7th Melody

56 4 0
                                    

7th Melody

♪ ♪ ♪ ♫♫♫

*Neon Dusk's POV*

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko habang inilagay ang braso ko sa aking noo. Hindi ko makalimutan ang mga ngiti ni Micalie. Habang tinititigan ko siya, mukha niya ang nakikita ko. Matagal ko na siyang kinakalimutan pero, hindi ko magawa. Nasaktan niya ako noon pero hindi naman niya kasalanan yon. Masyado lang kasi siyang mabait kaya't nabigyan ko ng ibang meaning ang kabaitan niya sakin. Nakalimutan ko, she's Howakhan sweet heart, at kailangan niyang panatilihin ang imahe na 'yun.

Pero hanggang ngayon, hinahangad ko pa rin ang pag mamahal niya. Umaasa pa rin ako na mapapansin niya rin ako hindi bilang isang kaibigan, pero mas higit pa dito. Kahit nung mga panahong wala ako dito, siya lang ang iniisip ko. Siya lang ang mamahalin ko. Pero ngayong nandito na ako, huli na ang lahat. Kasi wala na siya. Kung alam ko lang dati, sana hindi na lang ako umalis dito. Sana naipagtanggol ko siya sa lahat ng nang-aapi sa kanya. Pero wala... Wala akong nagawa.

Kaya Misty, mag hintay ka lang. Babalikan natin silang lahat... Kabilang siya.

Napabalikwas ako ng bangon nang biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito sa ilalim ng unan ko. Sasagutin ko na sana pero bigla kong nakita ang unknown number na rumerehistro sa cellphone ko. "He-hello?" Pag-aalinlangan kong sagot.

"Neon?! Neon!!" Napatayo ako bigla sa boses na narinig ko sa kabilang linya. 

"Skyie?!" Bigla akong nataranta, naririnig ko ang pag iyak ni Skyie kasabay nito ang mahihinang tawa sa kabilang linya. "Skyie! Anong nangyayari sayo? Skyie?! Na saan ka ba?! Sino kasama mo dyan! Skyie!" Nangangatog na ang mga tuhod ko, hindi ko alam ang gagawin ko!

"T-tulungan mo ako N-neon. N-neo--" Naputol bigla ang sasabihin niya akala ko naputol na ang tawag nang biglang may nag salita muli sa kabilang linya.

"Kamusta na?" Hindi ako makalagalaw sa kinatatayuan ko halos nangangatog at pinag-papawisan na ako. Ang tinig nya.. K-kilalang-kilala ko siya. P-pero...

"M-m-misty?" Mas kinabahan ako ng marinig ko siyang tumawa. H-hindi, h-hindi ako nag kakamali.. P-pero, wala na siya d-diba?

"Nakalimutan mo na pala ako Dusk. Buti pa si Felizardo, hindi ako nakalimutan." Hindi ako makapag-salita, nanuyo ang lalamunan ko.. S-si Misty ba talaga ito? Pero hindi... Sigurado akong wala na siya. Wala na...

"S-sino ka?! Ibalik mo si Skyie! Shit!" Mariin kong kinuyom ang kamao ko, nag-alab ang galit sa buong katawan ko.

"Hmm. Ako ay magiging kung sino 'man ang gusto mo." Mas lumakas pa ang tawa nya na lalo kong kinainis. "Kung gusto mo akong maging si Misty sige..." Huminto siya saglit at nag salitang muli. "Pero tandaan mo. Ako ang original. Ako ang reyna. Tandaan mo yan."

Hindi ko siya maintindihan. Sino ba siya? Reyna? Original? "Hello?! Hello!?" Pero huli na ang lahat, putol na ang kabilang linya.

"Ahhhhh!" Sa sobrang inis ko nabalibag ko ang cellphone ko kaya't nahati ito sa tatlo. Napasabunot ako at napahilamos sa aking mukha. Tangina nakakagago! Sino ba ang gagawa ng ganito?! Pero bakit ganon? Bakit kaboses niya si Misty? Anong ibig sabihin niyang siya ang original?

***

"Dusk, next week na ang audition tuloy ba tayo nila Micalie?"

"Ano ang kakantahin natin? 'Yung Unchained Melodies pa rin ba?"

"May naisip ka na bang bagong lyrics na pwedeng dugtungan doon?"

"Hoy pre! Okay ka lang ba?" Nagulat ako sa biglang pag-alog ni Darnell sa balikat ko muntikan pang mahulog ang gitarang dala ko. Nilingunan ko sya at kusang kumunot ang noo ko.

Unchained MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon