XXXIV. Happiest moment of their lives

1.5K 38 15
                                    

Richard's POV

Huuuuuuuuu! Ilang sandali na lang talaga magiging tatay na akoooo! Dawn, hold on!!!

"Richard!!! Walang hiya kaaaa!!! Di na to mauulit!!! Huuuuuuuu..." ang asawa ko habang nakahiga na sa stretcher at pinapasok na sa delivery room

"Loveee!!! Nakaka-isa palang tayo!! Kulang pa yan sa para sa isang basketball team!!"

"Walang hiya kang lalaki kaaa!! Di ka na makakaulit itaga mo yaaaan!!"

"O-o-oo na!! Sasamahan kita sa loob!!"

"Wag naa!! Wag kang lalapit sa akin!! Hindi ko iiire tong bata!!"

Naiwan na nga si Richard sa labas ng delivery room at hindi mapakali. Paikot-ikot siya at natataranta para sa mag-ina niya.

After many many hours... Nagising siya ng may kumalabit sa kanya na doktor. Agad siyang napatayo.

"Doc? How's my wife?"

"Okay na sila. Normal ang naging panganganak ni misis kaya natagalan ilabas ang bata."

At dahil dun nakahinga naman ng maluwag si Richard.

"Uhm, doc? He or she po?" Naeexcite na tanong ni Richard

"It's a boy sir. Congrats!"

"Yes!" Napasigaw naman si Richard dahil sa sobrang tuwa.

"Thank you, doc!" Shinake hands naman niya ang doktor

Sa loob ng room kung nasan si Dawn...

Nakaupo si Richard sa tabi ng kama ni Dawn. Nakatulog na siya sa pagbabantay dito.

Maya-maya pa'y nagising na si Dawn.

Pinagmasdan muna niya ang napakapogi niyang asawa.

"Richard..." Mahinang sabi ni Dawn at hinawakan ang kamay ni Richard

Nagising naman si Richard at napastraight ng upo.

"Hmm, kamusta pakiramdam mo love? Okay ka na ba?"

Hinaplos niya ang noo ni Dawn.

Napangisi naman si Dawn.

"Okay ka rin noh? Tatanuning mo ko kung okay lang ba ako...*mahinang boses* kayo kayang mga lalaki ang magbuntis at manganak."

Napangiti naman si Richard.

"Nasan na si baby?"

Sakto namang bumukas ang pintuan at pumasok ang nurse habang karga ang baby boy ng mag-asawa.

"Hello po ma'am, sir. Eto na po ang baby boy niyo."

Nilapag ng nurse ang baby sa tabi ni Dawn.

Napaiyak naman si Dawn sa sobrang tuwa dahil worth it ang panganganak niya.

Habang si Richard naman nakatitig lang sa dalawa.

"Oh, love. Di mo ba siya kakargahin? Ang jr. mo."

Nag-alinlangan naman si richard.

"Natatakot ako."

"Bakit ka natatakot anak mo yan."

Pinunasan ni Richard ang mga luha niya at kinarga dahan-dahan ang baby.

Mas lalong napaiyak si Richard dahil sa wakas... Tatay na talaga siya.

"Love... Anong pangalan niya?"

Tanong ni Richard habang karga-karga ang baby at nakasandal naman ang ulo ni Dawn sa kanya.

"Ikaw... Ano bang gusto mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Hearts Become One (CharDawn Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon