Chapter 20- Torpe sila Kuya

175 5 3
                                    

(KLEIN’S POV)

Nakita kong pumasok ng pintuan si Kuya Kyle at parang kakadating lang.

“Oh Kuya Kyle, saan ka galing?” tanong ko. “Gabi na ah? Sinong kasama mo?”

“Ano ka, nanay ko?” ~Kyle

“Sunget! Pumangit ka sana!” sabi ko sabay takbo sa kwarto ko.

Saan kaya galing si Kuya Kyle? Mukhang ang saya niya eh. Nakangiti na pagkapasok na pagkapasok sa bahay. Hmm. Nakakacurious naman.

Alam ko na!

Tumakbo ako sa kwato ni Kuya Ian. Wala ng katok katok, pumasok agad ako. Haha. Bait kong bata no? XD

“Kuya! Kuya!” sigaw ko

“Ayy tinapay~!” Nahulog yung tinapay ni Kuya Ian dahil sa gulat. Haha. :D “Ano ba Klein! Sana pala hindi nalang ako nagpintuan kung papasok ka nalang bigla diba?” ~Ian

“Aba! Kasalanan ko bang hindi naka-lock yan? Edi kung ni-lock mo sana yan, kumatok pa ako diba?” sabi ko

“Oo nga no? Pero kahit na, uso kumatok! Tae naman oh, paano kung nagbibihis pala ako?” ~Ian

“Edi mas lalong dapat mong i-lock yung pintuan! Hmp!” sabi ko

“Hayy ewan ko sayo! Ano bang kailangan mo?”~Ian

“May itatanong lang sana ako. Alam mo ba kung saan galing si Kuya Kyle?” tanong ko

“Bakit, kararating lang ba niya?” ~Ian

“Yup! So ano, alam mo ba?” tanong ko ulit

“Ha? Ang tagal naman niyang nagturo?” Bulong ni Kuya Ian, pero narinig ko.

“Nagturo? Sinong tinuruan niya?” tanong ko

“Ah. Wala, wala… hindi ko rin alam kung saan siya galing.” ~Ian

“Ganun? Hmm. Anyway, nakita mo ba si Kuya Kyle kanina pagdating niya? Ang saya niya diba? Alam mo ba kung bakit?”

“Chismosa ka no? Pero… hindi ko alam eh. Tara alamin natin!” sabi ni Kuya sabay labas sa kwarto.

“Hintayin mo ko, oyyy!” hinabol ko siya pababa. Naabutan ko siyang nakasilip sa hagdan at nagtatago. “Anong ginagawa mo diyan?” bulong ko sa kaniya.

“Ssssh. May kausap si Kuya, wag kang maingay!” Narinig ko ngang nagsasalita si Kuya Kyle. Binatukan ko naman si Kuya Ian. “Chismoso ka rin eh.”

Pinakinggan namin si Kuya Kyle.

“Ayos lang naman, ikaw?.... nakaupo lang.... si Klein? Andun sa taas eh....” Teka, ako yun ah? Bakit kasama ako sa pinaguusapan nila? “…Asan ka ngayon?.... Ahhh, nakila Vince ka pala eh. Malapit lang samin yun....” Vince? Nakila Vince yung kausap ni Kuya Kyle??? “…Sigurado akong magugustuhan niya yan. Ang cute kaya!....” Nang alin? Ano yung cute? “…O sige, tatawagin ko. Wait lang ah.”

Nakita kong tumayo si Kuya Kyle kaya nagulat kami ni Kuya Ian. “Akyat dali!” Tinulak ako ni Kuya Ian paakyat, tapos nagtago kami sa likod ng pader.

“FATIMA!!! Bumaba ka dito! May gustong kumausap sayo!” sigaw ni Kuya Kyle.

May gustong kumausap sakin? Sino kaya yun? Hindi muna ako bumaba. Nagbilang muna ako ng 10 seconds tsaka ako bumaba para hindi halata. XD

Forever is a Long Time (ON HOLD) EDITING ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon