Chapter 20: *Halloween Ball*

91 2 0
                                    

My High School Ex-Girlfriend

written by: PurpleRaindrops

Chapter 20

*The Halloween Ball*

*Xhyren's Pov*

" Wala nga akong alam sa pinagsasabi mo. Pag-ibig? Tae. Para sa taong korni lang yan. Puro sakit lang yan! Sakit sa ulo at puso. Kaya ayaw kong magmahal dahil nagiging tanga ang isang tao sa pagmamahal na yan! " dagdag pa niyang sabi sa akin.

" P-Paano mo nasasabing puro sakit ang magmahal? Nabrokenhearted ka na ba? " dahil doon, nabuhay na naman ang curiousity ko sa kanya. Nakikita ko lang sa kanya ay pagiging chain smoker niya, suplado, tipid magsalita, bipolar, mood swing, rugged manamit kaya hindi ko akalain na ganun ang iniisip nya pagdating sa pagmamahal. Para siyang may pinagdadaanan kung magsalita ng ganun. Samantalang kung titingnan mo siya, wala siyang pakialam sa mundo. Walang pinoproblema. Basta may sigarilyo siya, solve na.

" Hindi dahil hindi naman ako nagkaroon ng girlfriend. At hindi ko kelanman papangarapin na magkaroon ng girlfriend! Kontento na ako ng ganito. Walang girlfriend. Walang problema. Kaya ikaw, wag na wag kang maiinlove sa akin. Masasaktan ka lang sa kakaasa. " tiningnan ko siya saka inirapan. Ang kaninang madilim na mukha ay naging parang emotionless na naman. Mahirap alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman nya.

" Paano mo nasabi yan eh hindi ka pa nga nagkaka-girlfriend? At paano mo nasabing kapag nagkakarelasyon lang, nasasaktan. Nagkakamali ka, Stephen. " kumunot ang noo niya at binigyan ako ng pagtatakang reaksyon kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. " Kahit wala kang karelasyon, may times pa rin na masasaktan ka. Lalo na kung ang taong minamahal mo ay may mahal ng iba at hindi ka kayang mahalin nito. One sided love ang tawag doon. " malumanay kong sabi.

Yung galit na nararamdaman ko sa kanya kanina ay unti unti na ring naglaho. Ganun na lang kabilis humupa ang galit ko gayung wala naman siyang ginagawa at sinasabi. I realize na hindi ko pala kayang magalit ng matagal sa kanya. Imposible 'to. Iba na talaga 'to.

" Wala akong pakialam. Basta ayaw kong magmahal. Ayaw ko ng babae! " napaawang ang labi ko. Hindi kaya naman.. Ano siya kaya ayaw nya ng babae?

" B-Bakla.. Bakla ka ba? " hindi ko napigilang itanong sa kanya. Patay! Me and my mouth. Bakit ko ba nasabi yun? May pagkataklesa talaga ako kahit kelan. Dumilim na naman ang mukha niya.

" A-Ano?! Don't you dare to say that again, Shy. Dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo. " napalunok ako sa banta niya. C-R-E-E-P-Y!

" Ka-Kasi ano.. akala ko kasi bakla ka dahil.. ano.. uhmm.. " mabilis siyang lumapit sa akin. Nanginig ako nung hinawakan nya ang batok ko at walang babalang hinalikan ako sa labi. Hindi agad ako naka-react sa gulat. I was stunned and freeze for a moment. Habang tumatagal, lalong lumalalim ang halik niya. And i realized, i was kissing him back the way he did. Napapikit na lang ako sa sarap. He was a good kisser. I knew it. And.. And.. ngayon, alam ko ng gusto ko na talaga siya. I like him! I like Stephen Kristoffer. Confirmed. Eto ang pangalawang beses na hinalikan nya ako.

Napadilat ako nung humalakhak siya. Yung tipong tawang nang-aasar. " I guess you liked it. " tss. Englishero na 'tong blonde na 'to. Inirapan ko siya at tinalikuran para itago ang pagkahiya ko. " Kaya wag mo ng sasabihin na bakla ako o iisipin dahil straight ako. " humugot ako ng hangin ng malalim. Gusto ko na talaga siya.. Hindi, sobra pa doon. It's been two months? Three months simula nung dumating siya sa buhay ko. Ilang buwan na ba? Basta. Madaming nagbago.

" Oo na! "

Dumating ang araw ng Halloween Ball. Umaga palang excited na si Bea. Halata naman kasi panay ang text sa akin. Kinukulit ako na dapat umattend talaga ako at si Stephen. Kinakabahan ako ng konti kasi baka indyanin ako ng lalaki na yun. Wag naman sana.. dahil umaasa akong tutuparin niya ang sinabi nya sa akin. Sana naman marunong tumupad sa usapan si Stephen the blonde boy.

Mabilis dumaan ang mga oras hanggang dumating na ang oras na ako ay aalis. Usapan namin ni Stephen, susunduin nya ako ng bandang alas sais ng gabi.

" Si Merck ba ang susundo sa'yo? " hindi pa pala alam nina ni Mama na break na kami ni Merck. Nawala sa isip ko. At hindi ko pa kayang sagutin ang mga tanong na itatanong nila kapag nagkataon.

Umiling ako at dumungaw sa bintana. " Hindi po, Ma. Si Stephen.. " kumunot ang noo niya.

" Sino yun? " tanong nya.

" Err.. Ano.. "ano nga ba? Sasabihin ko bang boyfriend eh di naman talaga kami. " Kaibigan po. "

May biglang kumatok kaya hindi na nagsalita si Mama at binuksan na niya ang pinto. Napaawang ang bibig ko nung nakita ko ang nasa likod nun. Nakapamulsahang Stephen. Nakabaliktad ang sumbrero. Faded jeans ang suot at naka-long sleeves. Higit sa lahat, itim ang kulay ng buhok. Hindi ko agad nakilala. Wow. Just wow!

" Si Xhyren po? " aba? Magalang?

" Ikaw ba si Stephen? Halina, pasok ka muna. Tapos na siya. " paanyaya ni Mama. Alam ko, maraming itatanong yun kay Stephen kaya pinigilan ko na..

" Wag na, Ma. Aalis na kami e. Baka malate kami sa ball. " hinila ko na si Stephen palabas ng bakuran namin. May sinabi pa si Mama ngunit hindi ko na eto pinansin.

Disappointed ako nung nakita ko ang sasakyan niya. Hindi man lang nag-effort. Tss. Pero okay na rin dahil tumupad siya sa usapan. Thankful na ako doon. " Walang kotse kaya pagtiyagaan mo na lang ang motor ko. Hindi ako katulad ng ex mo na may magarang kotse. " mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Hinarap ko siya saka sinimangutan.

" Okay lang sa akin ang sasakyan pero yung ayos mo, hindi. Ball ang pupuntahan natin. Halloween ball, dapat yung angkop sa ball. Hindi yung mukha kang gagala. " maktol ko.

Tumawa siya ng mahina saka umigbis na sa motor. " Sus! Kung makareklamo, akala mo kagandahan ang ayos. " napangiwi ako. Anong problema sa damit ko? Eh di hamak na mas bagay 'to kesa sa suot nya. Nakakainis talaga 'tong blonde boy na 'to.

" Heh! Okay 'to kesa sa suot mo. Mukhang di ka aattend ng ball! "

" Eh? Ikaw? Birthday party? " tumawa siya ng malakas. Yung pang-asar. " Snow white? Haha. Ano ka, bata? Fairy tale ang peg? " kung titingnan mo siya, parang sasakit na ang tiyan sa kakatawa sa akin. Nang-insulto pa! Eh.. Pwede naman 'to ah! Snow white. Hmp. Basta maganda ako ngayon! Naks! Taas ng confident.

" Tumigil ka na nga diyan! Alis na nga tayo baka mahuli pa tayo sa ball e. " hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar niya. Inipit ko ang damit ko saka umangkas sa motor niya. Medyo hassle pero wala e.. No choice!

Tahimik kami sa buong biyahe pero siya ang unang bumasag ng katahimikan. " Eto ang magandang ride. Simpleng sasakyan. Ordinaryong prinsipe at napakagandang prinsesa. " biglang lumakas ang sikdo ng puso ko. Tama ba ang sinabi nya? Prinsipe ko siya? Tapos ako ang maganda nyang prinsesa?

Ngingiti na sana ako at magti-thank you kaya lang.. " Naniwala ka naman? Joke lang yun! " at tumawa siya ng pagkalakas lakas. Yung tipong natutuwa talaga siya na pagtripan ako. " Akala mo talaga ako ang prinsipe mo? At ikaw ang prinesesa ko. Haha. Labong mangyari yun. "

Napapikit ako sa inis at napakuyom ng palad. Hindi porke may nararamdaman ako sa kanya, papalampasin ko ang mga pinagsasabi nya. " Pwede ba? Kung wala kang masabing maganda. Tumahimik ka na lang! Kung makapanukso ka at makapang-asar eh parang may gusto ka sa akin! Tss. Wag mo ngang sirain ang gabi ko. "

" Okay. " aniya. Pero alam ko, nakangisi yan. Tuwang tuwang inaasar ako.

Itutuloy..

My High School Ex-GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon