Chapter 10: Operation Move-on - 99.9%

63 10 0
                                    

Chapter 10: Operation Move-on – 99.9%

SABRINA’s POV

Hala naka-tulog pala ako dito sa duyan, napagod kasi ako sa pag-aayos ng unit ko ee. Dito pala ako sa unit ko sa 7th floor ng Dorm 5, ito iyong unit na kinuha ni daddy, swerte ko kasi ang ganda naman ng view sa terrace ng unit ko pag gabi.

(Author’s note: Yes, si Yna ang babaing tinutuloy sa Chapter 9, siya iyong kapit-bahay este unit ni Luke)

7pm na pala, uuwi muna ako sa bahay namin kasi kukunin ko pa iyong natitirang mga gamit ko. Tinawagan ko na si manong roy para sunduin ako sa parking lot. Naaalala ko nanaman tuloy iyong eksena ko dito kanina, bakit kaya nandito iyong Luke na iyon? Buti nalang at di yata ako nakilala >.< sabagay di na ako nakapang-cosplay ngayon ee, simpleng Yna nalang ako ngayon.

Ayan na si manong Roy, makakauwi na ako. Habang nasa byahe kami iniisip ko pa din si Luke. Bakit ganun? Crush ko padin iyong Luke na iyon hayyyy. >///< Grabeng infatuation naman to oh.

Noon makauwi na ako nakita ko si mommy at Seb na nanunuod ng TV, makikinuod sana ako sa kanila kaso pinapanuod pala nila ay iyong teleserye na ang leading man ay si Luke, hanggang bahay ba naman Luke padin?!

Makaakyat na nga lang sa kwarto.

Waaahhhhhhhhh. Mamimiss ko tong kwarto ko pati tong kama ko, susulitin ko na ang mga nalalabi kong oras dito sa bahay, parang di na ako babalik ah x.x. ah basta sa pasukan na ako babalik sa dorm para masulit ko dito sa bahay 1 week pa naman ee.

            *Ringtone: Way Back Into Love (SuperJunior & SNSD Version)* tunog ng new phone ko,

0935*******

Unregistered Number

Calling………

Sino kaya iyong tumatawag? Sa curious ko sinagot ko iyong tawag

            “Hello, Who’s this?” sabi ko.

Hala di sumasagot iyong nasa kabilang linya, tapos bigla niyang pinatay iyong tawag, nanti-trip yata iyon at ako pa ang napili niyang pagtripan >.<

Teka maya niyan si Luke to >///< assuming naman ako, maya maya nagtext iyong tumawag kanina.

From: 0935*******

Nagpalit ka na pala talaga ng number, kaya pala di na kita ma-contact, buti nalang nakita ko iyong dating classmate mo kaya nahingi ko bago mong number.

To: 0935*******

            Sino po kayo?

Hala parang may masama akong pakiramdam sa taong to aa.

From: 0935*******

Si Micco to, di mo na tanda no. ko? sabagay matagal nadin tayong di nagkaka-usap, Yna sorry pala sa nangyari, sorry di na ako nakapagpaliwanag sayo. May dapat kang malaman.

Ano bang gustong ng lalakeng to? Bakit pa niya ako ginugulo kung kelan ayos na ang buhay ko? Hayy dapat naging hanggang magbestfriend nalang kami ee para di ganto.

To: 0935*******

Ah kaw pala iyan, ano ka ba bestfriend, wala na iyon matagal na iyon, matagal na din kitang napatawad sa katunayan nga may bagong boyfriend na nga ako eh.

hala, ano tong pinagsasabi ko, sino ang bago kong boyfriend? Marami ngang nanliligaw sa akin pero bina-busted ko naman agad, ee kung si Luke naman, di naman ako nililigawan nun eh, saka crush ko lang siya. hayy bahala na si batman.

From: 0935*******

Ganun ba, good for you, swerte naman ng lalakeng iyon kung sino man siya, please be happy Yna. bye

At after nun di na ako nagreply. Di na din siya nagtext. Adik ba siya? after niya akong saktan may pa-please be happy pa siyang nalalaman, makatulog na nga lang nakaka-asar siya.

Teka, ano tong nangyayare sa akin? Di ako umiyak, di rin ako nasaktan, naasar nalang ako ee. Ang galing di na ko affected sa kanya, ibig sabihin ba nito naka-move on na ko ng tuluyan sa kanya?

Mukhang tinupad nga ng shooting iyong wish ko.

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon