Chapter 21: *Ang Sayaw*

87 0 0
                                    

My High School Ex-Girlfriend

written by: PurpleRaindrops

Chapter 21

*Ang Sayaw*

*Xhyren's Pov*

Nakasimangot ako nung nakarating sa venue. Wala na siyang ginawa kundi ang asarin ako. Yung nakakapikon na talaga. Nakakaubos ng pasensya. Yung tipong puputok ka na sa inis!

" Nandito na tayo. Nakasimangot ka pa rin? " sabi niya nung pareho na kaming nakababa ng motor niya.

" Sino ang tatawa sa pang-aasar mo, aber? Ang lakas mo mang-asar. Nakakapikon na! " nagcross arms ako at nilagpasan siya. Halos humaba ang nguso ko sa pagkapikon. Kaso sa inis ko, hindi ko na napansing naapakan ko na pala ang laylayan ng suot kong snow white outfit. Na-out of balance ako at napapikit na lang dahil unti unti na akong natutumba. Hinihintay ko na lang na masubsob ako sa lupa kaso hindi nangyari. Ilang segundo akong nakapikit hanggang minulat ko na ang mga mata ko. Una kong nasilayan ang mukha ni Stephen. Seryoso eto at sobrang lapit na sa mukha ko. Napasinghap ako nung naamoy ko ang pabango niya. Nafi-figure out ko ang ayos namin. Tila step ng sayaw. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

" Lampa! " aniya. Napangiwi ako at dahan dahan nya akong itinayo ng maayos. Inayos ko ang sarili ko na hindi pa nakaka-get over sa nangyari. Paano nya ako nasalo ng ganun kabilis? Lastikman ba siya? Dahil nasalo nya agad ako?

" S-Salamat.. " nauutal ko pang sabi. Binigyan nya ako ng blank face at siya na ngayon ay lumagpas sa akin. Sinundan ko siya hanggang pumasok na kami sa loob. Tahimik kaming naglalakad roon.

Madami ng tao. Natanaw ko na rin si Bea at ang ka-date niya. Nandoon din si Maxene kasama si Merck. May kumurot sa puso ko. I don't know kung selos ba yun o panghinayang. Tss. Napalingon ako kay Stephen na inakbayan ako. Nagulat ako sa ginawa nya.

" Dito pala ang ex mo. Lapitan mo na. Yun naman ang gusto mo di ba? Ang maging kayo ulit. Ang makasama mo siya. Iniisip mo siguro na dapat siya na lang ang niyaya at kasama mo ngayon, ano? At hindi ako. " tinanggal ko ang kamay nya na nasa balikat ko at hinarap siya ng maayos. Mukha siyang galit dahil magkasalubong ang mga kilay nya at ang sama ng tingin sa akin.

" Ikaw ang niyaya ko kaya ikaw ang gusto kong kasama dito. Ex ko na siya. " hindi ko alam kung bakit nagpapaliwanag pa ako sa kumag na 'to. Hay. Wala naman dapat akong ipagpaliwanag, in the first place sa kanya dahil wala naman talaga kaming relasyon.

" But you can't deny the fact na mas gusto mo siya kasama. You still into him. Mahal mo pa rin siya! " tumaas ang tono nya kaya napaawang ang labi ko. Nagseselos ba siya?

" Hindi ko na siya mahal.. " i looked away. Ayaw kong aminin na siya na ang mahal ko ngayon. Sabi nga niya, masasaktan ako kapag siya ang minahal ko. Hindi ko na siguro kakayaning masaktan ulit. Not now. Not yet. Hindi pa kaya ng puso ko.

" Shy! Bhest! Mabuti dumating ka na.. Akala ko hindi ka na naman aattend e. " sabay kaming napatingin kay Bea. Naka-white lady attire 'to. Nakakaramdam na ako ng takot. Pero kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil nadistract kami ni Stephen sa isa't isa sa pagsingit ni Bea.

" Sabi mo nga, last year na natin 'to. Kaya umattend na ako. " ngumisi si Bea at kinindatan ako.

" Tara, doon na tayo sa table natin. By the way, nice hair, Stephen! " baling nito kay Stephen at tiningnan ko kung ano ang magiging reaksyon ni Stephen sa sinabi ni Bea pero wala.. Tiningnan lang nya eto. Pokerface. Jeez. " Suplado.. " mahinang bulong ni Bea. Ngumisi na lang ako at hinila na lang si Bea.

" Tara na, Bey! " mahina pa akong tumawa dahil panay reklamo niya sa akin kung bakit ganun si Stephen, wala daw pakisama. Sabi ko na lang, masasanay din siya.

*

Nag-umpisa sa speech ang ball. Intermission number. Blah! Blah! Hanggang dumating ang 11pm. Lahat ng mga estudyante ay pupunta sa gitna para magsayaw kasama ang 'ka-date' nila pero may twist.. Madilim, may ilaw naman pero hindi yung kasingliwanag ng ilaw na pag gabi. Parang dim light lang. (Parang ganun naman talaga pag may sayaw, di ba?) At habang sumasayaw kayo ng kasama mo, may nananakot. Eto talaga ang ayaw ko e! Kahit alam kong hindi totoo yun, natatakot pa rin ako. Mukha kasing totoo. As in! Yung mga make up pati yung costume.

At kung sino ang aabot sa 12midnight na hindi natitinag sa pananakot. May meaning daw yun.. Yung lalaki o babae na kasama mo o kasayaw ay siya din ang taong para sa'yo. Meant for each other daw kayo. Paniniwala na yun ng school namin ng ilang nakalipas na taon. Karamihan ngang magkasama noon na hindi natakot o umalis sa gitna ng dance floor, nagkatuluyan. Well, hindi ko alam kung totoo nga o nagkataon lang na sila talaga ang sa isa't isa at excuse lang yung ball. Ewan. Hirap talaga paniwalaan di ba?

" Uy, kayong dalawa? Bakit hindi pa kayo sumasayaw? " oo, lahat sila nandun na sa gitna. Sumasayaw na samantalang kaming dalawa, heto nakaupo sa table namin at walang imikan. Eh? Alangan ako pa ang magyaya sa kanya? Eh siya ang lalaki. Ang awkward kaya nun saka ayaw ko naman talagang sumali sa sayaw. Una, takot ako. Pangalawa, hindi ako naniniwala sa paniniwala nila. Kaya ayaw ko talaga kaso nakita kami ng mga ilang teacher na naglibot. Tss. Minamalas ka nga naman.

Hinila ako ng isang teacher sa gitna kahit sabi kong wag na.. Pati si Stephen, yamot na yamot na hinihila ng isang teacher din. Nung nasa gitna na kami, pinagdikit kaming dalawa pero hindi as in dikit na dikit. Yung.. slight lang. Sila na din yung naglagay ng mga kamay namin sa parte na dapat hawakan. Jeez. Nanginginig ako. Ewan ko lang kung napapansin nya yun.

" Let the real party begin! " dinig kong hiyaw ng emcee. Hiyaw talaga at hindi sabi lang. Sumakit nga tenga ko doon e.

" Hindi mo sinabi na may ganito palang mangyayari. " dama kong inis na sambit nya. Napayuko na lang ako. Ayaw kong tingnan siya.

" Sorry.. " napa-erect ako ng tayo nung humigpit ang pagkakahawak nya sa bewang ko. Ilang beses akong napalunok dahil naamoy ko na naman ang pabango niya. Lalo akong nanginig.

" Yung ex mo, nakatingin sa atin. " hindi ako kumibo sa bulong niya sa tenga ko na halos tumayo ang mga balahibo ko dahil doon. " Siguro, tuwang tuwa ka na tinitingnan ka niya, ano? " pagpapatuloy niya.

" Pwede bang wag natin siya pag-usapan? Hindi naman siya ang pinunta ko dito e. " ang labo niya talaga! Kanina pa siya ex ng ex. Sarap bulyahan na siya na ang mahal ko pero para ano? Aasarin niya lang ako.

" Tss! " dinig kong reaksyon niya.

Nagulat ako nung may biglang sumulpot sa harapan ko na kalansay habang nagsasayaw kami ni Stephen. Dahil sa gulat at takot, napayakap ako kay Stephen ng mahigpit. Nanginginig na ako sa takot at hindi na sa hawak niya.

" Aaaaaaahh! " sigaw ko. May mga katabi rin akong magkapareha na sumigaw dahil sa panunulpot ng mga nananakot. P-Parang totoo kasi talaga..

" Tssss! Wag ka ngang OA! Alam mo namang peke yan e. Hindi naman yan totoo kaya bakit ka natatakot? " tiningnan ko na si Stephen at nakatingin din siya sa akin with his blank face.

" Eh? Kahit na.. N-Nakakatakot pa rin. U-Umalis na tayo dito. Umupo na tayo. H-Hindi naman totoo ang paniniwala nila e. " i closed my eyes and hugged him tight. Medyo nagulat pa siya dahil sa ginawa ko dahil tila natuod siya ng ilang segundo. " N-Natatakot ako, Stephen. " i gasped when he slowly moving his hand on my back. Yung parang kino-comfort nya ako.

" Wag kang matakot. Andito lang ako, Shy. Just.. Just hug me if you're afraid. " napaawang ng konti ang bibig ko habang tinititigan na siya ng mabuti. Hinihintay ko na sabihin nyang joke lang yun at asang totoo ang sinasabi nya pero hindi nya binawi.

Ayun na naman ang tibok ng puso ko at parang hindi ako makahinga. Yung ang hirap habulin ang hininga mo. At tumigil ata ang yung pag-ikot ng mundo ko at yung mga tao sa paligid ko sa narinig ko mula sa kanya.

Hindi ko inaasahang magsasabi siya ng ganun sa akin. Pinipigilan kong wag makilig pero.. kinikilig talaga ako. Jusko po! Ang puso ko, malaglag na!

Itutuloy..

My High School Ex-GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon