Chapter 20: The Encounter

49 6 0
                                    

Chapter 20: The Encounter

SABRINA’s POV

“Yna?!” rinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses, kaya napalingon ako, at nagulat ako kung kanino nanggagaling ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Hindi si Luke iyon kundi Micco, ang bestfriend/ex ko.

            “Oh micco bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya

            “Namamasyal lang tapos nakita kita kanina kasama mo iyong boyfriend mo dun sa basketball ring, sweet niyo aa” sabi niya, nakita pala niya iyong kiss kanina akala niya si Luke boyfriend ko

            “ahh he-he-he” iyan lang nasabi ko, naalala pa pala niya iyong sinabi ko sakanya nung nagkatext kami dati sa Chapter 10.

            “Asan pala boyfriend mo?” tanong niya, hala di ko pwedeng sabihin na nagkawalaan kami at wala akong number ng akala niyang boyfriend ko.

Di ako makasagot kay Micco kung nasaan iyong akala niyang boyfriend ko, waahhhh di ko alam gagawin ko tapos maya maya biglang dumating iyong malandi este iyong girlfriend niya

            “Babe bakit siya nandito?” tanong ni Andrea kay Micco

            “nakita ko lang siya kanina kasama boyfriend niya” sagot ni Micco

            “So may boyfriend ka na pala, asan siya?” sabi sa akin ni Andrea na parang nagtataray

            “MS. CHOCOLATE! Sabi mo may bibili ka lang ng juice bakit ang tagal mo? Sinundan na kita akala ko kung napano ka na … ayy may kausap ka pala” dumating ang aking savior na si Luke, hahaha I’m saved.

            “Luke, kaw ba yan?” sabi ni Landi este Andrea

            “Oh, Andrea, kaw pala iyan” sabi ni Luke

            “Kilala mo siya?” tanong ko kay Luke

            “ahh, oo kababata ko siya” sagot sa akin ni Luke

            “Yna, siya pala iyong tinutukoy mo na boyfriend mo” sabi ni Micco sa amin,

            “Ahhh, oo siya nga” sabi ko tapos tumingin ako kay Luke ng isang Please-maki-ride-na-lang na tingin tapos smile.

            “Mr. Chocolate pinapakilala ko pala sayo bestfriend ko, si Micco” sabi ko

            “Bestfriend na pala ngayon ang tawag sa ex” sabi ni Andrea sa akin

            “Mag-bestfriend muna kasi kami bago mo siya inawaga este bago naging kayo” sabi ko sa kanya tapos inirapan niya ako, tsk maldita pero di ako papatalo sa kanya churaneto.

            “I think, we should go, ahmm Pare, paki-ingatan nalang si Yna, congrats sa inyong dalawa” sabi ni Micco then umalis na sila. Pag-alis nila, bigla akong nakahinga ng malalim.

            “sorry Luke nadamay ka pa kanina?” sabi ko kay Luke

            “okay lang iyon, pero bakit Yna tawag sayo nung ex este bestfriend mo? Tanong ni Luke, nako isa pa tong si Luke.

            “ahh ehh, nickname ko kasi iyon he-he” sabi ko, di naman ako nagsinungaling aa, nickname ko naman talaga iyon

            “ahh, gabi na pala, tara mag-Ferris wheel tayo” sabi ni Luke, di ako makatanggi kay Luke kasi dami ko ng atraso sa kanya ee.

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon