Chapter 16: *Ang Haplos*

114 2 0
                                    

My High School Ex-Girlfriend

written by: PurpleRaindrops

Chapter 16

*Ang Haplos*

*Stephen's Pov*

Kaya ko nasabing nasabihan ako ng gwapo ni Xhyren, yun ay dahil sinabi nyang 'Ang pangit mo na!'. Isa lang ang ibig sabihin nun, gwapo ako sa paningin nya nung hindi pa ako nabugbog. Tama?

" Tara na. Dadalhin na kita sa hospital. Itatayo kita.. " pangungulit nya sa akin. Gusto kong mainis sa kanya pero dahil masakit talaga ang katawan ko, hindi ko magawang singhalan siya. Grr. Kung hindi lang talaga hawak ng Brando na yun si Xhyren kanina, talagang lalabanan ko yun at sila ang mapapatumba ko. Madumi makipaglaro ang lalaki na yun. Nanggamit pa ng ibang tao para lang makaganti sa akin. At kung dito lang ang tropa ko, paniguradong sila ang lugmok sa lupa. Nakakainis talaga!

" Wag ka nga makulit. Ayaw ko ngang pumunta sa ospital eh. " pagmamatigas ko.

" Stephen naman e. Para din naman sa'yo yun e. Pshhh. Haaaa! Sorry, nang dahil sa akin nangyari eto sa'yo. Sorry. Sorry talaga, Stephen! Ano ba ang kasalanan mo sa kanila? Bakit ka binubog ng mga yun? " eto na naman.. Umiiral na naman ang pagkamakulit nya at pagkamatanong. Naku naman! Ugh.

" Mahabang kwento. Wag mo ng alamin pa. Ang mahalaga, hindi ka nila sinaktan. " napapikit na lang ako at kumikirot talaga ang katawan ko. Talagang tinodo nina Brando ang pagbugbog sa akin. Ugh. Aray!

" Ayaw mo ba talagang pumunta sa ospital? Matindi ang mga tama at pasa mo.. "

Umiling ako. " Gusto ko lang munang magpahinga dito. Matutulog muna ako. Yun lang ang gusto ko sa ngayon. Hayaan mo na lang ako. "

Narinig kong napabuntonghininga siya at hindi na nagsalita pa. Dahil nasa ulunan ko siya, itinaas nya ang ulo ko at nilagay sa lap nya. Hindi na rin ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siya sa mga ginagawa nya. Gusto ko lang talagang matulog. At hinahatak na ng antok ang mga mata ko lalo sa paghaplos nya sa buhok ko. Ayaw na ayaw ko talagang may humahawak ng buhok ko pero ngayong hawak nya, hindi ako makaalma. Nasasarapan pa nga ako at lalong inantok sa ginagawa nya e.

*Xhyren's Pov*

Akala ko talaga, mamamatay na ko kanina. May bigla na lang kasing kumidnap sa akin nung pauwi na ko. Mga di ko kilalang tao. Mga goons at nakakatakot talaga sila. Tinali ako at piniringan. Takot na takot talaga ako lalo na at wala naman akong nakikitang dahilan para dukutin nila ako.

Kanina, habang binubugbog nila si Stephen. Napaiyak na lang ako. Kinailangan nyang magpabugbog para lang hindi ako masaktan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ginagawa nila yun sa amin. Basta alam ko, may mabigat na dahilan. Kung ano man yun, hindi ko alam dahil ayaw sabihin ni Stephen sa akin. Ang tigas pa ng ulo sapagkat ayaw magpadala sa ospital. Ang gusto nya, humiga sa daan at matulog. Itinulog ang pananakit ng katawan. He's so cold. Pero kahit ganun pa man, utang ko sa kanya ang buhay ko. He sacrifice his life for me. Hinaplos ko na lang at hinawakan ang buhok nya para kahit papaano, mabawasan ang sakit na nararamdaman nya. Tinitigan ko ang mukha nya. Ang mga mata nyang nakapikit. Ang matangos nyang ilong at ang labi nya.. Napalunok ako nang mapatingin ako doon. Minsan na akong nahalikan ng labi na yun. Pakiramdam ko, namumula na ako. Bakit ba yun pa ang pumasok sa utak ko? Naku naman talaga oh!

" Uhhhh.. " ungol nya.

" O-Okey ka lang? Dadalhin na kita sa ospital. Sandali lang, hihingi ako ng tulong para madala kita roon. " tatayo sana ako ngunit hinawakan nya ang kamay ko at nung tingnan ko siya, naka-half open ang mata nya.

" Wag na. Okay na ako. Sapat ng nakaidlip ako. " kumuha siya ng puwersa sa kamay ko para makatayo siya. Gumewang pa siya nung nakatayo na siya ng mabuti. Mabuti na lang nakahawak ako sa kanya kaya hindi siya nasubsob sa lupa. Daig pa yata nya ang lasing e. " Ihahatid na kita.. "

" Naku! Kahit wag na.. Bugbog sarado ka na nga, ihahatid mo pa ako. Magpahinga ka na lang. " bilib din ako sa kanya. Puro pasa na nga ang mukha, balak pa akong ihatid. Ibang klase talaga siyang lalaki.

" Okay. Basta bukas. Mag-uusap tayo. Itetext na lang kita. " bumitaw siya sa akin at nilagpasan ako. Tiningnan ko na lang siyang naglalakad palayo.

" Ano naman ang pag-uusapan namin? Hindi kaya.. " ipinilig ko ang ulo ko sa iniisip ko. Iniisip ko kasi, baka tungkol sa paghalik nya ang pag-uusapan namin. Jusko! Parang hindi ko yata kayang pag-usapan namin yun. Nakakahiya! Wag naman sana.. pero hindi ba, yun ang nais kong pag-usapan namin nung mga nakalipas na linggo. Kinulit ko pa nga siya dahil dun eh pero iniiwasan nya ako. Bahala na nga para bukas.

The next day..

" Hindi na yata pumapasok si Maxene ngayong mga nakalipas na araw.. " dinig kong sabi ni Bea.

Naglipat ako ng pahina ng binabasa ko saka sumagot sa kanya. " Nagtaka ka pa. Eh hindi naman talaga halos pumapasok yun e. "

" Sabagay. Hindi na talaga ako nasanay dun. Tsk. By the way, naalala ko lang. Next week na pala yung Halloween Ball natin. " oo nga! Tuwing first week ng November, may Halloween Ball kami na kung saan sa mga haunted house namin ginagawa ang sayawan. Sa mga nakakatakot na lugar na may mga multo. Ee. Nakakatakot! Pwedeng maghanap ng partner na outsider as long as may kapareha. Every year, ginagawa yun ng school namin. Matagal na raw ginagawa yun at may paniniwala na kapag tumagal daw kayo ng partner mo sa haunted house ng hanggang alas dose nang hindi natatakot o hindi uuwi. May chance na yun daw ang makakatuluyan mo.. Ehem! Hindi ako dumadalo sa Halloween Ball dahil, alam nyo na.. takot ako sa mga multo. Kahit nung kami pa ni MJ, hindi nya ako napilit. Ngayon pa kaya. " Hindi ka na naman dadalo, ano? " agad nyang sabi nung hindi ako kumibo.

" Hehehe. Oo, Bea. Natatakot ako e. Kayo na lang. "

" KJ! Last year na natin 'to dahil fourth year na tayo. Kaya dapat umattend ka! I won't take NO as your answer. Wag kang KJ! Isama mo yung jowa mo na blonde. I'm sure, hindi matatakutin yun. " napangiwi na lang ako. Nakakainis naman e. Ang tanong, sasama kaya siya? Ewan. Hindi pa kami nag-uusap nun. Ohh, speaking! May usapan kami ng araw na 'to. Agad kong tsinek ang cellphone ko kung nagtext na sya. May text na nga.

' Punta ka sa may tindahan na malapit sa boarding haus. Usap tayo. 3pm. Wag ka malate. '

Phew. Bigla akong kinabahan. 1pm na at may dalawa pa kong klase. Baka magalit sya kapag hindi ako magpunta ng 3pm dahil me pasok pa ko nun.

' May pasok ako ng 3pm. Pwede, 4pm na lang? ' - ako

' Hindi. -_- ' - Stephen

Tss. Fine. Magka-cutting class ako. B.I. ang ugok na yun.

Nung 3pm na, nagpuslit ako. Mabuti na lang, hindi nahuli. Agad ko siyang nakita nung papunta na ko ng tindahan. May hawak na namang stick ng sigarilyo. Magulo ang buhok at nakasuot ng maong na kupas. Kulay itim ang damit saka may suot pang sumbrero na pabaliktad. Angas. Gwapo. Err.

" Akala ko, di ka pupunta. Tara, angkas na.. " turo nya sa motor nya na malapit sa kanya. " Kanina pa tayo hinihintay ni Ate Ada eh. " sumakay siya ng motor at takang minasdan sya. Eh? Anong meron? Ate? Ate nya? Bakit? Bakit kami pupunta sa ate nya? Hala? " Tara na! Bagal e. Naghihintay na sila ni kuya Justin. Gusto kang makilala. "

" B-Ba-Bakit? "

" Pakilala kitang girlfriend sa kanila. " ha? Ano daaaw?

Itutuloy..

My High School Ex-GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon