Chapter 13: Harold is in Love ♥

133 9 0
                                    

Chapter 13: Harold is in Love ♥

HAROLD’s POV

(Author’s note: ito na ang POV ni Harold, nangyari to kaninang umaga)

            “Goodmorning Harold” sabi nung babae, I nodded then naglakad ulit ako

            “Goodmorning Senior” sabi naman sa akin ng grupo ng mga babae na mukhang lower year so I stop then gave them a smile then walk again

            “Goodmorning Mr. Scott” sabi ng mga 2nd lever senior year na nakasalubong ko

            “Goodmorning din po” I said as a respect to my seniors then walk

            “Goodmorning” sabi nung isang babae then she run away so I ignored her.

I’m on the way to the academy, and as usual lahat yata ng taong nadadaanan ko ay binabati ako. 1st day ngayon ng pasukan so I woke up early because I’m excited, sana classmate ko ang bestfriend kong si Luke para Masaya.

Nga pala, let me introduce myself to you, I’m Harold Scott, 17 years old. Bestfriend ko si Lucas Santiago, sikat na artista daw iyon sa labas ng academy perro pati dito sa academy sikat padin siya tulad ko. Oo sikat ako dito pero di ako tulad ng bro Luke ko na ayaw maging sikat. Sarap kayang maging sikat daming regalo saka pagkain ang natatanggap ko kahit di ko birthday. Di naman sa patay gutom ako or anything, masarap kasi sa pakiramdam na may nakaka-appreciate ng existence mo sa mundo diba?

Nakadating na ako sa Academy at papunta na ako sa room ko. nakakapagtaka unti lang yata bumabati sa akin ngayon so naglakad lang ako nung malapit na ako sa building ng mga Senior High bigla akong napatigil.

I see a goddess. She’s so beautiful. Kaya pala unti lang bumabati sa akin pagdating sa academy because they were looking to that girl. I think she’s a transferred student because I never see her before and it’s impossible to not notice her because she’s so beautiful and she looks like an angel.

Na love at the first sight yata ako sa kanya so I want to know her. Maglalakad na sana ako papunta sa babaeng iyon ng bigla akong hinarang ni Ate Grace, leader namin sa Choral.

            “hoy lalaki! Kanina pa kita tinatawag di mo ko pinapansin” sabi ni ate grace

            “sorry, di kita narinig ee, ate grace maya nalang tayo mag-usap may gagawin pa kasi ako ee” I said para mapuntahan ko na iyong babaeng iyon kaso she’s gone.

            “Hala, saan na nagpunta iyon?” sabi ko

            “Iyong transferred student ba? Mukhang nabihag ka din niya aa, naks binata ka na” asar ni ate grace

            “Ewan ko sayo ate grace! Dahil sayo di ko na nalapitan si Ms. Angel ng puso ko” sabi ko sabay pout

            “Ms. Angel e nu? Haha wag kang mag pout para kang bakla” asar lalo ni Ate grace

            “Di kaya, sabi nga nila ang gwapo gwapo ko daw ee, saka pake mo ba kung Ms. Angel itawag ko sa kanya? E mukha siyang Anghel ee” sabi ko sabay walkout

            “Hoy harold! Sabihin mo kay Luke may meeting tayo sa friday!” sigaw ni ate grace pero di ko na siya nilingon pa.

Sayang talaga iyong chance kanina na makilala ko si Ms. Angel, kainis talaga tong si ate grace. Next time na makita ko ulit si Ms. Angel lalapitan ko na talaga siya.

Pumunta na ako sa room, Saturn ako, I was hoping na classmate ko si Ms. Angel kaso sabi nung classmate ko, wala daw transferred students sa section namin nasa kabilang section daw >.< buti nalang classmate ko si bro Luke kundi sobrang maba-badtrip ako ngayon.

I was seated to the last row, medyo prefer ko ngayon dito kasi frustrate padin ako sa nangyari kaninang umaga. Si Bro Luke naman ay nakaupo sa unahan kaya di ko siya masyadong makausap, gustong gusto niya kasi sa unahan dun para makapag-focus siya sa studies niya.

Buong araw si Ms. Angel nasa isip ko tapos nung lunch di ako nakakain kakaisip ko sa kanya saka di kasi kami sabay kumain ni Bro kasi may pupuntahan pa daw siya. Niyaya naman ako ng ibang mga classmates at friends ko but I refused, wala kasi akong gana ee.

Buong araw yata tutulala ako sa room kaka-isip kay Ms. Angel ng buhay ko. I wish makita ko na siya.

“Bro, bakit natutulala ka dyan?” tanong ni Bro Luke, nakabalik na pala siya.

            “Bro, feeling ko in love na ako sa transferred students sa kabilang section” sagot ko sa kanya

Napansin ko parang biglang nagbago mukha ni Bro, pero di ko muna inisip iyon baka kasi may naalala lang siya. bumalik na siya sa upuan niya kasi dumating na teacher namin.

Habang nagdi-discuss teacher namin, may sinusulat naman ako sa notebook ko.

Ms. Angel I Love You

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon