1st Melody

286 11 5
                                    

1st Melody

♪ ♪ ♪ ♫♫♫

*Micalie's POV*

Kanina ko pa pinapanuod mag piano si Misty. Ang galing galing niya talaga, bawat pag dikit ng kanyang mga daliri sa mapuputing teklado ay gumagawa siya ng kakaibang musika. Siya ang pinakamagaling sa aming klase. Isang mabait na mag-aaral at isang mapag-mahal na kaibigan.

Tumigil siya sa pag pa-piano at lumingon sa akin. Ngumiti siya ng mariin habang ang kanyang mga mata'y malalamlam. Nilapitan ko siya dahil sa pag-aalala, baka kasi hindi nanaman niya ininom ang gamot niya.

"Ayos ka lang ba?" Yumuko naman siya at tumingin muli sa akin habang sinuot muli ang kanyang magiliw na mga ngiti at kumukutitap na mga mata. Lagi naman siyang ganyan, laging nag-tatago at sinasabing ok lang siya kahit hindi naman. Kahit akong kaibigan niya ay hindi naman niya pinag-kakatiwalaan. Isa lang naman ang pinag kakatiwalaan niya eh. Siya lang.

"Oo naman ok lang ako. Sinisikmura lang ako kaninang umaga." Pag papaliwanag niya sakin kaya ngumiti na lang ako dahil alam kong may problema siya. Kitang kita sa mga ngiti niyang may bumabagabag sakanya. Hindi kaya...

"Nako. Eh mamaya ka na lang mag practice. Kumain muna tayo." Sabi ko sa kanya habang inilahad ang mga kamay ko. Tinignan lang niya ito habang ako'y nakangiti sa kanya. Mas lalo akong nangiti at nangisi ng ibinigay niya sakin ang kanyang mga kamay.

"Tara."

Nang maramdaman ko ang malamig na mga kamay at malamig na makahulugang ngiti ni Misty ay agad akong napabalikwas ng bangon. Pawis na pawis ang buo kong katawan habang inaalala ang mukha ng kaibigan ko. Inalog ko ang ulo ko para makalimutan ang nasa isipan ko. "Wala na siya" sabi ko sa aking sarili at tumayo na. Kailangan ko ng mag handa para sa klase namin ngayon. Inayos ko ang mga papel sa aking mga bag, kinuha ko na rin ang music notebook ko para mamaya. Kinuha ko naman ang violin ko at inilagay sa lalagyanan nito.

Pumasok na ako sa banyo at binuksan ang shower, kaagad namang dumampi sa balat ko ang malamig na tubig, agad namang nawala ang bigat sa aking pakiramdam. Humuni ako para malibang ang aking sarili, kinanta ko ang mga liriko na gusto ng lumabas sa aking bibig. Pero sa tuwing kumakanta ako, siya lang ang naaalala ko.

Lumabas na ako ng banyo para mag ayos. Isinuot ko ang aking uniporme at kinuha ang aking mga gamit. Agad naman akong lumabas at sumalubong sa akin ang driver.

"Good Morning Miss." Ngumiti lamang ako sakanya at sumakay na ng sasakyan. Ilang minuto lang ay nasa tapat na ako ng Howahkan. Hindi ko na pinapasok ang sasakyan kaya't nag lakad nalang ako papasok ng gate. Mayayaman lamang ang nakakapasok sa paaralang ito. Hindi dahil mahal ang tuition fee kundi mga mayayamang pamilya lamang ang nakakaisip na mas maganda kung may alam sa musika ang kanilang mga anak.

Lumakad ako sa koridor ng nakayuko. Hindi alam ng mga tao dito na may kaya kami. Ayokong ipaalam sakanila. Dito sa Howahkan ay maraming mapag-samantala, marami din ang mga hindi mo talaga kilala. Hindi mo alam kung sino ba talaga ang iyong tunay na kaibigan. Maaring kaibigan ka niya pag kaharap ka niya pero hindi ka nakakasigurado pag nakatalikod ka na.

Pumunta na ako sa MR 201 dahil dun ang klase namin ngayon. Dito kasi sa Howahkan ay priority ang music subjects dahil ito ay music school. Pero may mga minor subjects din kami katulad ng Physical Educ., Filipino, English at iba pa. Pumasok na ako ng 201 agad naman tumingin sakin si Darnell at nginitian ako, pinuntahan ko siya at umupo sa kanyang tabi.

"Kamusta?" nakangiti kong sabi sakanya, umupo naman siya ng maayos at humarap sakin.

"Ok naman ako." ngumiti siya ng palit, mamaya-maya pa ay dumating na ang aming teacher at tinawag isa-sa ang mga kaklase kong kailangan mag perform sa harap. Kinuha ko ang notebook ko at binasa ito ulit. Kailangang mataas ang grade na makuha ko ngayon para... pag katiwalaan ulit nila ako. Baka kasi sa ganoong paraan ay matanggap nila ulit ako.

Unchained MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon