9th Melody (The Flash Back 1)

76 4 0
                                    

"There's a thin line between love and agony, and when you feel agony and pain you'll soon came up with a revenge." -- Alt.

**THIRD PERSON'S POV**

"Anong grade mo sa Music 101?" Tanong ni Micalie kay Kreah, mag kakasama sila ngayon sa canteen habang kumakain. Ngumiti naman si Kreah habang naka tingin kay Micalie.

Mabait si Kreah, matalino at talented. Siya ang pinang-lalaban sa ibang mga Music School at palagi rin siyang nananalo. "Nako! Bakit ko pa nga ba tinatanong? Eh lagi ka namang nakaka-perfect." Nakangiting sabi ni Micalie sa kanya, hindi na nag salita si Kreah dahil alam niyang nasasaktan ngayon si Misty, hindi kasi siya sanay na maging pangalawa... "Ikaw," baling ni Micalie kay Misty. "Nakailan ka?"

Tumingin naman si Misty kay Micalie na para bang hindi alam ang kanyang sasabihin kaya't ngumiti na lang ito at sumagot. "98."

Ngumiti naman si Micalie at nag simula ng dumaldal sa kanila ganyan naman siya, walang masamang tinapay, lahat sa kanya okay. Lahat sa kanya walang problema. Kahit alam niyang may tensyon sa pagitan ni Kreah at Misty, binabaliwala niya 'yon. Kasi dalawang kaibigan na lang ang meron siya, mawawala pa niya 'yun? Pero, sa ibang tao hindi vocal si Micalie, palagi lang siyang tahimik pag ibang mga kaklase niya ang kumakausap sakanya, ganoon talaga. May pag ka misteryoso siya.

"Hello Misty." nakangiting bati ni Caroline kay Misty, nag tataka naman sila dahil hindi naman sila pinapansin nito. "Gusto mong sumama samin?" napakunot-noo naman si Micalie dahil sa inaasal ni Caroline, parang walang gagawing matino ang mga ngiting 'yan. "Sige na sumama ka na! Tara!" Wala ng nagawa si Misty kundi sumama 'kila Caroline, iniisip kasi niya na pag sumama na siya dito ay pwede na niyang mauungusan ang kasikatan ni Kreah. Pero hindi niya alam na ginagamit lang din siya ni Caroline para madispatsya si Kreah. Habang hila-hila ni Caroline si Misty, nakatitig lamang si Micalie na walang magawa kundi panoorin lamang si Misty na lumalayo sa kanya habang nakatingin ito at mistulang humihingi ng tulong.

Tahimik at walang kibo, 'yan ang isa sa mga ugali ni Micalie na kung minsan hindi na nakaka-buti.

"Pati ba naman ikaw Misty naloloko ni Kreah?" bulyaw ni Caroline sa kanya. "Ghad! She's a total whore and a bitch! Dapat sa kanya iniiwasan! Hindi kinakaibigan!" bahagyang pinaypay ni Caroline ang kanyang palad sa kanyang mukha habang umiirap ito. "Akala ko ba matalino ka? Mukhang pati kayo ni Micalie kakalabanin ng Kreah na 'yan!" singhal sa kanya ni Caroline.

Napatitig lamang si Misty sa kanya na tila ba'y hindi siya pinaniniwalaan. "Mabait si Kreah! Wag mo nga siyang siraan!" patay malisya niyang sigaw na ginantihan lamang siya ng pag ngisi ni Caroline.

Plastik 'yan ang masamang ugali ni Misty, gusto niya maging mabait sa paningin ng lahat, gusto niyang maging anghel ang imahe niya tulad ni Micalie, inggitera isa rin 'yan sa mga ugali niya.

"Wag kang kasing plastik, Misty." mas lalong lumawak ang pag ngisi ni Caroline. "Alam kong ayaw mo sa kanya, alam kong ayaw mong mas nalalamangan ka. Kung sabagay.." hinaplos ni Caroline ang laylayang buhok ni Misty. "Plastik ka." simple usal nito at bahagya siyang tinawanan.

Simpleng napahawak si Misty sa kanyang palda at humugot ito ng malalim na pag hinga. "Ano bang gusto mong gawin ko?" iritang tanong niya.

Tumalikod si Caroline sa kanya at humarap ito sa isang malawak na salamin ng C.R kung sila'y nasaan. Napatingin doon si Misty na nasa kaliwa lamang ni Caroline, ilang segundo silang nag katitigan na may sumisilay na ngiti sa labi ni Caroline, napahawak ito sa tiles ng lababo at muling nag salita. "Simple lang, iwasan niyo siya.. Layuan mo."

Lumipas ang ilang araw napapadalas ang pag liban ni Kreah sa kanilang klase, may parte sa puso ni Misty na masaya siya dahil mas mapapadali ang pag iwas niya dito pero may puwang din sa puso niyang hindi tama ang ginagawa niya.

Nalamon ng inggit ang kanyang puso, gusto niyang siya lang ang nangunguna, siya ang mas mataas, mas magaling, mas pinag-uusapan lalong-lalo na't gusto niyang siya ang tinitingalaan. Maraming nag sasabing lumalaki ang kanyang ulo dahil sa kasikatan na tinatamasan niya pero ang lagi niyang dinadahilan.. Magaling lang ako, inggit kayo.

Dumating ang araw na pumasok si Kreah iyon din ang araw na sinabi ni Misty na huwag na huwag pansinin ni Micalie ito, parang asong sumunod na lang ito sa kanyang amo na mas ikinatuwa ni Misty dahil lubos na akala niya sa kanyang sarili kaya niyang manipulahin ang bawat desisyon at kilos ng mga tao sa kanyang paligid, lalo na't ang mga malalapit sa kanya. Pero may isa siyang dahilan kung bakit habang tumatagal lalo niyang kinasusuklaman si Kreah.

Dahil na rin sa nahahalata ni Kreah na iniiwasan siya nila Misty at Micalie kusa na itong lumalayo. Naging mag-isa siya sa lahat ng kanyang gagawin at pupuntahan, walang gustong makipag-kaibigan sa kanya, at hindi na rin siya nakipag-kaibigan sa iba dahil sa huli iiwan din siya nito tulad ng ginawa niya.

Nag daan ang ilang araw, unti-unting nababalutan ng galit, puot at hinanakit sa puso ni Kreah. Lalo na noong may iba't-ibang kumalat na chismis tungkol sa kanya. Sa una nakakaya pa niya, pilit niyang iniiwasan ang mga iyon dahil alam niyang hindi naman 'yon totoo. Pero nasaktan siya nang may kumalat na hindi niya kinayang chismis kung kaya't ilang araw pa'y umalingawngaw agad ang balitang umalis na si Kreah sa Howahkan.

Palihim na pinaimbestigahan ni Kreah sa isang teacher na kanyang tito sa Howahkan kung sino ang puno't-dulo ng balitang 'yon, ang laging nag popost sa bulletin board malapit sa music room ng iba't-ibang hindi makatotohanang litrato.

Mas lalo siyang nasaktan sa kanyang nalaman, hindi niya lubos akalain na kayang gawin 'iyon ni...

Micalie.

There's a thin line between love and agony, and when you feel agony and pain you'll soon came up with a revenge. Simula noong araw na 'yon ay alam na niya kung ano ang dapat gawin niya, alam na niya kung paano babawiin ang lahat ng sakanya, kung papano sisirain ang mga taong sumira sakanya. Pero isang tao lang naman ang alam niyang hinding hindi na niya makukuha, si Darnell.

"Darnell, bakit kasi siya pa? Pwedeng ako nalang diba?" Ini'alis ni Darnell ang hawak ni Kreah sa kanyang braso at tinignan siya sa mata. "Hindi mo natuturuan ang puso, Kreah."

Sa mga nag daang panahon, sa mga panahong pinag masdan at pinag aralan ni Kreah ang galaw nila, alam niya kung ano ang gagamiting alas para masira silang lahat, sa isang iglap lang... Ngumisi siya, isang tagumpay na ngisi at tumingin ng diretso kay Darnell.

"Ako ang may alam ng totoo Darnell, kawawa ka naman. Kasi ikaw? Wala kang kaalam alam sa katotohanan. Pero pag nalaman mo na 'yon? Tatanggapin pa din kita sa tabi ko. Tandaan mo yan Darnell. Tandaan mo yan."

Lumakad papalayo si Kreah habang ibinulsa ang mga kamay at yumuko. "Tumingin tingin ka sa paligid mo. Maaaring, niloloko ka na pala ng lahat na pinag kakatiwalaan mo. Trust no one, Darnell. Trust no one, including yourself."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unchained MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon