Chapter 16: The Supermarket

57 9 0
                                    

Chapter 16: The Supermarket

LUKE’s POV

Dahil wala ng laman ang ref ko sa unit, nagdecide akong mag-grocery ngayon. Nagkotse ako papuntang supermarket kasi madami akong bibilhin, pati kasi mga kitchen tools ko inangkin na ni Fia ee. +__+

Sanay na akong mag-grocery kasi simula 1st year Junior High, nag-dorm na ako, mas makakapag-focus kasi ako sa pag-aaral ko pag nasa dorm ako kaysa sa bahay namin ee. Pag nag-go-grocery ako nagsusuot ako ng cap at shades para di ako makilala ng mga tao kundi baka pagkaguluhan nila ako, hirap maging artista +_+

Pagkatapos kong i-park iyong kotse sa parking lot, dumiretso na ako sa Supermarket. Kinuha ko iyong cart tapos pumunta na ako sa meat section kaso nasa bandang dulo pa iyon ng Supermarket ee. Habang naglalakad ako parang nakita ko si Sabrina sa may Chocolate Section so nilapitan ko siya ng dahan dahan, di ko siya tinawag kasi baka mamaya ibang tao pala edi napahiya ako.

Nung medyo malapit na ako sa kanya, tama ako ng nakita, si Sabrina nga iyon. Ano kayang ginagawa niya dito? teka ano bang klaseng tanong iyon? Syempre nandito siya para mag-grocery, pero bakit ganoon? Puro chocolates binibili niya, siguro mapupuno na niya iyong cart ng puro mga chocolates, Kitkat, Ferrero Rocher, Macadamia, Almonds, Hersheys, Goya, Cadburry, Choco-choco at Stick-O yata nakikita ko sa cart niya. Di ba siya tataba niyan? Teka parang may inaabot yata siya kaso di niya maabot. Di na ako nakatiis nilapitan ko na siya para tulungan.

            “Ms. Chocolate, tulungan na kita” tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin

            “Paabot naman nung Toblerone na iyon please!” sabi niya sabay pout at dahil matangkad ako inabot ko iyong toblerone niya

            “Salamat Mr. Chocolate!” sabi ni Sabrina sabay ngiti. Ganda talaga niya

            “Bakit Mr. Chocolate?” tanong ko sa kanya

            “Kasi tinawag mo akong Ms. Chocolate ee” sagot niya, nakakatuwa talaga siya

Tinangal ko iyong cap at shades ko para makilala niya ako pero binalik ko din agad.

            “Luke, kaw pala iyan, bakit ganyan ayos mo?” sabi niya

            “Ssshhhh. Wag kang maingay. Nakaganto ako kasi baka pag may nakakita sa akin dito pagkaguluhan ako ee” sabi ko

            “oo nga pala, artista ka nga pala Mr. Chocolate” sabi niya, Mr. Chocolate na tawag niya sa akin

            “By the way, parang ang daming chocolates nito ahh. Di ka ba natatakot tumaba niyan? Tanong ko

            “Di ako takot tumaba saka di naman ako tumataba ee, di kasi ako tabain saka okay lang sa akin kahit ito lang kakainin ko buong taon, di kasi ako marunong magluto ee kaya ito nalang” sagot naman niya sa akin

            “Hala, yan lang? wala naming sustanya iyan ee. Bakit di ka nalang kumain sa labas?” sabi ko sa kanya

            “sawa na ko sa pagkain sa labas ee, saka dapat magtipid na ko” sagot niya, tulungan ko nalang siya.

            “Tara samahan mo ako mag-grocery tapos bumili ka na din ng matinong pagkain” sabi ko sabay kuha nung cart niya

            “Teka lang Luke, este Mr. Chocolate, di nga ako marunong magluto” pigil niya sa akin

            “Basta ako bahala sayo, tuturuan kitang magluto” sabi ko para tumigil na siya

            “Talaga? Marunong kang magluto?” tanong niya, kulit talaga.

            “Oo nga, di porket lalake ako, wala akong alam sa kusina nuh” sabi ko =___=

            “Sige na nga tara na Mr. Chocolate” sabi niya,

Naglakad na kami papunta sa meat section tapos bumili ng Pork at Chicken, tapos punta din kami sa Vegetable Section para bumili ng sibuyas, bawang, kamatis at kung anu-ano pang pang-luto, nagpunta din kami sa Snack area para bumili ng junk foods. After nun, nagpasama akong bumili ng mga kitchen tools sa kanya. Almost 1 hour din kaming paikot-ikot dito sa supermarket. Ang saya, di kami na bored mag-grocery, kulit kulit kasi ni Sabrina ee.

Nung nasa counter na kami para magbayad bigla siyang lumipat sa ibang counter kasi baka bayaran ko nanaman iyong binili niya. Ang dami niyang binili kaya binitbit ko iyong mga dala niya kaso iyong mga chocolates, ayaw niyang ipadala sa akin kasi dapat daw handle with care. Hahaha

Noong nakalabas na kami sa supermarket, nagpapaalam na siya kasi magko-commute na lang daw siya pero di ako pumayag, at dahil nasa akin mga binili niya napilitan siyang sumabay sa akin sa kotse. At dahil sinumpong ako ng pagkapilyo ko, nilgay ko lahat ng pinamili namin sa backseat ng kotse para maupo si Sabrina sa tabi ko sa driver’s seat.

Nung nasa byahe na kami, di kami masyadong nag-uusap buti nalang at medyo traffic, makakasama ko pa siya ng matagal.

Napatingin ako sa kanya, kinakain na niya iyong mga chocolates niya, tapos bigla siyang napatingin din sakin, patay nahuli niya akong nakatitig sa kanya, kaya iniwas ko bigla tingin ko sa kanya

            “Gusto mo ba ng chocolates?” alok niya,

            “ah, eh, hindi” sabi ko,  akala niya siguro sa chocolates lang niya ako nakatingin.

            “Sus, nahiya ka pa, ito oh” sabay lapit niya sa mukha ko nung chocolate na kinakain niya,

Dahil ko matanggihan alok niya, kinagatan ko iyong chocolate na kinakain niya tapos bigla akong namula.

Bigla akong namula. Kinagatan ko iyong Chocolate na kinakain niya so parang nag INDIRECT KISS KAMI!

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon