Chapter 7: *Surprise Presence*

140 2 2
                                    

My High School Ex-Girlfriend

written by: PurpleRaindrops

Chapter 7

*Suprise Presence*

*Xhyren's Pov*

Nagtaka ako dahil madaming tao nang lumabas ako ng gate kinahapunan. Uwian na namin ng mga oras na yun. Madaming babaeng nagbubulungan na di ko maintindihan kung bakit. May artista ba kaya sila ganun?

" Anong meron? "

" Ewan ko, Shy. Tara, puntahan natin para makita natin kung bakit. " hinila ako ni Bea at nakisingit sa mga nagkukumpulan. Isang lalaki ang tumambad sa amin. Nakasandal eto sa motor.. No, isang motorbike na ito. Hula ko, mamahalin yun. Naka-varsity jacket eto at shade. Syempre, ang trademark na una kong napapansin sa kanya. Ang blonde niyang buhok. Napatutop ako ng bibig. Ano naman kaya ang ginagawa niya sa tapat ng school namin? Nagmo-model? Model ng isang motorbike? Ehh.. Alam kong nasa tapat lang ng school namin ang tinutuluyan niya pero bakit kelangan niyang gumawa ng eksena. Pshh. Geez. Pero infairness, cute siya sa porma na yun. Basta, ang hirap eexplain pero bagay talaga sa kanya.

" Psst. Ikaw! " nilagay ko ang hintuturo sa sarili ko para makumpirma ko kung ako nga ang tinatawag niya. Nagkumpas siya ng kamay na pinapalapit niya ako sa kanya. Lumingon ako sa mga estudyanteng naroon. Pinagtitinginan nila ako na parang 'sino yan' at bakit ako ang tinatawag.

" Ang cute ng guy! Eeeh! Ano kaya ang pangalan niya? Tapos ang gara nung motor niya. " dinig ko na parang pinipigilan pa ang sarili na makilig. Wew. Ganito ba talaga epekto ni Stephen sa mga babae? O dahil lang sa motor na sinasandalan niya? Kaya siya napapansin? Eh, ang mahal eh. Sabi ko na nga ba eh! Madami syang pera. Mayaman siguro 'to. Di lang halata dahil sa pagdadamit niya.

Nang nakalapit na ako ng husto sa kanya, agad ko siyang tinanong. " Anong ginagawa mo dito? " sambit ko na hindi halos gumagalaw ang labi ko at pabulong pa yun.

" Sinusundo ka. Obvious ba? Oh! " sabay abot ng isang helmet sa akin. Inabot ko naman yun agad kahit nagtataka. Umangkas siya sa motor pagkatapos. " Sakay na! " agad din nitong sabi pero di ako kumilos. Ano na naman kayang kalokohan ang gagawin niya? " Tutunganga ka naman ba dyan? " tumalima naman ako sa sinabi niya. Baka masabihan na naman kasi niya. Umangkas ako at sinuot ang helmet na binigay niya. Nahihiya ako. Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao dun.

" Stephen, ano ba 'tong ginagawa mo? Nakakahiya! Gumawa ka pa talaga ng eksena. "

" Easy! Para mas makatotohanan ang pagpapanggap natin. "

" A-Akala ko, trip mo lang yun. Akala ko, biro mo lang na magpapanggap tayo bilang mag-syota. " kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa tiyan niya. Tulad nung nakaraang araw. Nanginig ang mga kamay ko. Ramdam ko kasing flat ang tiyan niya. Walang bilbil. Tila alaga niya talaga ang katawan niya. Nakaka-impress naman. Naks! Ano ba 'tong pinagsasabi ko. Tila humahanga na ako sa kanya.

" Tumahimik ka na lang nga at makisabay. " jeez. Bakit pakiramdam ko eh mina-manipulate niya ata ang buhay ko? Okey. Okey, i'll just shut up. Then, pinaandar niya ang motor pagkasuot ng helmet. Medyo wreckless siya magdrive pero swabe lang. Sakto lang kumbaga. Labo ng paliwanag ko ano?

" Ano bang ginawa mo para pagkumpulan ka ng mga babae dun? " curious kong tanong sa kanya habang nagbabyahe kami. Pambasag din ng katahimikan. Awkward e.

" Wala. Tumambay lang ako dun tapos may mga lumapit sa akin at pinagtitinginan nila ako. Ngayon lang ata nakakita ng ganito kaguwapong lalaki. " napaubo na lang ako. Ang yabang ha! Lakas ng confident sa sarili. Hay naku! Napailing na lang ako.

" Sus! Isang trak ata binuhat mo, hindi bangko. Teka nga, bat ka ba talaga pumunta sa school na ganyan ang ayos? Trip lang? "

" Gusto ko kasi gumala gamit ang bagong motorbike na binili ko kahapon. Wala akong kasama. Ikaw una pumasok sa utak ko. " may lubak kaming nadaanan dahilan para mauntog ang noo ko sa likod niya. Di sinasadyang maamoy ko ang pabango niya na nanunuot sa ilong ko. I gasped also dahil nagdikit ang katawan namin. May mga emosyon akong nararamdaman na hindi ko talaga maintindihan kung bakit nangyayari yun.

" Dahan dahan naman. " sabi ko.

Nakakailang naman. Magpapasapok talaga ako kay Bea para bakasakaling tumino na ang takbo ng utak ko. Ako? Kasama ang taong eto. Whew!

" Dahan dahan naman ako ah? " nataranta na lang ako nung bigla na lang niya pinaharurot ang motorbike niya. Dahil hindi ko alam ang una kong gagawin, napahigpit ang kapit ko sa katawan ni Stephen. Jusko naman! Papatayin nya ba ako sa nerbiyos?Ang higpit higpit ng pagkakahawak ko sa katawan niya. Wew! Asar talaga! Maririnig ko na lang, tumatawa siya ng malakas. Loko talaga! Kung kaharap ko lang sya ng mga sandali na yun, baka sinapak ko na siya. Pinagtitripan ako. Eh di naman nakakatawa. Grabe! Sama ng ugali niya. Pasalamat siya at nagdadrive siya nun.

" Ano ba! Di nakakatawa yun! "

" HAHAHA. Grabe ka makahawak ha? Di ka nga sumigaw pero ang higpit higpit ng kapit mo sa tiyan ko. HAHAHA. Nakakatawa talaga! Lalo na siguro kung nakita ko ang reaksyon ng mukha mo. Mas nakakatawa siguro yun. "

" Wag ka ng tumawa dyan! Magfocus ka na lang sa pagdadrive. Mabangga pa tayo sa kagagawan mo e. Kung magpapakamatay ka, wag mo akong idamay noh! Hays! Asar! " kahit hindi niya ako nakikita, napangiwi na lang ako. Suicide ata 'tong ginagawa ko eh. Naku namaaaaan! Engot ka talaga, Shy! Engot! Tama nga si Stephen, engot talaga ako! Bat ba ako nautong mapapayag ng lokong 'to? Tapos pinagtitripan ako. Grrrr. Hay naku naman!

Wala siyang ginawa kundi asarin ako the whole time na kasama ko siya. Super! Nakakainis talaga! Hindi ko tuloy ma-enjoy ang joyride namin. Naku lang talaga!

" Stephen! " nung bumaba na ako ng motor sa tapat ng bahay namin, tinawag ko pa muna siya.

" Ano? "

" Kanina ko pa talaga gusto gawin 'to sa'yo e. " hindi ko na pinalampas ang pagkakataon, piningot ko ang ilong niya hanggang sa namula eto na parang kamatis. Nakakagigil talaga siya. Pinamukha niya akong katatawanan sa pagsakay sa motor niya. Pero, cute pa rin siya. Woosh! Me ang my mouth. Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

" Araaaaay! Ano ba? Bakit ka ba namimingot?! Tae naman oh! Gagawin mo ba akong payaso nito! "

" Sarap mo kasi pingutin eh. " nakapamewang na turan ko.

" Hmp. May gusto ka lang sa akin e. " napaawang ang bibig ko.

" Kapal nito! Di ako magkakagusto sa'yo noh! "

" So meaning, mahal mo pa ang MJ na yun? " dun ako natahimik. Hindi naman madaling kalimutan si MJ. May pinagsamahan kami pero gusto ko na talaga siyang kalimutan. Gusto ko ng mawala siya sa isip ko at maging sa puso ko. Kung eto lang ang paraan na makalimutan ko siya, titiisin ko na lang ang pang-aasar ni Stephen. Tutal, pinasok ko na 'to. Engot nga talaga ako. Di ba? Eh di lubusin na. Alam ko, padalos dalos ako pero kapag nakakasama ko si Stephen. Saglit nawawala ang sakit kahit dalawang beses ko palang siya nakakasama ng matagal. Siguro sa ngayon, hindi ko pa lubos maintindihan ang nangyayari pero walang masamang sumubok.

" Oo, mahal ko pa siya. "

*Stephen's Pov*

" Oo, mahal ko pa siya. " hindi ko alam kung bakit parang nasaktan ako sa sinagot niya sa tanong ko. Kahit alam kong yun ang isasagot niya, tinanong ko pa rin. Kasaltikan talaga! " Pero, " napatingin ako sa kanya ng tuwid sa pag-pero niya. Napahigpit din ang hawak ko sa manibela ng motor. " ayaw ko ng magpatanga. Masasaktan lang ako. "

Normal lang ba makagawa ng bagay na kaabnormalan? Sana naman ay normal lang dahil hindi pa ako nasa ganung level. Matino pa ako at walang saltik.

Itutuloy..

My High School Ex-GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon