X. Baby plans

1.4K 32 1
                                    

Richard's POV

Bukas papasok at babalik na kami sa opisina. Hindi bilang ordinaryong magkakatrabaho lang. Kung hindi bilang mag-asawa na. 

Nandito ako ngayon sa sofa sa gilid ng kama namin. Tinititigan ko si Dawn. Lumapit na ako sa kanya at humiga sa tabi ng asawa ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa forehead niya.  Ngumiti naman siya at medyo dumilat. 

"Love, papasok na tayo bukas," bulong sa akin ni Dawn. "Baka naman mawalan ka na ng time sa akin niyan?" tumingala sa akin si my love ko at diretso ako tinitigan. 

Ngumiti ako, "Hindi mangyayari yan, Love," hinalikan ko siya sa forehead, "Hinding-hindi ako papayag na mawalan ng time sa pinaka..." pinisil ko ilong niya, "...maganda kong asawa!" tapos hinalikan ko na siya sa labi. Smack lang. 

"Ayan ka nanaman sa bola mo!" pinalo niya ako ng mahina sa dibdib. Hilig-hilig talaga akong paluin ni love ko! Di naman ako paluan o punching bag? 

"Bakit ba akala mo lagi binibola kita? Nakakatampo naman," inalis ko ang yakap ko sa kanya at tatayo na sana sa kama namin. Pero pinigilan ako ni Dawn. Sabi na eh, di ako matitiis nito!

Dawn's POV

"Richard. I'm just joking. Eto naman," pinigilan ko siya at niyakap ko sa tyan. Lambing-lambing din. 

Di sumasagot tong loko. Amp. Tampo-tampo lang naman to. Daig pa ako magtampo! Pero nakakakilig! 

"Uy. Richard? Babe? Love? Honey ko? Mister? Daddy?" lahat na ng endearments namin sinabi ko na. Sana magwork! 

Nagulat si pogi at tumingin sa akin. O.O

"Anong 'daddy' ka dyan?" seryoso pa din siya

"Diba ang mga mag-asawa minsan 'daddy' tawag at 'mommy' sa isa't isa?" ngumiti si Richard at inakbayan na ako. Alam ko na ang ngiti nito! May binabalak! 

"Ayoko ng 'daddy'-'mommy' na tawagan natin, Dawn. Gusto ko sa 'mga' magiging anak lang natin yon," nagtaas ako ng kilay at inangat ko ulo ko para mas lalo ko siyang makita.

"Anong 'mga' anak ka dyan?" 

"Mga anak natin. Gusto ko maraming Dawn Jr. at Richard Jr," kumindat sa akin si pogi at ninakawan ako ng halik. Aba, aba! 

"Tumigil ka nga dyan! Isa lang! Enough na. Gagawin mo akong paanakan mo? Aba, dapat hindi asawa ang kinuha mo! Nag-hire ka na lang sana ng babymaker?" masungit kong sagot sa kanya. 

"To naman asawa ko..." kinabig niya ulit ako papahiga. "Ayaw mo ba ng masayang pamilya? Maingay na bahay dahil sa mga makukulit na bata? Yung maraming hahalik sa'yo at sasalubong pagka-uwi mo galing trabaho?" hinihimas-himas niya kaliwang braso ko habang nakapatong naman kaliwang kamay ko sa dibdib niya. 

Two Hearts Become One (CharDawn Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon