Chapter 19- Vanessa meets Kyle

150 8 5
                                    

(VINCENT’S POV)

Habang nagpa-practice kami ni Kuya Kyle, may biglang tumawag sakin.

“VINCENT!”

Paglingon ko nakita ko si Ate Vanessa. Teka, anong ginagawa niya dito?

“Ate Vanessa?”

“Vince! Ano ba naman yan?! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo, hindi ka naman sumasagot. Nung pumunta ako sa bahay niyo, wala ka naman dun. At ang sabi ng katulong niyo, maaga ka daw umalis at may dalang bola. Kailan ka pa nahilig sa basketball?” Tuloy tuloy na sabi ni Ate Vanessa, parang hindi na nga siya huminga eh.

“Sorry Ate, pero ano bang ginagawa mo dito?” Tanong ko.

“So hindi mo talaga alam? Nakalimutan mo ba na sasamahan mo ako ngayon bumili ng regalo para kay Klein?”

Halla! Oo nga pala, nakalimutan ko na ngayon pala yung araw na yun.

“Para kay Klein?” tanong bigla ni Kuya Kyle

“Yeah! Who are you?” ~Vanessa

“I’m Kyle Nepomuceno, older brother ni Klein.” Sabi ni Kuya Kyle sabay abot ng kamay niya. Kinamayan naman siya ni Ate Vanessa

“Nice meeting you, Kyle. I’m Vanessa Nepomuceno, cousin of Vince.”

Si Kuya Kyle parang baliw na nakatulala kay Ate Vanessa. Haha. Mukhang may natamaan ah. Hmm. XD

“Nice meeting you too.” ~Kyle

Tapos bigla akong hinarap ni Ate Vanessa

“Ano, sasamahan mo pa ba ako o hindi na? Sabihin mo lang para maka-alis na ako, ako nalang bibili mag-isa!”

“Eh kasi nagpa-practice ako mag-basketball eh.”

“Kailan mo pa nagustuhan ang basketball?!” ~Vanessa

“Simula nung nalaman ko na gusto rin to ni Klein.”

“Ni Klein? Ah kaya naman pala. Sige, mag-practice ka nalang diyan. Ako nalang ang bibili.” Biglang huminahon ang boses ni Ate Vanessa.

“Sige Ate, ingat ka nalang ah.”

“Lol. Ang bait mong pinsan ah!” Sabi ni Kuya Kyle sabay batok sakin. “Kung gusto mo, ako nalang ang sasama sayo. Alam ko taste ni Klein.” :)

Aba! Kaya naman pala, siya naman pala ang gustong sumama. XD

“H-ha? Sure ka?” ~Vanessa

“Of course!” ~Kyle

“Ahm. Okay, sige na nga.” ~Vanessa

“Teka lang, sino na ang magtuturo sakin?” singit ko sa pag-uusap nila.

“Ikaw na bahala Vince, naturuan naman na kita kanina eh. Ganun at ganun lang naman kapag nagbabasketball eh.” Tapos bigla siyang humarap kay Ate Vanessa “Tara na?”

“Sure!Sige Vince, alis na kami! Good luck sa pagpa-practice mo ah.” Sabi ni Ate Vanessa habang naka-ngiti

Tapos ayun, umalis na nga sila. Andaya naman eh! Ako pa tuloy tong nawalan ng trainor. Pero baka magkaroon na ng lovelife si Ate Vanessa ah. Haha. :D

Forever is a Long Time (ON HOLD) EDITING ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon