Chapter 11: Start of Something New

63 10 0
                                    

Chapter 11: Start of Something New

SABRINA’s POV

Pasukan na! ito ang 1st day ko bilang Senior High sa Star Academy. Maganda ang gising ko kasi may himalang nangyari kaninang umaga, nagising lang naman ako ng maaga for the 1st time, achievement kaya iyon kasi dati kaya dakilang late ako. Mabuti narin to na nasasanay akong gumising ng maaga dahil wala na si mommy para gumising sa akin kasi nasa dorm na ulit ako.

Dahil ito ang 1st day ko sa Star Academy, wala pa akong kakilala dito mag-isa lang akong naglalakad papunta sa room ko, kaso may napansin ako, bakit parang lahat ng mga estudyante nakatingin sa akin? ?_?, maayos naman itsura ko, complete naman uniform ko, ganto ba talaga sila pag may bago? Ang weird nila ah.

Nung dumating ako sa room 303, Section Venus to so ito ang room ko, pumasok ako sa backdoor ng room para walang masyadong makapansin sa akin. Ang swerte ko may bakanteng upuan sa may tabi ng bintana sa bandang likuran,

umupo na agad ako dun.

Napansin ko unti palang pala mga tao sa room, maaga pa kasi ee, tapos napansin ko iyong babaeng nasa kabilang upuan. Nakayuko siya sa desk kaya di ko mukha niya. Maya maya narinig ko siyang umiiyak. Hala anong gagawin ko nakatingin sa amin iyong mga classmates namin. Di ko pinaiyak to nuh.

            “Kanina pa iyan ganyan simula ng dumating dito” sabi nung isang kaklase namin kaya naglakas loob na akong kausapin siya

            “Miss, bakit ka umiiyak?” tanong ko sabay lapit sa kanya

Inangat niya iyong mukha niya at nagulat ako, ang cute cute niya at mukha siyang bata parang kasing edad ni Seb.

            “Di ko *sob* kasi naging classmate *sob* Kuya ko ee” sagot niya

            “Ganon ba? Ganto nalang wag ka ng umiyak ako nalang magiging Ate mo” sabi ko sa kanya, ang cute cute kasi niya ee.

            “Sige sige! Gusto ko ng Ate. Ano palang name mo?” tanong niya, ayan okay na siya

            “I’m Sabrina Mendoza, transferred student lang ako dito, ikaw?” tanong ko naman sa kanya

            “I’m Sofia Myrr, and I’m also a transferred student!” sagot niya

            “Ahm… If you won’t mind, how old are you? You look very young” tanong ko sa kanya curious kasi ako ee.

            “Ahh, yun ba, actually I’m 15 years old, accelerated ako kaya Senior High na ako” she said. Kaya pala mukha siyang bata, bata pa talaga siya.

Napahinto kaming dalawa sa pag-uusap ng dumating na iyong adviser namin. Homeroom kasi 1st subject namin ee.

            “Dahil 1st Day ng Class ngayon, I want you to introduce yourself to get know each to others well” sabi ng adviser namin

            “Let’s start sa mga new students” sabi ng isang kaklase kong lalake. Sumang-ayon naman iyong ibang classmate namin kaya nauna na ko.

            “Hi everyone, I’m Sabrina Mendoza, 17 years old and I’m staying at Dorm 5. I hope all of us could be good friends” sabi ko

            “May boyfriend ka na ba?” tanong nung isa ko pang classmate na lalake. Bago ako makasagot tumayo na si Sofia.

            “Wag niyong kulitin si Ate Sabrina!” sabi niya sa mga classmates ko

            “ako nga pala si Sofia Myrr, 15 years old lang ako but I’m accelerated so Senior High na ako” pakilala ni Sofia and she’s so cute waahhh. Kawaii :3

After naming dalawa, nagpakilala nadin iyong ibang mga classmates namin. Di ko natandaan pangalan nilang lahat, dami nila ee, si Sofia palang ang kilala ko.

Ang bilis ng oras 4th subject na agad, puro introduction ginagawa ng mga teachers namin sa mga subject matters namin. After ng 4th subject, lunch break na.

            “Ate Sabrina, sabay tayong mag-lunch sa canteen” yaya sa akin ni Sofia

tamang tama

            “Sure, tamang tama gutom na ko” sagot ko, di ko kasi ako nagbe-breakfast ee

            “Yehey! Pero wait lang ah, hintayin natin si Kuya ko, papunta na daw siya dito ee” sabi niya

            “kapatid mo ba iyong kuya mo?” tanong ko kasi kanina pa siya kuya ng kuya ee.

            “Nope, he’s my cousin, siya kasi nag-aalaga sa akin simlua nung mga bata palang kami only child kasi ako ee” sagot niya

            “ayan na pala si Kuya ee, Ate Sabrina, pakilala kita sa Kuya Luke ko aa” sabi ni Sofia

OMG.

(Author’s note: abangan ang muling pagkikita ni Yna at ni Luke)

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon