Chapter 17- Drawing

134 8 5
                                    

(KLEIN’S POV)

=Sa School=

“What happened to you Bams? Ang eyebags mo mas malaki pa sa mata mo!” sabi ni Chloe.

“Loka! Tigilan mo nga ako, puyat lang ako no.”

“Obvious naman eh, at tsaka lagi ka naman puyat.”

Hayyy buhay! Magkaroon ka ba naman ng best friend na napakabait! Napaka ingay! At bwisit sa buhay! Umaga  pa lang eh ang ingay ingay na. Gusto ko sanang matulog pero hindi ko magawa dahil sa ingay ng katabi kong si Chloe. Hindi parin kasi ako nakatulog agad kagabi kaya eto, puyat ako ngayon.

“Ok class, are you ready to make your project?” sabi ni Ma’am.

Oo nga pala, ngayon nga pala kami gagawa ng project. Makagawa kaya ako ng maayos?

“Yes Ma’am!” sagot ng mga classmate ko.

“Okay, but I just want you to know that Section 2 is gonna be with us.”

“Okay Ma’am.”

“Let’s start. Prepare your cooking wares.”

Wala akong ganang tumayo sa kinauupuan ko, pero no choice naman ako, project namin to kaya hindi pwedeng matulog lang ako.

Tumayo ako, lalapit sana ako kay Vince para itanong kung kumusta yung mga gamit namin, kaso biglang dumating yung section 2. Naguunahan yung mga babae, tapos yung iba tumitili pa! Ano meron? Bakit sila ganyan?

Hindi ako nakalapit kay Vince, kasi naunahan ako ng mga section 2 girls. Ahhh. Kaya naman pala sila ganyan kasi andito nga pala si Vince.

“Hi Vince, sinong kapartner mo?” tanong nung isang babae, Jane yung name niya. Nakita ko sa i.d. niya

“Pwedeng ako nalang?” sabi naman nung Almira. Ang landi lang te? Ako ang kapartner niyan uyy!

“Eh kasi may kapartner na ako eh. Asan ba yun? (Tumingin siya sa buong room at hinanap ako) Oh ayun naman pala siya eh, halika dito Klein!” Pagtawag niya sakin. Nakita ko yung mga babae na inirapan ako. Ayos ah. Kasalanan ko bang kapartner ko ang Prince niyo? Lumapit ako kay Vince.

“Siya ang kapartner ko. Kaya sorry, I’m sure may kapartner naman na kayo. Kaya pumunta na kayo sa mga partners niyo kasi maguumpisa na.” Medyo cold yung pagkakasabi ni Vince nun, nagulat nga ako sa ginawa niya eh.

(VINCENT’S POV)

Nabadtrip ako nung nalaman kong kasabay namin yung section 2. Andun kasi si Shawn.

“You may start class.” sabi ni Ma'am

Hindi nagkakalayo yung table ni Shawn at nung kapartner niya sa table namin. Kaya mas naiinis na ako. Napapansin ko rin na kanina pa tingin ng tingin si Shawn kay Klein.

“Kumusta naman ang pagluluto niyo?” Tanong samin ni Ma’am

“Okay naman po, Ma’am” sagot ni Klein.

“Good. Ano ba lulutuin niyo?”

“French foods po.” Sabi ko naman

“Really? Wow. Sa tingin ko, sa inyo lang ang kakaiba ah. Buti naman kung ganon. Sige, aalis na ako. Pagbutihin niyo ah.” Sabi ni Ma’am at umalis na.

Forever is a Long Time (ON HOLD) EDITING ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon