Chapter 22: The Cosplayers

50 6 0
                                    

Chapter 22: The Cosplayers

SOFIA’s POV

Oh diba umiibang level na ako! Dati sila Ate Sabrina at Kuya Luke lang ang may POV, ngayon pati ako! Hahaha kay love na love ko si Ms. Author na si SunakoTheSuperGirl ee!!

A/N: Love you din, kaw talaga nambola ka pa, at dahil dyan gagawan kita ng Story after nitong My Shooting Star

YEHEY!! Magiging bida nadin ako!! ARIGATOO! Teka, Si naman ang ka-love team ko?? Sana gwapo ahh!! Hahaha

A/N: Oo naman kaw pa

(Author’s Note: Tinry ko lang kausapin iyong character ko, kaka-enjoy pala, plug ko lang ng upcoming story ko na si Sofia naman ang bida, guest niyo kung sino ang ka-love team niya)

Siguro naman kilala niyo na ako, ako lang naman ang pinsan ni Luke Santiago, ako si Sofia Myrr but relatives called me Fia and ate Sabrina called me Sofy, 15 years old lang ako pero accelerated ako sa Senior high ~paulit ulit oh. Cosplayer ako at pasok ako sa Finals ng Cosplay Like A Star

Recap tayo! Parang Manga lang ahh! Sa mga di nakaka-alam ng Manga, di po yan nakakain =___= di po iyan iyon prutas ahh. Mangas are Japanese comics which animes are originated. Iyan iyong mga Comic na pabalikdat kung basahin.

Well, back to the recap of the previous chapter. Pinagtulungan ako ng mga fans ni kuya Luke natinatawag ni ate Sabrina na ‘Mga Babaeng Makakapal ang Make-up’. Inaway nila ako kasi pinagseselosan nila dahil close kami ni Kuya Luke, di kasi nila alam na magpinsan kami >.< buti nalang dumating si Ate Sabrina para ipagtanggol ako.

Dito pala kami nina Ate Sabrina at Kuya Luke sa unit ko, pinaluluto kasi kami ni Kuya ng pagkain, di kasi nakapag-lunch, alam niyo na kung bakit.

            “Fia, ok ka na ba? Ano ba kasing nangyari?” tanong ni kuya

Di ako makasagot, naiiyak kasi ako pag naaalala ko iyong mga nangyari ee nakayakap lang ako sa braso ni ate Sabrina.

            “Luke, nakakatakot pala mg fans mo masyadong selosa, di ba nila alam na magpinsan kayo” sabi ni ate Sabrina

            “Sorry talaga Sofia! Ako pala may kasalanan!” sabi ni kuya Luke sobrang lungkot ng mukha niya

            “Kuya, ok na ko buti dumating si ate Sabrina para iligtas ako” sabi ko

            “Salamat Sabrina ahh” sabi ni Kuya,

            “Wala iyon” sabi ni Ate Sabrina, ang cool niya talaga

*Ringtone: Beautiful Girl by Jesse Mcartney* tunog ng cellphone ni Kuya Luke

            “Excuse lang tumatawag si Ate Grace” sabi ni Kuya Luke tapos lumabas

            “Hmm, kamusta na sugat mo sa mukha?” tanong sa akin ni Ate Sabrina tapos biglang tumulo luha ko

            “Sa Sunday na iyong Finals ng Cosplay Like A Star paano na to?” sabi ko habang umiiyak, di naman malaki sugat ko parang 1 inch lang siya tapos mababaw lang pero malaking bagay ang mukha sa mga cosplayers ee

            “Wag kang mag-alala, ako bahala dyan” sabi ni ate Sabrina tapos may kinuha sa bag

            “Ito oh, concealer” abot sa akin nung maliit na lalagyanan, di ako familiar sa make-up kasi pagnagko-cosplay ako iyong make-up artist ni mommy ang nagme-make-up sa akin. Bata pa daw kasi ako para matuto ng pag-gamit ng make-up ee

            “Halika ka dito makakita ka ng magic” sabi ni ate Sabrina tapos punta sa may harap ng salamin

Nilagyan niya iyong sugat ko ng onting concealer tapos parang magic nga di na masyadong halata sugat ko!

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon