5th Melody

75 5 1
                                    

5th Melody

♪ ♪ ♪ ♫♫♫

*Micalie's POV*

"Misty! Mali yan. Kahit na sabihin mong mahal niyo ang isa't isa. Mali yan at isa pa kayo ni--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nung humarap sa akin si Misty. Kita ang galit sa kanyang mga mata.

"Diba gusto mo naman si Darnell? Edi sayo na siya. Ayoko na sakanya Micalie. Pabayaan mo na lang ako." Napahinto ako sa kinatatayuan ko, hindi... Hindi yan totoo. Tumalikod siya at mag-lalakad sana palayo sa akin pero napigilan ko sya.

"Hindi 'yan totoo Misty. Mahal na mahal ka ni Darnell. Please wag mo ng gawin 'to. Hindi ito magandang idea. Marami kang masasaktan at isa na doon si Darnell." Tumigil ako at huminga ng malalim para mag salita ulit.

"Naniniwala ka ba na mahal ka ni Cj? Gusto mo bang mabaliwala ang pinaraya ni Kreah?" Napatigil siya ng narinig niya ang pangalang iyon. Isang taon na rin naming hindi napag-uusapan yun.

Isang taon...

"Wag mo siyang idamay dito." Sabi ni Misty habang hindi pa rin lumilingon sa akin. Alam kong ayaw na niyang ungkatin yun pero kailangan kong gawin dahil mapapahamak lang siya sa gagawin niya.

"Kung ayaw mo siyang idamay dito, tigilan mo na ang pinaplano niyo." Sabi ko sakanya habang lumakad papalabas sa kwarto ng apartment namin.

May tumulong luha sa aking pisngi habang inaaalala ang pag-uusap namin ni Misty noon. Ayaw ko lang naman siyang mapahamak.. Masama ba yun?

Agad kong pinunasan ang aking luha bago pa may maka-kita, tumingin sa ako blackboard. Minor subject namin ngayon kaya't wala masyadong nakikinig. Dahil makakapasa pa rin naman kami kahit walang minor subjects.

Lumingon ako sa mga kaklase ko, maingay, masaya at magulo. Tipikal na klase, tipikal na mga estudyante.. Pero isa sa kanila, hinding-hindi mo aakalaing makaka-gawa ng masama... Ganoon talaga, magaling mag tago ng mga sungay.

Kinuha ko ulit ang notebook namin ni Misty. Matagal ko na ring pinag-isipan na tapusin ang kantang ito pero hindi ko magawa.

"Micalie." Nakangiting tawag sa akin ni Misty habang papasok ng kwarto namin. Ibinaba niya ang bag sa kanyang lamesa at may kinuha dito.

"Ano 'yon?" Sabi ko habang nakatingin pa rin sakanya na hinahalungkat ang bag niya.

"Diba sabi mo gusto mo na mag collab tayo?" Ngumiti siya at umupo sa kama ko at ngayo'y mag kaharap na kami.

"May naisip na akong title ng kanta. At naumpisahan ko na rin ang kanta." Iniabot niya sa akin ang isang notebook. Tinignan ko ito habang binuklat.

"Unchained Melodies?"

Nung una kong narinig ang title na 'yun, para akong kinabahan. Parang ang misteryoso 'nun. Tinanong ko si Misty kung ano ang ibig sabihin at flow ng kanta pero ang sabi niya..

"Isulat mo lang ang gusto mong isulat. Bigyan mo ng hustisya...ang kantang yan, sa bawat salita at nota ng maiisip mo bigyan mo ng malalim na kahulugan... Para bang may thrill ang bawat nota.."

Napasapo ako sa batok ko, bakit parang ngayon lang bumabalik ang mga ala-ala noon? Bakit sa pag lipas pa ng isang taon? Unti-unting bumabalik ang sakit... 'Yung sakit na nakalimutan ko na... Pilit kong kinakalimutan pero unti-unti silang bumabalik..

Bakit ngayon pa?

Bakit Misty?

"Micalie, okay ka lang?" napatingin ako sa likod, nag tama ang mga mata namin... 'Yung mga mata na 'yan... Isa 'yan saksi sa nakaraan..

Unchained MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon