I. New Life

3.2K 50 8
                                    

Dawn's POV

"Dawn? Ready ka na?" pumasok si Mama sa kwarto ko habang ako, nakatingin sa salamin, naka-upo at nakasuot na ng wedding gown ko. Nakangiti, pero kinakabahan. Sino ba naman ang hindi kakabahan kapag ikakasal ka na diba? 

"Ma..." tumingin ako kay Mama mula sa salamin saka lumapit siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat at nginitian

"You're so beautiful, Dawn." ngumiti ako. Si Mama talaga...

"Ma? Binobola mo naman ako..." nagpout ako sa kanya na parang bata pero niyakap ako ni Mama

"I'm so proud of you, anak. Ikakasal ka na. Mawawalan na ako ng baby girl." tumayo ako at niyakap ang mama ko. Si Mama naman... papaiyakin pa ata ako?

"Ma? Papaiyakin mo naman ako eh?" kumalas ako sa yakap namin at nagsimulang may mamuong luha sa mga mata ko

"Sshhhh. Don't. Masisira make-up mo. Ganda-ganda mo pa naman." hinawakan ako ni Mama sa magkabilang pisngi at pinunasan ng bahagya ang luha ko

"I love you, Ma." 

"I love you too, anak." napapansin kong nagsisimula na ding maging emosyonal si Mama

"Osya. Tama na. Masisira ang make-up mo. Tara na? Ayos na ba ang lahat?" pinunasan na namin ang mga luha namin at tiningnan ko ang sarili kong dalaga pa sa huling pagkakataon

"This. Is. It. Dawn." huminga ako ng malalim at saka lumabas na kami ni Mama ng kwarto at bumaba na 

Ang bongga ng bridal car ko. Limo siya. Si Richard kasi eh. Nag-insist na Limo na lang daw para maiba naman. Di naman kami mayaman. Katamtaman lang ang estado namin sa buhay. Katunayan, assistant ako ng boss ko sa pinagtatrabahuhan ko. 

Dito kayo hindi maniniwala. Akalain niyo? Ang anak ng may-ari ng opisina na pinagtatrabahuhan ko ang pakakasalan ko? Noong una, akala ko nananaginip lang ako. Pero... hindi. 

Mahal ako ni Richard. Mahal ko siya. Mahal namin ang isa't isa. Huminga ako ng malalim at tumingin sa bintana. 

END OF POV

Richard's POV

Ilang oras na lang... magiging ganap na kaming dalawa ni Dawn. Nandito na ako ngayon sa loob ng simbahan. Hinihintay ang mahal ko. Di ako mapakali. Patingin-tingin ako sa relo ko. 

"Pre? Mukhang kabado ka ah?" napatingin ako sa best man ko. Napangiti ako

"Excited lang." inayos-ayos ko ang barong ko baka kasi lukot na? 

Pagkatapos biglang sumigaw yung wedding planner na nandyan na daw ang bride at magsisimula na ang kasal. Eto na to. Huminga ako ng malalim at pumwesto na sa harapan habang inaantay ko ang pagbukas ng pintuan ng simbahan at makita si Dawn na lumalakad sa gitna. 

END OF POV

After some routines sa kasal........ (I will not detail it anymore)

"And by the power vested in me, I now pronounce you husband  and wife. Richard, you may now kiss the bride." 

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan. Samantalang sina Dawn at Richard naman, hinarap na ang isa't isa at ngumiti. Nagtitigan muna. At ayon. Hinalikan na ang isa't isa. Ganap na silang mag-asawa. 

After ng ceremony, syempre picture taking muna. At dumiretso na sa reception.

~~~

At the reception...

"Congrats, Richard. Dawn."

"Kelan ang baby? XD" 

"Baka naman nauna ang honeymoon?"

Two Hearts Become One (CharDawn Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon