Chapter 9: The 7th Floor in Dorm 5

68 10 0
                                    

Chapter 9: The 7th Floor in Dorm 5

LUKE’s POV

1week na bago magpasukan, nandito ako ngayon sa university para mag-enroll late enrollees na ako kahapon lang kasi natapos iyong taping ko para sa isang teleserye tuwing hapon. Kasama ko pala si Sofia.

            “Kuya, bilisan mo magpa-enroll aa, mag-aayos pa tayo ng sa dorm” sabi ni fia, naiinip na yata siya, di ko nalang siya pinansin.

After kong mag-enroll dumirecho na kami sa unit ko este unit na ni Fia. Grabe siya, nakuha na nga niya iyong unit ko pati mga gamit ko dun inangkin din niya, bili na lang daw ako ng bago. +_+ pasalamat talaga siya at pinsan ko siya kundi baka hinagis ko na tong bata na to sa ilog pasig.

            “Kuya, palitan natin ang bed sheet at curtains! Ang pangit kasi ee. Tamang tama bumili ako sa divisoria ng mga gamit sa bahay kaso nakalimutan ko sa kotse mo ee. Pakikuha naman Please” sabi niya,

Kahit ayaw ko siyang sundin wala naman magawa kaya ayon pumunta na ako sa parking lot. Haixt nilait lait muna niya mga gamit ko tapos uutusan pa ko. >.<. naalala ko di ko pa pala naaayos iyong bago kong unit ko sa 7th floor kaya nagmadali na ako kaso pagdating ko sa parking lot may nakabunggo akong babae, nalaglag tuloy mga gamit niya.

            “I’m sorry miss, sorry talaga” sabi ko habang tinutulungan ko siyang pulutin mga gamit niya.

Ang ganda niya, tapos parang familiar mukha niya sa akin pero di ko matandaan kung saan ko siya nakilala, mukha naman siyang new student kaya imposibleng sa academy ko siya nakita.

            “okay lang di naman ako nasaktan” sabi niya sabay ngiti, ang ganda ganda talaga niya.

            “have we met?” tinanong ko agad kasi familiar talaga siya sa akin

            “N-No, we haven’t, oh sige alis na ko” sinabi niya iyon saka nagmamadaling umalis

Tsk. Di ko man lang nalaman pangalan niya. Hayyy. Sabagay iisang academy lang kami so may chance na magkita ulit kami. Iniisip ko lang talaga ko saan ko siya nakilala mukhang familiar talaga siya sa akin ee pero sabi niya di pa daw kami nagkakilala +_+. sa pag-iisip ko sa mysterious girl na iyon nawala sa isip ko iyong utos ni Fia kaya ayon text na ng text sa akin. Pagdating ko sa kotse kinuha ko na iyong mga gamit ni fia tapos bumalik na ako unit niya. Pag dating na pagdating ko sa unit niya tinulungan ko na siyang ayusin mga gamit niya. Naging puro yata iyong unit niya, mula sa bed sheet, curtains, pillow sheet at kung ano-anu pa.

            “Yehey! Ang ganda na ng unit ko! haha salamat kuya, nga pala ayusin mo na din unit mo” sabi ni Fia

            “madali na lang iyon nakapagpa-deliver narin naman ako ng mga bagong furnitures ee, nasa unit ko na nga ee.” Sabi ko. pinasuyo ko kasi iyon kay manager mia ee.

            “kuya, napagod ako, tulog muna ako” pahikab na sinabi ni fia

            “sige akyat na din ako sa unit ko, puntahan nalang kita maya tapos dinner tayo” sinabi ko tapos lumabas na ako sa unit niya

Pumunta na ako sa bagong unit ko. 2nd to the last unit iyon sa left back. Pagpasok ko sa loob ng new unit ko, parang same lang itsura niya sa dating unit ko. Maayos na din lahat gamit kaso wala pang groceries at kitchen tools next week na ko bibili, tinatamad pa ko ngayong week ee. Papa-order nalang kami ni Fia ng pagkain.

Habang inaayos ko gamit ko sa bagong unit ko may naririnig akong kumakalabog sa kabilang unit. Sa pagkakaalam ko, dalawa lang ang may tao dito sa 7th floor, ako iyon sa iyong nasa last unit sa left back bali katabing unit ko siya.

Gabi na pala bago, ako muna bumaba para yayain si Fia mag-dinner, pumunta muna ako sa terrace para makita ko ang view dun, sa Right front kasi unit ko dati kaya di ko alam itsura ng view mula sa left back. Dahil nasa 7th floor ako kitang kita ko iyong magandang view ng city lights dito. Nakaka-relax ang tanawin dito, mukhang tahimik din dito sa 7th floor, sobrang peaceful talaga dito. Umupo muna ako tapos napatingin ako sa terrace ng kabilang unit ko, at di ako makapaniwala sa nakita ko.

Isang magandang babae ang natutulog sa isang built-in na duyan sa terrace ng kabilang unit at siya iyong babaeng nakabunggo ko kanina. Akala ko wala ng tatalo sa view dito sa terrace ko, di pala, mas magandang pagtitigan ang mukha ng babae sa kabilang unit, mukha siyang anghel.

Nakatulala lang ako sa natutulog na babaeng iyon, sarap niya kasing titigan ee kaso biglang may istorbo +_+, may kumakatok sa pintuan ng unit ko. pagbukas ko ng pinto si Fia pala

            “Kuya anong oras na, akala ko ba kakain tayo? Gutom na ko” sabi niya sabay hatak sa akin. Nag-enjoy yata ako kakatitig sa babaeng iyon kaya nakalimutan kong magdi-dinner pala kami ni Fia.

Simula noon di na talaga mawala sa isip ko ang mukha ng babaeng iyong buti nalang talaga nakipagpalit si Fia ng unit. Pakiramdam ko may mangyayaring maganda sakin sa 7th Floor sa Dorm 5.

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon