8th Melody

57 3 1
                                    

8th Melody

♪ ♪ ♪ ♫♫

*Micalie's POV*

Nakakunot ang noo ko habang tinititigan ang mga mata niya habang unti-unting sumisilay ang isang ngisi sa kanyang mga labi. Tama nga ako, nakikipag-laro rin siya, kahit naman umalis siya noon, kasama siya sa gulo na 'to. Kasama kami sa gulo na 'to, dahil ito kay Misty, sa pag-mamahal niya dito. Ganoon naman talaga, puro si Misty na lang. Pero okay lang naman sa'kin na hindi niya ako pinag-kakatiwalaan. Ngumisi ako at lalo siyang tinitigan sa mata. Hindi ko rin naman siya pinag-kakatiwalaan.

"Neon Dusk..." Sabi ko nang patuloy sa pag sasalita. Lalo akong napangisi dahil alam kong naguguluhan siya. Pasensya siya, hindi niya pa ako kilala. Hindi niya alam kung paano mag laro ang isang Micalie Soledad. "Ang katotohanan ay hindi basta-basta nasasabi ng isang matabil na dila. Paano kung sabihin ko ang mga kasagutan sa tanong mo, maniniwala ka na lang ba ng basta-basta? Gayong, hindi ka naman nag-titiwala?"

"Bakit? Pag ba sinabi ko sayo kung saan ako nag punta noong umalis ako dito, maniniwala ka? Kahit, hindi ako katiwa-tiwala?"

Napailing ako sa mga ngiti niya, sa mga ngiti niyang nakakapanlinlang. Minsan na akong nalinlang at nahulog sa kanya, sinisigurado kong hindi na mauulit 'yon. Hindi mauulit ang katangahan ko, ang dahilan kung bakit inayawan ni Misty si Neon, kagaya ng pag tanggi ni Kreah para kay Misty. 

"Alam ko ang katotohanan. Ako ang may alam ng lahat. Ako lang..." Totoo naman, alam ko na kung sino ang pumatay kay Misty, napangisi ako. Bakit ba ngayon ko lang napansin ang lahat? Simula pa lang noong una, 'yung mga tingin niya, ngiti niya, at kilos niya. Kakaiba. Isa lang naman ang kailangan kong mahanap, 'yung papel na sinusulatan niya noong nag peperform si Claire. Kailangan kong mahanap 'yun.

Bahagya akong nagulat nang higitin niya ang braso ko habang kinaladkad palabas. "Ano ba!" Marahas kong sigaw sa kanya pero hindi niya ako pinansin, patuloy lang siya sa pag hila sa'kin hanggang sa makapunta kami sa lumang library at doon sinarado niya ang pintuan habang padabog na binitawan ang braso ko. "Ano bang problema mo?! Bakit mo ko dinala dito!" Sigaw ko sa kanya habang hinawakan ang braso ko na ngayon ay may marka na dahil sa pag kakahawak niya.

"Kaya ba dinukot mo si Skyie? Kasi alam mo na?!" Kumunot ang noo ko pero hindi ako nag salita... Paanong?

"Wag ka ng mag maang-maangan Micalie! Alam ko namang galit ka kay Skyie dahil sa ginawa nila kay Misty noon! Pero bakit mo 'to ginagawa?! Ikaw din ba ang pumatay kay Cj, ha?!" 

"Wag kang tanga! Oo galit ako 'kila Skyie! Cj! Sa kanilang lahat! Bakit masisisi mo ba ako?" Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko agad ko naman iyon pinunasan habang naka-titig lang sa mga mata niya. Kitang-kita sa mga mata ni Dusk ang galit na nararamdaman niya. Hindi na ako mag tataka, kaibigan niya rin si Skyie. Kami, mag kakaibigan kami dati. "Alam mo ba 'yung pakiramdam na iwan ka ng mga kaibigan mo kasi may nahanap na silang ibang mas magaling? Mas mabait? Ha!? Yung pakiramdam na maiwan na lang ako na nag-iisa? Oo! Gusto ko silang patayin lahat! Pero masyadong madali ang kamatayan para sa kanila Neon, masyadong madali ang kamatayan!" Patago kong kinuyom ang palad ko habang patuloy lang ang pag-agos ng mga luha sa mata ko.

Bahagya akong humugot ng malalim na pag hinga at pasimpleng ngumisi sa kanya. "Wag kang tanga. Hindi lang ako ang ginago niyo noon. Si Kreah ba nakalimutan mo na?" Hindi naka-ligtas sa'kin ang pagka-gulat sa mga mata niya nang banggitin ko ang pangalan ni Kreah... Ang pangalan ng kaibigan namin ni Misty. "Nakalimutan mo na nga siya." Napansin kong sunod-sunod ang pag-hinga na ginagawa niya. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang isang notebook saka ko iniabot kay Neon, Ang notebook namin ni Misty... Ang naging kasagutan sa mga tanong ko. 

Unchained MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon