VII. Goodbye Bohol, Hello Manila

1.6K 35 0
                                    

Dawn's POV

"Love, gising na. Mag-aayos pa tayo ng gamit natin," ginigising ko na ang mahal na hari ko. Magiimpake pa kami ng gamit namin kasi uuwi na kami sa Manila. Tapos na ang honeymoon week namin. Haaaaaaaay. 

Aba, ayaw talaga gumising nito? "Love? Love, gising na", nilambing ko siya. Baka gumana eh. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin. 

"Hmmm... mamaya na, Love. Inaantok pa ako," pinahiga niya ako. >.< hirap naman gisingin nito. 

"Love, sige na. Tara na. Mahuhuli tayo sa flight natin. Pupunta pa tayo kina Mama at Papa diba?" dahan-dahan siyang dumilat at sinunggaban ako ng halik! Pinalo ko siya sa tyan. 

"Richard! Bakit mo ginawa yon?" naiinis na natatawa na kinikilig kong sinabi. Kasi naman... di ako prepared! :D

"Parusa mo yan! Aga-aga mo manggising eh," ngumiti si pogi. Gosh! Natutunaw talaga ako! 

"Richard. Wag mo kong paandaran ng mga ngiti mo! Dali. Bangon na!" tinapik ko siya sa tyan niya. Hihihi, tumayo na ako sa kama namin at naghilamos muna sa banyo. 

"Eto na po, misis," haaaay! Salamat. Bumangon na din ang asawa ko. 

Pagkalabas ko ng banyo nakaupo na siya sa kama at tsinek ang cellphone niya. Ako naman dumiretso sa walk-in closet namin at nagsimula ng ayusin ang mga damit namin at ilagay sa maleta. 

"Hmmmm... ang bango-bango mo pa rin, misis, kahit bagong gising ka," niyakap ako ni mister mula sa likod at inaamoy-amoy ang leeg ko. Pssssh. How can I resist this? Konting moves lang niya, bigay ako agad. 

"Love, mamaya na. Inaayos ko pa tong gamit natin. Di pa rin tayo nag-aalmusal oh," hinarap ko na siya at kinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko. Sumimangot si pogi. Amp. Pogi pa rin! 

"Love, hon, babe... wag ka nang sumimangot dyan. Mamaya na lang pagbalik natin sa Manila, okay?" ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko siya sa cheeks.

"Cheeks lang? Di mo na nga ako pinayagan tapos... cheeks lang?" naku, naku... humirit pa! 

"Naku, kung hindi lang kita talaga mahal, Richard. Sige na eto na po, mahal ko," hinalikan ko na siya sa labi, "Mwaah!" with sound pa. Instant. Ngumiti na ang loko! 

"Sorrooooop, misis! Isa pa!" sabi na eh. "Mamaya na nga. Eh kung tinutulungan mo na ako dito, mister? Nang maaga tayo matapos para maaga din tayong makabalik ng Manila at maibigay ko na po ang gusto niyo," nag-salute pa ang asawa ko, "Yes, ma'am!" at inayos na ang mga gamit namin. Basta talaga kalokohan... 

>>>>>>>Fast Forward>>>>>>>>

Nakababa na ng airplane ang mag-asawa at pinasundo na nang Mama ni Dawn sa airport. 

Habang nasa kotse.....

"Love, saan tayo mag-stay? Kina Mama ba muna o sa inyo o sa condo mo?" hindi alam ni Dawn na  bago pa man sila ikasal ni Richard ay nakabili na ito ng sarili nilang bahay. 

Ngumiti lang si Richard at hinalikan siya sa forehead. "Basta, Love. You'll see," hinawakan na rin niya ang kamay ng asawa. 

Nakatulog si Dawn sa biyahe at nakasandal kay Richard. 

"Sir, eto na po tayo," tumigil ang kotse sa bago nilang bahay. "Sige po, Manong. Paki-baba na po yung mga gamit namin," bumaba na ang driver at dahan-dahan namang binuhat ni Richard ang mahimbing na natutulog na asawa at inakyat muna sa kwarto nila. (i-aryana style) 

"Sleep well, mahal ko," hinalikan niya muna ang forehead ni Dawn at kinumutan at saka bumaba ulit para ayusin at tulungan ang driver sa pag-unload ng gamit nila. 

Nagising si Dawn at nagulat dahil hindi familiar sa kanya ang kwarto at lugar. Agad siyang napaupo at lumingon-lingon sa paligid. 

"Richard? Richard?!" lumabas siya ng kwarto at bumaba. Nadatnan niya ang asawa na nagpeprepare ng lunch nila sa kusina. 

"Richard?" 

"Oh, love. Gising ka na pala. Tamang-tama, luto na tong paborito mo," nilagay niya ang ulam sa lamesa at tinanggal ang apron na suot niya. Habang si Dawn naman tinitingnan lang ang ginagawa niya.

"Nasaan tayo, Richard? Kaninong bahay to?" nilapitan siya ng asawa at hinalikan sa forehead. 

"Mahal ko, bahay natin," nanlaki ang mata ni Dawn sa sinabi ni Richard at tinawanan naman siya nito. 

"A-atin to?!" 

"Oo. Bakit? Ayaw mo ba? Sayang naman. Fully-furnished na to---" pinatigil siya ni Dawn sa pagsasalita gamit ang daliri niya at nilagay sa labi ni Richard. 

"Gusto ko, mister. Nagulat lang ako, di mo naman kasi nabanggit sa akin to," ngumiti si Dawn at niyakap si Richard.  

"Gusto kasi kitang surprisahin," 

"Ang hilig mo talaga sa surpresa!" tinapik ni Dawn ang braso ni Richard at tumawa. "I love you, mister," malambing na sabi ni Dawn. "I love you more, mahal ko," ngumiti muna sila bago hinalikan ang isa't isa. 

Naging malalim ang halikan nilang dalawa. Torrid. Dahan-dahan binuhat ni Richard si Dawn (i-aryana style) at inaakyat na papunta sa kwarto nilang dalawa nang bumitaw si Dawn.

"Love, yung niluto mo. Sayang naman kung di makakain," ngumiti si Dawn. "Mamaya na lang, Love. Pwede namang itago sa ref at initin na lang mamayang gabi," hinalikan ulit ni Richard ang asawa. Pero bumitaw ulit si Dawn, "Love, nagugutom na ako," buhat pa rin ni Richard ang asawa at nasa hagdan pa rin sila. "Hindi ba pwedeng tanghalian na lang natin ang isa't isa?" pilyong sagot ni Richard.

"Richard! Mamaya na lang pagbalik natin. Naghihintay sina Mama at Papa sa atin. Sige ka. Magagalit yon sa iyo. Baka paghiwalayin tayong dalawa," binaba na ni Richard ang asawa at inakbayan.

"Love, walang makakapaghiwalay sa ating dalawa. Kahit sinong pontio pilato pa yan! Hindi nila tayo matitibag. Alam mo kung bakit? Ha, mahal ko?" kinulong ni Richard ang mukha ni Dawn sa mga palad niya.

"Bakit?"

"Kasi..." hinawi ni Richard ang buhok na nakatakip sa mukha ni Dawn, "Mahal..." hinalikan niya sa forehead si Dawn, "...na mahal..." hinalikan naman niya ang ilong, "...na mahal..." sunod ang pisngi,  "... na mahal..." sunod ang labi, "...kita," hinalikan ulit sa labi.

"Asuuuuuus. Wag ka nga, Richard!" nararamdaman ni Dawn na namumula ang pisngi niya dahil sa kilig.

Natatawa si Richard, "Bakit naman? Kinikilig ka? Hahahahaha!" niyakap niya ang asawa at hinalikan sa buhok.

"Tara na, misis. Kumain na tayo. Baka nagugutom na si baby," inakbayan niya ulit si Dawn na halatang nagulat sa sinabi niya.

"Oh? Bakit? Hahaha," natatawa siya sa reaction ng asawa, "Anong baby ka dyan?!"

"Si baby natin..." hinimas-himas niya ang tyan ni Dawn. "Loko-loko ka talaga! Tumigil ka nga! Paano mo naman nalaman na meron na nga? Ha, mister?" nakaakbay pa rin si Richard sa kanya habang pababa sila ng hagdan.

"Nararamdaman ko,"

"Naku, gutom lang yan, Richard! Tara na. Kumain na tayo!" umupo na sila pareho at kumain na.  

*****************************************************************

END OF CHAPTER

VOTE AND COMMENT? 

Two Hearts Become One (CharDawn Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon