3rd Melody

104 5 0
                                    

3rd Melody

♪ ♪ ♪ ♫♫♫

*Micalie's POV*

Tatlong araw ng nakaka-lipas simula nung nakita ang bangkay ni Cj, kakatapos lang ng misa namin dito sa Howahkan para sa kaluluwa nya para maging payapa pero alam kong nag-sasayang lang kami ng oras. Sino bang kaluluwa ang magiging payapa kung hindi magkakaroon ng hustisya ang pagkamatay nya? Tsk, katangahan talaga nila.

"Micalie kailangan na natin kumanta." tumango na lang ako kay Caroline at sumunod sa kanya papunta sa harap ng maraming tao. Tulad ng dati, nangyari na ito history repeat itself.

"Kaya mo ba?" rinig kong tanong ni Caroline kay Skyie. Lahat kami sa section Covert ay mag-aalay ng kanta para kay Cj. Tinignan ko silang dalawa, hindi ko alam kung tama ba ang nakita kong pinandilatan ng mata ni Caroline si Skyie na naka-tingin sa akin ngayon, ngumiti agad si Skyie sabay ngumiti pa ito at tumingin kay Caroline, hinimas-himas naman ni Caroline ang buhok ni Skyie at bigla itong tumingin sa akin.

"Galingan mo Micalie." naka-ngiti nyang sabi sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nginitian niya ko o matatakot sa ngiting yon, nakakakilabot. Pero hindi ko na lang ito pinansin at hindi na sila tinignan.

Pumunta na sa harap namin ang teacher namin pag dating sa choir, itinaas nya ang dalawa nyang kamay at nag bilang pa ito sabay kumpas. Sabay-sabay kaming kumanta, isang kanta na kinanta rin namin noon.

Sa bawat liriko ng aming binibigkas, sa bawat pag-buka ng aming mga labi, mga ala-ala ni Cj ang namumutawi sa amin, may malaking projector na puro pictures ni Cj ang ipinapakita, may ibang pictures na kasama kaming mgaa kaklase nya. Maraming nag-iiyakan, maraming tumigil sa pag kanta dahil todo sila kung umiyak, marami naman nag patuloy pa sa pag kanta.

Tsk. Mga plastik.

Ilang minuto, natapos rin ang pag kanta sabay-sabay kaming bumalik sa pwesto namin sabay-sabay naming ipinagdasal ang kaluluwa ni Cj, pagkatapos 'nun bumalik na kami sa mga classroom namin na parang walang nangyari. Tulad pa rin ng dati, balik sa tawanan, balik sa kantahan. Para bang walang nawala isa sa amin.

Maya-maya pa'y tumunog na ang bell, agad-agad na lumabas ang iba naming mga kaklase, ang iba naman dito na sa classroom kumain. Kinuha ko na ang bag ko at sinukbit sa balikat ko. Tinignan ko ang mga natitira dito sa loob ng classroom namin. Sila Neon, Darnell, Skyie at Caroline na lang ang natitira, nakaka-pagtaka. Bakit tinanggap pa ng principal namin si Neon?

Napailing na lang ako, tumalikod ako sa kanila at mag-sisimula na sanang mag-lakad ng bigla akong tawagin ni Neon. "Micalie, dito ka na lang kumain." sa loob ng mahigit isang taon ngayon na lang nya ulit tinawag ang pangalan ko. Dahan-dahan akong lumingon, bumungad sa akin ang mga ngiti nya. Nakakapang-hina...

"Ah eh.. Sa canteen na lang ako."

"No Micalie, dito ka na lang minsan lang ulit tayong magkaka-sama." biglang sabat ni Caroline habang nilalatag ang mga baon nila sa lapag.

"Oo nga Micalie, tara na marami itong pagkain." naka-ngiting yaya pa sa akin ni Darnell, tinignan ko ulit si Neon hindi pa rin na wawala ang ngiti sa labi nya, hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako napatango.

Nag-lakad na ako sa gawi nila, umupo ako sa tabi ni Skyie na parang wala sa sarili, nasa harap namin si Darnell at Neon, binigyan nila ako ng pagkain. Tulad ng dati nag usap-usap lang kami pilit sinasariwa ang mga masasayang ala-ala, mga ala-ala na wala sya. Pilit hindi binabanggit ang mga ala-alang kasama namin sya.

Nag sama-sama ulit kami ngayon, history repeat itself. Pero sana hindi mangyari ang tulad ng dati.

Sana...

Sana hindi ko nalang nakita ang nasa likod ni Cj, sana hindi ko na lang ang ibig sabihin 'non. Para maniwala ako sa sarili ko na,

Hindi na mauulit ang nangyari noon.

Naaalala ko ang mga binitawang salita sa akin ni Misty noon. Na wala akong pakialam sa desisyon niya, pero... nag aalala lang naman kasi ako sakanya, sa mga maaring mangyari sa kanya pag itinuloy niya ang bagay na 'yon. Pero makulit siya, hindi siya nakinig saakin. Mas pinairal niya ang puso niya. Bakit ba binabasura niya ang taong mahal na mahal ko? Isang taon na ang nakararaan pero hindi pa rin alam ni Darnell kung ano ang totoo. Kung bakit namatay si Misty. Hindi pa rin niya alam ang totoo. Pero ngayon? Sa nakita niya? Alam kong alam na alam na niya kung sino ang dapat balikan. Dahil sa marka ni Cj sa likod, mag bubukas nanaman ang panibagong laban.

LUST. 

*Killer's POV*

Marahan kong isinara ang pintuan ng aking kwarto. Napapikit ako habang sumandal sa pinto. Malapit nang matapos ang lahat Misty. Mag hihiganti tayong dalawa laban sa kanila. Hinawakan ko ang braso ko na may isang maliit na pilat. Naalala ko nanaman ang marka sa dibdib noon ni Misty, isang bilog na nakakalat ang tinta sa bandang gilid nito. 

Lust.

Iyon ang ibig sabihin noon. Lumabas na ang unang baho nila. Anim na lang, anim na mag papabukas ng mata ko, mata namin. Pag na tapos ko na ito. Alam kong babalik na sa akin si Misty. Ako na ulit ang mamahalin niya at hindi ang Cj na 'yon. Ako na ulit ang hahanap-hanapin niya, ako ang mag bibigay ng hustisya sa kanila.

Sa pag kamatay ngayon ni Cj, alam kong nag kakagulo na sila. Napakagandang laro ang inumpisahan ko. Laro kung saan makikita mo kung sino talaga ang kakampi mo o kung sino ang mag papahamak sayo. Sa tantsa ko, maagang matatapos ang laro na ito. 

Habang pinag-hahandaan ko ang pag kuha sa buhay nila ay sila naman ay aligagang-aligaga na hanapin kung sino ang pumapatay. Alam kong sa pag kamatay ng tao sa harap ko. Malalaman na nila kung bakit nangyayari ito. Naniningil lang ako ng inutang nila. Isang taon nilang hindi binayaran ang buhay na nawala. Kaya't buhay din ang kapalit.

"Ple-ase paka-walan mo na a-ako." 

Napangiti ako sa sinambit ng babaeng ito. Marunong pala siyang mag maka-awa? Sanay pa lang mag maka-awa ang isang Felizardo. Ang pinakamayaman sa aming eskwelahan, ang pinaka maganda, ang pinaka magaling ay nag mamakaawa sa akin. Kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam ng gumaganti, sana'y matagal ko na itong ginawa. 

"Bakit kita papakawalan? Mag laro muna tayo." 

Sabi ko sa kanya habang umupo sa harapan niya. Tinitigan ko ang maaamo niyang mukha. Akalain mong ang isang kagaya niya ay may baho ding tinatago? 

"Gusto kong isa-isahin mo ang mga naging kasalanan mo."

Hinawakan ko siya sa panga habang sinasambit ang mga salitang yan, halatang takot ang namumutawi sa kanyang mata, ramdam ko din ang panginginig ng kalamnan niya. Ngayon, nararanasan na nila kung ano ang ginawa nila...

"T-tama na. Maawa-a ka sa-kin."

"Bakit ako maaawa sayo?" Sabi ko habang hinila ko ang kamay ko papaalis sa kanyang pisngi. Na iirita na ako, naiinis na ako. Bakit ako maaawa sa kanila?! Bakit ako maaawa sakanya! Isang malakas na sampal ang binitawan ko sa kanyang pisngi na umalingawngaw sa buong silid.

"Isa-isahin mo ang naging kasalanan mo!" Naririnig ko siyang umiiyak. Napangisi ako. Mahina pala ang isang to.

"Hindi mo ba sasabihin sa akin? Gusto mo bang ako ang mag sabi sayo?" Tumingin siya saakin habang umaagos padin ang luha sa kanyang mga mata. Tinitigan niya ako habang nag mamakaawa. Ganyan nga Skye. "Ang pag kamatay ni Misty? Ang pag hila mo at pag laglag mo sakanya sa hagdan? Ganoon ba ang kaibigan? Ha Skye?!" 

"Tama na! Tama na!"

"Bakit? Hindi ba totoo? Na pinatay mo siya?!"

"Hindi ako! Hindi ako ang pumatay!...Si Darnell ang pumatay sa kanya hindi ako!" 

S-si Darnell?

Unchained MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon