XXXII. DAWNUTS

970 28 7
                                    

"Saan mo gustong kumain Love?" masayang tanong ni Dawn habang tinitingnan ang mga damit na pinamili niya.

"Kaw bahala, tutal ikaw naman talaga masusunod, kahit naman sabihin ko kung saan ko gusto, eh hindi ka naman nakikinig." may halong bitterness sa boses ni Richard, tampo parin siya sa nangyari kanina.

Naramdaman naman ito ni Dawn, tumahimik nalang siya at hindi na kumibo.

Nakarating na sila sa bahay, naunang bumaba si Richard, sa buong pag aakala ni Dawn ay pagbubuksan siya ng pinto pero pumunta siya sa likod at kinuha ang pinamili nila "Akin na yung pinamili mo, Ako na magdadala." hindi niya tiningnan sa mata si Dawn, Binigay naman ito ni Dawn at bumaba na ng kotse.

<////333

Dirediretso sa paglalakad si Richard, hindi siya lumingon. Nagtungo siya sa kwarto nila, Umupo naman si Dawn sa sofa.

*sa isip* "Eh, Paano ba to? Tampo talaga siya eh." hinawakan ang tyan "Ano bang solusyon baby? Alam mo ba?" tumawa naman si Dawn "Good Idea baby." tumayo si Dawn

-

Mga ilang oras ding nakahiga si Richard sa kama, tampo parin siya kay Dawn.

"Teka lang, bakit naman ako nagtatampo?" Tumayo siya "Psshhh! Ano kaba naman Richard, buntis asawa mo tas ganyan ganyan ka."

Two Hearts Become One (CharDawn Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon