Hinatid niya ako sa bahay dahil sabi ko magpapalit muna ako ng damit. Ganun din ginawa niya. Actually hinihintay ko nalang siya ngayon.
*DINGDONG… DINGDONG*
Oh, I guess his here…
Pagbukas ko nang pinto, bumungad sa akin ang isang napaka-gwapong nilalang. OA ba? Eh totoo naman kasi eh. Ang lakas ng dating niya. Tapos ang bango bango pa. San ka pa diba? Siya na! Siya na talaga! :’’>
“Hi Shawn” :)
“Hi Klein, ano tara na?”
“Okay! Saan nga pala tayo pupunta?”
“Malalaman mo nalang mamaya.” :)
Pumasok na kami sa kotse niya. Hindi siya ang nagda-drive ah.
“Manong dun po sa paborito kong lugar nung bata pa ako.”
Tumango lang si Kuyang driver tapos nagdrive na. Paborito niyang lugar nung bata pa siya? Saan naman kaya yun? Bigla akong napahikab.
“Okay ka lang? Inaantok ka ba?” Tanong niya bigla
“Oo, okay lang ako. Pagod lang siguro.”
“Gusto mo bang matulog muna? Gisingin nalang kita ‘pag andun na tayo.”
“Naku ‘wag na, okay lang naman ako eh.” Nakakahiya naman kung matutulog pa ako diba?
(SHAWN’S POV)
After a few minutes.
Hayyy.. Hindi daw siya matutulog pero bagsak na ngayon. :) Pero okay lang naman yun, wala rin kasi akong masabi sa kaniya eh, baka maboring pa siya sakin. Alam niyo yung feeling na parang wala kang masabi o nahihiya kang magsalita kapag kasama mo ang taong mahal mo? Ganun kasi yung nararamdaman ko eh.
Oo, mahal ko si Fatima Klein Madrigal. Actually matagal na, nung nakita ko siya dati na nanonood ng practice namin at tuwang tuwa siya kapag nakakashoot ako, natutuwa din ako sa kaniya. Kaya nga binilhan ko siya dati ng pagkain niya nung nakita kong ang tagal niya nang nanonood. Simula nun natutuwa na ako sa kaniya kapag nanonood siya ng practice namin.
Alam niyo ba yung salitang “Love at first sight”? Yun kasi yung naramdaman ko kay Klein eh, yun bang lagi ko siyang naiisip tapos hindi ko siya makalimutan. Yung gusto mo siyang makikilala agad agad. Kaya nga ayun gumawa ako ng paraan para magkakilala kami. Okay na muna sa akin yung ganto, atleast magkaibigan na kami. Hindi ko pa alam kung kaylan ako aamin sa kaniya. Hindi sa natotorpe ako, pero magiipon lang siguro muna ako ng lakas nang loob.
Sa ngayon, tinititigan ko siya.
“Hmm. Ang ganda niya talaga, tapos napakabait pa.” Lalo akong naiinlove sa kaniya nito eh.
“Sir, baka matunaw!” sabi ni kuyang driver
“Haha. Ang sarap titigan eh, parang anghel.”
“Mahal niyo Sir no?”
“Oo eh, natamaan ako.”
“Naku Sir, bakit ‘di niyo pa aminin?”
“Nagiipon pa ako nang lakas ng loob eh.”
“Kaya niyo yan Sir, mukha namang mabait din si Ma’am eh. Malay niyo may gusto rin sa inyo yan.”

BINABASA MO ANG
Forever is a Long Time (ON HOLD) EDITING ^_^
Novela JuvenilIsang babae na naniniwala sa signs ang napagtripang gumawa ng list para mahanap ang soulmate niya.. Nakita niya kaya ang soulmate niya? O aasa nalang siya sa signs habambuhay ?? Findout :))