2nd Melody

146 4 1
                                    

2nd Melody

♪ ♪ ♪ ♫♫♫

 

*Caroline's POV*

Lumakad ako sa hallway papuntang CR, medyo malayo ang lalakarin papunta rito. Nag lakad lang ako habang dumudulas ang sapatos ko sa tiles. Hinawakan ko naman ang mahabang pader habang ako'y nag lalakad. Pero nakakapag taka kasi may mga kurba dito. Hindi naman kailangan pero nakalagay pa rin ang bawat kurba sa kahabaan ng hallway.

Pumasok na ako sa CR. Ganun pa din naman ang ayos. May salamin at lababo, sa gilid naman ay mga cubicle at salamin. Tinignan ko ang paligid na halos kulay sepia na dahil sa ilaw.

Tumingin naman ako sa salamin at hinaplos ang kulot kong buhok--parang manika--Hinaplos ko rin ang aking mukha, napangisi ako. Nakakatuwang isipin na sinisunod nila ako kahit hindi pa naman nila ako kilala, mga inutil.

Umikot ako at pag katapos ay lumakad ako papuntang cubicle pero parang may nahagip ang mga mata ko na anino, bigla ding nag sara at nag lock ang pintuan ng CR.

"Sino bang nandyan?! Draven?!" Sabi ko habang kinakalampag ang pintuan. Tss sino nanaman kayang walang isip ang gagawa sa'kin nito!

"Draven ano ba!! Buksa--" natigil ako dahil nararamdaman kong may papalapit sa likod ko, pero pa'no? Ako lang naman ang mag-isa dito? Mas lumalapit pa at mas tumatayo ang balahibo ko ng biglang...

"Ahhhhh shit!!" Napatingin ako sa pinto at sa taas, nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko at pagtagaktak ng pawis sa noo ko. Agad ko namang hinila ang pinto, mga ilang ulit ko rin itong ginawa at nabuksan din ito, tumakbo ako palabas kasabay ng mga estudyante sa corridor. Habang lumalapit ako sa kumpulan ng mga kaklase ko ay lumalakas ang isang tunog--tunog ng piano, pero saan kaya ito nang gagaling? Nakakakilabot ang tunog, parang ang lamig-lamig pakinggan, parang hindi ordinaryo.

Hindi ko makita ang tinitignan nila pinipilit kong makisingit pero di nila ako pinapansin.

"Ano ba?! Hindi ba kayo tatabi?!" Nag tinginan silang lahat sa'kin, pinanlisikan ko sila ng mata dahil alam kong kilala nila ako. Nahawi ang daan kaya't mas lumapit ako sa ginta ng tapat ng building ng music room.

Habang lumalapit ako ay naaamoy ko masangsang na amoy, amoy ng bulaklak. Pero nag kakamali pala ako halos masuka ako sa nakita ko. Nanuyo ang mga labi ko kaya't di ako nakapag salita. Nakatitig lang ako sa isang katawan na naka-handusay sa sahig, masaganang mga dugo ang dumadaloy sa kanyang putol na kamay na labas ang buto dahil sa pag kaka-putol at sa katawan niyang wakwak ang tyan gawa ng napaka raming saksak. Pero hindi ko na napigilang tumakbo papalayo ng makita ko ang parte ng lalamunan niyang parang nahukay at kita ang loob nito.

Pumikit ako habang tumatakbo at pilit kinakalimutan ang itsura nya...

Si Cj wala na siya.

 

***

Inakay ako ni Skyie paupo sa clinic. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko.

"N-nakita mo b-a?" Sabi ko kay Skyie habang umupo naman sa harap ko. Pero hindi siya nakatingin sakin, parang takot na takot siya. Nanginginig pa rin ang kamay ko sa nakita ko.

Hinawakan ko sa braso si Skyie na naka yuko, gigil na gigil akong inalog ang buo niyang katawan.

"Ano?! Nakita mo ba?!" Sabi ko habang mas hinihigpitan ang hawak ko sakanya. "Sabi niya kagabi mag kikita kayo! Pero anong nangyari sa kanya?! Nakita mo ba ha?!"

"Ta-ma na Carol-ine." Inaalis niya ang kamay ko sa braso niya, hindi ko mapigilang magalit, siya ang huling kasama ni Cj!

"Anong tama na?! Nakita mo ba?! Ha! Wala siyang lalamunan! Nahukay ng kung anong bagay! Pinatay mo siya diba?!"

 

"Hindi ako!" Naalis ang mahigpit na pagkakahawak ko sa braso niya na halatang nabaon ang mga kuko ko doon. "Mahal na mahal ko ang kapatid mo! Hin-di ko magagawa sa-kanya y-un. M-ahal na ma-hal ko siya." Hindi ko maintindihan pero takot na takot siya, naalala ko nanaman ang hindi dapat maalala. Nanginginig siya habang kinakagat ang kuko sa kamay, umiiyak siya. Umiiyak ang isang Felizardo.

Tumingin siya sa'kin at hinawakan naman ako sa braso.

"Hindi ako Carol! Hindi ako, hindi kaya nangyayari---"

"Tama na." Tinignan ko siya ng masama at inialis ang kamay niya sa katawan ko. "Wag na nating ibalik ang ating sikreto. Sikreto natin 'yon diba?" Tumango lang siya na parang tuta ko. Kinalma ko ang sarili ko atsaka lumabas ng clinic.

Hinimas-himas ko ang aking kamay at huminga ng malalim.

"Hindi maaari."

 

*Micalie's POV*

Habang nag lalakad ako papasok ng Howahkan ay nakita kong nag kakagulo ang mga estudyante habang hawak-hawak ko ang strap ng bag ko na nakasabit sa aking mga balikat. Yumuko nalang ako at kunwari'y hindi interesado sa nangyayari. Dahil kagabi palang--nakita ko na yan.

Hindi ko lubos maisip kung bakit may mga taong gumagawa ng ganon. Isang taon ng nakalipas simula ng mangyari ang ganitong krimen. Nag lakad lang ako habang naririnig ang bulong bulungan ng mga estudyante, ang pag kakaalam ko'y hindi sila galing sa klase namin. Hindi ko nalang sila pinansin, pero habang nag lalakad ako ay napahinto ako sa narinig ko.

"May nakita daw na isang malaking itim na bilog dun sa likuran ni Cj, nakakadiri!"

 

Napalunok ako sa sinabi niya. Isang itim na bilog. Isa lang naman ang ibig sabihin ng bilog nayon. Inalog ko nalang ang ulo ko dahil ayaw ko itong maalala, tsaka malayo namang mag kakonekta ang dalawang bagay na matagal ng nangyari.

"Aray!" Sabi ko habang hawak-hawak ang braso ko. Ang tanga naman nito hindi tumitingin sa daan. Pinagpag ko ang damit ko at tumingin sakanya.

"D-arnell." Nakangiti siyang tumingin sakin, pekeng mga ngiti.

"Mukang malalim ang iniisip natin ha?" Nakangiting pahayag pa rin niya sa'kin habang sinabayan ako mag lakad. Ngumiti lang din ako sakanya at umiling. Ayoko ng pag usapan ang nakita ko kagabi. Binura ko na sa isipin ko ang mukha ni Cj na nag susumamo na tulungan ko siya. Hindi pwedeng tulungan ko siya kasi, baka madamay ako.

"Nabalitaan mo ba?" Sumeryoso ang boses niya. Alam ko naman ang tinutukoy niya, dahil yun lang naman ang laging pinag-uusapan ngayon diba? "Meron din siyang malaking bilog sa likod."

"Alam ko." yumuko ako habang tinatahak ang maingay na hallway. Ang ibang mga estudyante ay nag hahanda na sa kanilang klase, ang iba nama'y nag tatakbuhan dahil malalate na sila. "Bakit sa tingin mo ba konektado 'yon? Kung ganon nga, ano naman ang koneksyon ni Cj sa nangyari dati?"

 

"Hindi ko alam." 'Yan lamang ang sinabi niya ng makatungtong na kami sa isang classroom. Umupo na kami sa aming upuan habang nag bubulungbulungan pa rin naman ang iba. Si Skyie na girlfriend ni Cj ay nakatulala lang. Pero nakakapagtaka bakit wala si Caroline para alalayan siya? Hindi ba't bestfriends sila?

Kinuha ko ang bag ko at ang aking notebook. Binuklat ko ito, nakita ko nanaman ang isang bilog na itim habang kalat ang tinta nito papunta sa kanan. Ganitong-ganito yun nakita ko kay Misty, hindi ako maaring mag kamali. Tinignan ko ito ulit at nag isip.

"Kailangan kong makita ang nasa likod ni Cj."

Unchained MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon