Chapter 12: Luke meets Sabrina

70 11 1
                                    

Chapter 12: Luke meets Sabrina

LUKE’s POV

“Ayan na pala si Kuya ee, Ate Sabrina, pakilala kita sa Kuya Luke ko aa” rinig kong sabi ni Sofia dun sa babaeng kasama niya.

Di ko masyadong Makita iyong babaeng kasama ni Fia kasi may mga nakaharang na babae sa corridor. Masaya ako na may kaibigan na agad siya si Fia sa 1st day ng klase kanina kasi umiiyak siya kasi di pala kami magkaklase, Section Saturn kasi ako.

Pagkarating na ko sa room nila Fia, bigla akong napahinto ng makita ko iyong babaeng kasama ni Fia. Siya iyong babaeng nakabunggo ko sa parking lot na mukhang pamilyar talaga sa akin, siya din iyong babae sa kabilang unit. Sabrina pala pangalan niya, ang ganda ng pangalan niya bagay sa kanya.

            “Uyy, kuya Luke! Buti nandyan ka na may papakilala ako sayo” sabi ni Fia kaya natauhan ako.

            “Ate Sabrina, ito si Kuya Luke ko, iyong kinukwento ko sayo” sabi ni Fia dun kay Sabrina, “Kuya, siya naman si Ate Sabrina, classmate ko” sabi naman niya sa akin

            “Hi, I’m Lucas Santiago, diba ikaw iyong girl sa parking lot? nice to meet you” sabi ko dun kay Sabrina then I give her a hand.

            “Oo, ako nga, I’m Sabrina Mendoza, nice to meet you too” sabi niya sakin then inabot din niya kamay niya sa akin then nag-shake hands kami. Ang lambot ng kamay niya parang ayaw ko ng bitawan.

            “Ehemm. Ano iyong sa parking lot?” tanong ni Fia, bigla tuloy nakgkahiwalay iyong kamay namin.

            “nabunggo ko kasi siya nung inuutusan mo akong kunin iyong mga gamit mo sa kotse mo” sabi ko then

            “ganun ba? Tara punta na tayo sa canteen, gutom na ko ee” sabi ni Fia.

Nagpunta na kami sa canteen, ang daldal ni Fia, daming kwento x_x tapos tawa lang ng tawa si Fia, Out of Place ako x_x. buti nasasabayan ni Sabrina tong si Fia.

Nakarating na kami sa canteen, buti may nakita agad kaming table kaya naupo agad kami.

            “Anong gusto niyong kainin?” tanong ko sa kanila

            “Wow ang ganda naman ng canteen dito parang restaurant” sabi ni Fia

            “Anong gusto niyong kainin?” tanong ko ulit sa kanila, parang di ako naririnig ni Fia, si Sabrina naman, nahihirapan sa pagpili ng menu

            “Waaahhh! Wala bang Rice meal dito? bakit puro meat at pasta? Nagugutom na ko ee” biglang sabi ni Sabrina, napatingin tuloy sa kanya iyong mga tao

            “Ayy, sorry po” sabi niya sabay pout, ang cute niya talaga

            “Lasagna sa akin kuya! Ee ikaw ate Sabrina?” sabi ni Fia

            “Ganoon nadin sa akin, walang kanin dito ee” sabi ni Sabrina

            “Sige ganun nadin sa akin, ako na oorder aa” sabi ko

            “tulungan na kita” sabi ni Sabrina sabay tayo.

            “Wag na kaya ko nadin naman ee” sabi ko sa kanya

            “Arte mo naman Kuya, kaw na nga tong tutulungan ee” dagdag ni Fia

            “sige na kasi please” sabi niya sabay pout

            “Sige na nga kulit niyo ee” sabi ko, di ko natiis iyong pout ni Sabrina >.< ang cute kasi

Nung nasa counter na kami, nangulit naman si Sabrina, dapat kasi ako magbabayad ng mga pagkaen namin tapos ayaw niyang pumayag tapos maya maya pumayag na rin siya kaso sabay hirit na siya nag magbabayad ng drinks namin. Nakakatuwa siya, wala siyang karate-arte sa katawan, napaka-simple lang niya at ang kulit kulit niya.

Pagbalik namin sa table namin kumaen na agad kami kasi baka maabutan kami ng bell. Pagkatapos naming kumaen bumalik na agad kami sa mga rooms namin kaso di na namin nakasabay si Sabrina pabalik kasi may dadaanan daw siya sa Faculty.

            “Kuya nakita ko na si Idol Yna” sabi ni Fia, bigla tuloy akong napahinto

            “talaga? Nasan?” tanong ko agad kay Fia

            “Secret” sabi niya sabay takbo, di ko na siya hinabol kasi nakita ko na iyong magbe-bell ee

Ano ba tong nararamdaman ko? kanina si Sabrina nasa isip ko ngayon si Yna naman? Parang playboy lang ang dating ko haixt.

Pagdating ko sa room nakita ko sa Harold na nakatulala.

            “Bro, bakit natutulala ka dyan?” tanong ko sa kanya kaya natauhan siya

            “Bro, feeling ko in love na ako sa transferred students sa kabilang section” sagot niya sa akin

Hala sino kaya ang tinutukoy ni Harold, Hindi naman kaya si Fia? Ee ang bata nun ee. x_x o kaya si Sabrina o si Yna. Masama pakiramdam ko dito kay Harold tsk.

(author’s note: Abangan ang POV ni Harold ☺)

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon