XXIV. Harutan Mode

1.3K 32 4
                                    

 6:00 am. 


Naunang nagising si Richard. Umupo sya sa kama at kinalikot ang mata at sumilip sa asawa nyang mahimbing pa rin sa pagkakatulog. Hinawakan nya ito sa pisnge at hinalikan nya ito sa noo. 

"Good Morning love." bulong nya at hinalikan nya ulit ito. Full naked pa si Dawn at tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan nya habang si Richard naman nakaboxer lang din. Tumayo sya at naligo, Pagkatapos nun dumiretso na sya sa kusina para ipagluto ng agahan ang prinsesa nya. ♥


* * * 

6:30 am

Unti-unting nagising si Dawn at dumiretso sa CR at naligo. Pagkatapos nun, Lumabas sya sa at  narinig nya na parang may nagluluto kaya dumiretso sya sa kusina at nakita nya si Richard. Yumakap sya sa likod nito. Busy kasi si Richard kay di nya napansin na nandyan ang asawa nya. 

"Good morning love!" sabi ni Dawn habang nakapatong ang ulo nya sa balikat ni Richard. 

"Good morning love." hinalikan nya ito sa pisnge pero nakatingin ka pa rin sya sa niluluto nya. 

"Bango nyan love ah." sabi ni Dawn. 

"Syempre. Asawa mo nagluto nyan eh." 

"Naks. Sana masarap yan." 

"Wala ka pa ring tiwala sa luto ko love?" 

"Hahaha! Wala." 

"Ganun? Di ka nasasarapan?" 

"Ahm. Hindi." pang-aasar ni Dawn

"Sige. Humanda ka misis. Para kang nasa langit pagnatikman mo to." 

"Siguraduhin mo yan, Mister ha." natatawang sabi ni Dawn 

"Oh Misis. Luto na!" 

"Bilis mister! Patikim na! Gutom na kami ni Baby." 

* * * 

Nagsimula na sila kumain. 

"Sure ka mister na masarap 'to?" pang-aasar ni Dawn

"Tikman mo muna kasi misis." 

"Sige nga try ko." kumain sya at ngumuya. 

"Ano misis. Bilib kana sakin?" 

"Hmmm. Di pa masyado." pang-aasar ulit ni Dawn 

"Misis naman." 

"Joke lang mister. Syempre masarap! Ikaw nagluto eh." ngumiti si Dawn at niyakap si Richard. 

"Kiss mo ko misis." pilyong sabi ni Richard 

"Ayoko. Nakailan kana kagabi." natatawang sabi ni Dawn 

"Eh. Bitin pa kayo yun." 

"Ah. Bitin pa? Grabe ka!" natatawang sabi ni Dawn 

"Bitin naman talaga eh." niyakap nya si Dawn "Round 2 misis." pilyong sabi ni Richard 

"Maiipit si Baby mister." 

Biglang hinalikan ni Richard yung balikat ni Dawn.

"Mister!" 

"Bakit?" natatawang sabi ni Richard 

"Bawal po. Wag makulit." 

"Sige na nga." 

"Halika nga." sabi ni Dawn at niyakap nya ito. 

At nagpout si Richard na nagpapahiwatig na gusto nya makakuha ng kiss mula sa asawa nya at binigay naman iyon ni Dawn. 

"Love you mister." 

"I love you more misis." hinalikan nya ulit ito. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

END OF CHAPTER

VOTE & COMMENT

Two Hearts Become One (CharDawn Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon