XIX. LQ pa rin?

1.2K 29 4
                                    

Dawn's POV

Umakyat na ako ng kwarto namin. Nakakainis si Richard! >.< Pero kinilig ako sa sinabi niya. Hep. Hep. Hep. Dawn! Ano bang iniisip mo? Galit ka sa asawa mo! Niloko ka niya! Napahamak kayo ng anak mo dahil sa kanya! 

*TOK* *TOK* 

"Love? Sorry na oh." hmmmp, bahala ka dyan! 

"Love, sige na. Bati na tayo. Sorry na. Maniwala ka sa akin. Wala kaming relasyon ni Audrey." 

"Bahala ka dyan! Umalis ka nga Richard! Naiirita ako sa'yo! Naiirita ako sa boses mo!" sumigaw na ako habang siya nasa labas pa rin ng kwarto namin. Ayoko ngang buksan yung pintuan! Manigas siya dyan!

"Love, sige na. Nilalamok na ako dito oh..." hihihi, cute niya siguro dun. Parang bata yung voice niya. 

"Tse! Di mo ako madadaan sa ganyan mo! Mabuti nga sa'yo!" pagmamatigas ko pa rin. 

Richard's POV 

Psssssh! Ano bang pwede kong gawin para kausapin na ako ng asawa ko? Hmmm... pagluto ko na lang kaya siya ng tenderloin? with fruit salad? with..... brownies? Kaya lang di pa yan enough eh!  Pero sige, Bahala na. 

Nagpunta si Richard sa store at binili lahat ng ingredients na kelangan sa pagluto niya. Nasa kwarto lang si Dawn the whole day. Natapos na magluto si Richard at nihanda na niya ang dinner nila sa may mini-garden. 

Inakyat na niya ang asawa para yayain magdinner. 

"Love?" pagkabukas niya ng pintuan ng kwarto nila nakita niya ang asawa na nakahiga na. Nakatalikod. 

Hmmm.. natutulog na ata? bulong niya habang dahan-dahang umupo sa tabi ng asawa.

Marahan niyang hinimas-himas ang braso ni Dawn at inamoy ang buhok nito. 

"Love, dinner na tayo?" bulong niya 

Walang imik si Dawn at natutulog pa rin. 

"Love. Dinner na tayo." bulong pa rin niya habang hinihimas ang braso nito.

Nagising naman si Dawn sa ginagawa ng asawa kaya iniwas niya ang braso sa hawak ni Richard.  

"Umalis ka nga!" in medyo bagong gising voice. 

"Love, sorry na. Dinner na tayo. Di ka pa ba nagugutom?" sweet and soft voice pa rin ni Richard. 

"Di ako nagugutom!" taray voice

"Love, sige na. Nagugutom na ako." pout si Richard 

"Kumain ka mag-isa mo! Laki ng problema mo!" nagtaklob ng comforter si Dawn at sinipa si Richard kaya nahulog siya sa kama. 

"Aray naman!!!!!" napahiga siya sa sahig at sumilip naman si Dawn at nakangiti at bumalik agad sa pagkakahiga ng makita siya ni Richard. 

"Love... sige na, tara na." sumampa ulit si Richard sa kama at hinalikan ang braso ang ni Dawn. 

"Ano ba! Tumigil ka nga! Yayain mo magdinner si Audrey!" 

"Love naman... di ko siya gusto. Ikaw gusto kong maka-dinner. Hmmm." patuloy pa rin si Richard sa paghalik sa braso, buhok, tenga at leeg ni Dawn. Gustung-gusto nang bumigay ni Dawn pero pinipigilan niya ang sarili at gustong pahirapan ang asawa. 

"Ano ba Richard! Umalis ka na nga! Kumain ka mag-isa mo!" umupo si Dawn at tumayo at pumasok ng banyo at ni-lock ang pinto. 

Naiwan naman si Richard sa kama at napakamot ng ulo. 

Wrong move, Richard! Amp. bulong niya at kinatok si Dawn sa banyo. 

"Love... Dawn..." 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagbubuksan na kaya si Richard ni Dawn ng pintuan? Hahahaha, 

At ano kayang gagawin nila sa banyo? 

END OF CHAPTER

VOTE AND COMMENT :D

Two Hearts Become One (CharDawn Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon