(KLEIN'S POV)
Grabe, nakakapagod naman, pero ang saya! Sobrang ganda pala sa Baguio? First time ko kasing makapunta dun eh. Hindi kasi kami pumupunta kung saan saan nila Mommy, hindi kasi sila mahilig magbakasyon ni Daddy. Always kasi silang nasa trabaho eh. Pero okay lang naman yun. :)
"Oh, kamusta lakad niyo ni Vanessa? Saan ba kayo pumunta?" Tanong ni Kuya Kyle. Sinundan niya kasi agad ako sa kwarto pagkadating ko.
"Kuya, pwede bang magpahinga muna ako? Nakakapagod kaya!" *pout*
"Magkwe-kwento ka lang naman ah?! Bilis na! Ipagluluto kita ng masarap ng hapunan, kapag nagkwento ka sakin." :)
Bigla tuloy akong nagutom sa sinabi niya. Tsk! Masarap pa naman tong magluto si Kuya. Kahit na kumain na kami ni Ate Vanessa bago umuwi, nagugutom parin ako! Haha. Takaw ko no?
"Hmp! Sige na nga, ang kulit mo eh! Pumunta lang naman kami ng Baguio…"
"Baguio?!"
Teka… parang ganyan din yung reaksyon ko kanina ah? Haha. XD
"Oo nga sabi eh, Baguio nga!"
"Oh, anong ginawa niyo dun? Ang daya niyo naman, di kayo nagsasama." *pout*
"Sus! Ang drama mo kuya! Eh hindi ko nga rin alam na dun kami pupunta eh, basta pagkagising ko, nasa Baguio na kami."
"Pagkagising mo? Ibig sabihin natulog ka?"
"Malamang kuya! Common sense naman! Amp!"
"Sabi ko nga. Oh tapos?"
"Tapos syempre, gumala kami dun. Sumakay nga ako ng kabayo eh. Pumunta rin kami sa Botanical Garden. Ayy grabe! Sobrang ganda, kuya! Try niyong pumunta ni Ate Vanessa minsan, ang romantic kasi ng place na yun eh."
"Bakit naman kaming dalawa?"
"Bakit, sinong gusto mong kasama? Si Len-Len?"
For your information, si Len-Len po ay yung super adik kay Kuya Kyle, na hinahabol pa siya hanggang dito sa bahay. Nakakatakot na nga yun eh, parang super obsessed na siya kay Kuya Kyle. Haha. XD
"Ayoko nga, baka kainin pa ako nun eh!"
"Hahaha. Baliw ka talaga, Kuya!"
"Hayy, sige na nga. Magpahinga ka na diyan. May pasok ka pa bukas."
"Eh diba, ipagluluto mo pa ako ng hapunan?"
"Oo nga pala no? Teka… kumain na kayo ni Vanessa ah?"
"Oo nga, pero gusto ko ulit kumain eh."
"Bukas na! Lalo kang tataba, sige ka. Ako nalang magluluto ng pagkain mo bukas. Sige na, good night!" Lumabas na si Kuya ng kwarto ko.
Ang daya ni Kuya! Hmp!
Pero teka, ano daw sabi niya? Lalo daw akong tataba? Hindi naman ako mataba ah?! Nako, si Kuya talaga! =_=
….
Nandito na ako ngayon sa school. Tulad nga ng sinabi ni Kuya Kyle, siya ang nagluto ng agahan ko. Ginawan niya rin ako ng cookies para daw may baunin ako.
Si Kuya Ian naman, pinadamihan yung cookies na baon ko, tapos bigyan ko daw si Chloe. Haha. Sabi ko nga siya nalang magbigay eh. Ayaw naman niya. Naku! Ang arte pa ni Kuya Ian! Bwahaha. :D

BINABASA MO ANG
Forever is a Long Time (ON HOLD) EDITING ^_^
Novela JuvenilIsang babae na naniniwala sa signs ang napagtripang gumawa ng list para mahanap ang soulmate niya.. Nakita niya kaya ang soulmate niya? O aasa nalang siya sa signs habambuhay ?? Findout :))