithit pa eto ng sigarilyo. How rude talaga! Bakit ba ako napapayag ng lalaki na 'to? Hay! Ewan talaga! Hindi ko talaga makuha kung bakit ganito ang nangyayari! Parang, i feel na nakatadhana talaga 'tong mangyari.

" Bakit pa magpapakilala eh, alam mo na ang pangalan ko. Tss. Babalik na ako sa boarding house. " nilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang bulsa pagkatapon ng upos ng sigarilyo. Aaminin ko, he's really cute kapag ginagawa niya yun. Dati rati, naiinis ako sa mga ganung tipo ng lalaki. Sa kanya, nakyutan pa ako. Kakaiba nga. Rugged blonde boy. Yung kahit ganun siya ay may dating pa rin.

My High School Ex-GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon