4th Melody

75 3 0
                                    

4th Melody

♪ ♪ ♪ ♫♫♫

*Caroline's POV*

Dalawang araw na ang nakakaraan ng mamatay ang kapatid kong si Cj. At dalawang araw na rin akong ganito. Hindi ko magawang lumabas sa kwarto ko. Natatakot ako na baka ako ang pag bintangan nila. Hindi kasi kami mag kasundo ni Cj. Pero hinding hindi ko naman magagawa na pumatay ng tao!

Napatingin ako sa nagri-ring kong cellphone. Isa sa mga classmates ko ang caller niyon. Hindi ako nag aksaya ng panahon para sagutin ang tawag. Ayoko. Maraming tumatawag sa akin at lahat ng iyon, wala akong sinagot na tawag kahit isa. Napapagod na ako. Tawag sila ng tawag, dikit ng dikit saakin para ano? Para masabi nila na kaibigan ko sila para sila din ay maging sikat? Bakit ba ang daming mapag samantala dito sa Howakhan?

Pakiramdam ko, habang tumatagal lalong lumalala ang takot na nararamdaman ko. Hindi tama itong nangyayari. Ayoko nito. Gusto ko ng katahimikan. Isang taon na mula noong mangyari ang isang krimen sa Howakhan, pero nararamdaman ko ulit ang takot na baka pag bintangan nila ako. Ayoko, hindi ako.

Tuwing gabi na lang naririnig ko ang boses niya sa panaginip ko. Humihingi siya ng tulong. Pero wala akong magawa. Pati sa panaginp hindi ko masagip si Misty.

Isang taon na siyang patay. At halos nakalimutan na ang nangyari sa kanya. Pero bakit parang..mukang nangyayari ulit kung ano ang nangyari sa kanya one year ago?

Pero wala akong pinagsisisihan. Siya ang may kasalanan kung bakit siya namatay. Hindi niya tinitignan kung may masasaktan siya! Siya ang may kasalanan, masyado siyang nag padala sa nararamdaman niya! Tanga!

Hindi ako nagsisisi sa kinasangkutan ko one year ago. Napangiti ako habang maluha luha ang mata ko at nakaupo sa kama ko. Hindi ako nagsisisi. Nararapat sa kanya iyon! Kailangan siyang maparusahan sa mga kasalanan niya. Nakasakit siya ng ibang tao sa sarili niyang kapakanan! Hindi niya insip na nakakasakit na siya!

She deserved to die..

Pero noong pagkasabi ko niyon, bigla ko na naman narinig ang kanyang boses sa isip ko.

"Nooo!" tinakluban ko ang magkabilang taiga ko gamit ang kamay ko. "Patay ka na! Patay ka na!" Humagulhol ako. Naalala ko ang kapatid ko.

"Bakit ikaw pa Cj? Bakit ikaw pa ang dapat mauna?"

Narinig ko na lang na may kumatok sa kwarto ko. Nahagip ng mata ko ang kutsilyong ginamit ko para sa pang slice ng mansanas ko na nakapatong sa study table ko.

"Kung papatayin mo rin ako kung sino ka 'mang killer ka.. pwes, hindi ka magtatagumpay!"

*Micalies's POV*

Magulo ang isip ko. Ayoko mang isipin ang mga bagay na iyon pero pilit pa rin silang pumapasok sa isip ko. Masyado ng kaunti ang oras, kailangan ko ng malaman kung sino ang pumapatay.. Iisa lang kaya ang pumatay kay Misty at kay Cj?

Kinuha ko ang song book sa bag ko. Ito ang song notebook namin ni Misty kung saan, sinusulat namin dito ang mga na compose naming musika. Okay na ang ibang lyrics, papatungan na lamang ng melodies. Matatapos na sana ito kung hindi lang siya namatay. Sinabi niya sa akin dati na may naisip na siyang magandang melody sa mga lirikong ito pero kinabukasan noon, bigla na lang syang natagpuang patay..

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ng matalik kong kaibigan. Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang walang kaluluwang gumawa noon sa kanya. Kaya buo na ang desisyon ko. Gusto kong magkaroon ng katarungan ang kaibigan ko. Ayoko nang umasa sa mga namamahala. Kikilos akong mag isa. Hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan ko, ako ang hindi matatahimik.

"Ang ganda naman ng lyrics."

Pakiramdam ko bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang tinig ng nagsalitang iyon.

Si Neon. Umupo siya sa tabi ko habang ako, hindi ko sya kayang tingnan ng deretso.

"Pwede mo bang kantahin yan?" pakiusap niya sa akin. Ngayon, nagawa ko na syang tingnan sa mata. Umalis sya sa eskwelahang ito one year ago. At ngayon nagbalik sya at hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Napabalik ang mga tingin ko sa lyrics, sa totoo lang hindi ko ito kayang kantahin. Isang tao lamang ang may alam kung paano ito kantahin dahil siya ang gumawa ng melody nito. Si Misty.

"Wala pa itong tono, liriko pa lang ito. At hindi lang ako ang gumawa ng mga lirikong ito."

"Ganoon ba, so parang may ka-collaboration ka dyan?"

"Ganoon na nga."

"So sino?"

Parang interesadong interesado si Neon na malaman kung sino ang kasama ko dito.

Napatingin ako ng matagal sa mga mata niya. Dapat ko bang sabihin? Wala namang mawawala kung sasabihin ko sa kanya.

"Si Misty."

Bigla syang natahimik bahagya napa-awang ang bibig nya at tumingin sa malayo. Sumeryoso ang muka niya. Bago pa mamatay si Misty, wala na si Neon dito sa eskwelahan. Kaya maaring hindi siya sangkot sa pag kamatay ni Misty. Isa kasi siya sa may galit dito... Napayuko ako sa aking naalala...

"Nabalitaan ko ang nangyari sa kanya," hinawakan niya ang balikat ko. "Kahit isang taon na ang nakakalipas, gusto kong sabihin sayo na nakikiramay ako. Hindi man lang ako naka dalo sa burol niya. Kahit iyon na lang sana. Alam kong matalik kang kaibigan ni Misty. At alam kong sariwa pa rin ang sakit ng pagkawala niya sa damdamin mo."

Totoo iyon. Dahil madalas sa panaginip ko, nagkikita kami ni Misty. Hindi ko napapansin na may tumulo na palang luha sa kabilang mata ko. Nalaman ko lang nang pinahid iyon ni Neon gamit ang tumb niya.

"Salamat.."

"Pero kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako Micalie."

Pero tama ba? Na pagkatiwalaan ko siya sa mga sikreto na alam ko?

Marami akong alam na maaring makapag turo kung sino ang pumatay kay Misty pero natatakot ako. Natatakot ako na sa akin bumalik ang sisi. Kaya hindi ko malubos maisip kung tama ba ang mga hinala ko.

Bilang kaibigan ni Misty, alam ko kung sino ang makakagawa sa kanya 'non. Pero pag naiisip ko na siya ang pumatay, mayroon sakin na sinasabing hindi siya ang pumatay dahil nakita ko pa siya ng gabing yon.

At bakit ba nilagyan ng malaking bilog si Misty noon? Akala ko trip lang ang pag lalagay ng killer 'non. Pero nung nalaman ko ang ibig sabihin 'non. Alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.

Seven Deadly Sin: Lust.

*Caroline's POV*

Kanina pa may kumakatok sa pinto ng kwarto ko pero ayokong buksan. At kanina ko pa rin hawak-hawak ang kutsilyo na 'to. Madiin ang pagkakahawak ko dito.

Nararamdaman ko na rin ang talim nito sa mga palad ko.

"Caroline! Buksan mo ang pinto!"

Alam kong may naghihiganti para sa pagkamatay niya. Pero bakit siya mag hihiganti? Wala namang kinalaman ang kapatid ko sa pag kamatay ni Misty! Kung hindi ko lang siya napigilan, ay baka napatay niya rin si Cj noon.

"Caroline!" biglang bumukas ang pinto at pumasok si mommy. So ginamitan na pala niya ng susi. Nabigla sya noong makita niya ang kutsilyong hawak ko.

"Caroline! Bitawan mo 'yang kutsilyong yan!"

Nakatitig lang ako kay mommy. Basa pa ang muka ko dahil sa mga luha ko. Hindi pa rin ako nagkakapag palit ng pantulog ko. Ewan ko, wala akong lakas para kumilos ngayon. Nakatulala lang ako kay mommy at pinaglalaruan ang kutsilyong hawak ko. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni mommy at dahan-dahang kinuha ang kutsilyong hawak ko..

Unchained MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon