Sa room.
"…measurement of an angle is greater than 0 degrees but less than 180 degrees." sabi ng teacher namin sa geometry.
Bigla akong kinalabit ni Chloe, kaya lumingon ako sa kaniya.
"Oh, bakit?" tanong ko
"2pm na! May meeting pa kayo diba?"
Tinignan ko yung orasan ko. Oo nga, 2pm na!
Pero anong gagawin ko? Terror pa naman tong baklang teacher namin kaya nakakahiya naman kung iistorbohin sya.
Lumingon ako sa buong room at nakita ko si Vince.
"Andito pa naman si Vince ah?" sabi ko
Lumingon si Chloe sa pwesto ni Vince. "Oo nga no? Wag kang mag-alala Klein, andito pa naman yung Lead actor mo. Hehe." sabi ni Chloe
"Baliw ka talaga! Haha!"
"… all members of Drama Club, please proceed to the theater now. Again, all members of Drama club, please proceed to the the theater now." sabi ng speaker.
"Is there anyone here a member of Drama Club?" tanong ng teacher namin.
Bigla namang sumigaw si Chloe. "Yes, Sir!"
Kung makasigaw naman tong babaeng to, akala mo isa siya sa member ng Drama club. Haha. :)
"Okay, you may go now. Naiistorbo ang klase ko!"
Tumayo na ako at nakita ko ring tumayo na si Vince.
Kaming dalawa lang pala ang member ng Drama club sa room?
Lumabas na kami. Narinig ko pang nagsalita yung teacher namin.
"Ms. Fuentes, I thought you're one of them?" tanong ni Sir
"No, sir!"
"Eh bakit ikaw yung nag-yes kanina?"
"Wala lang po. Hehe!"
“Hmp! Okay! Let's continue our lesson!"
Tuluyan na kaming umalis ni Vince at pumunta sa mini theater.
Hmm.. Matagal tagal na rin kaming hindi nakapagusap ni Vince ah? Kailan nga ba yung huli kaming nakapagusap?
"Uhm. Congrats ah! Ikaw ang lead actress!" sabi ni Vince
"Oo nga eh, bakit hindi mo man lang sinabi sakin na ikaw pala ang lead actor?"
"Sasabihin ko naman sana nung time na kumain tayo. Kaya lang pinatawag na ako ni Ma'am Cathy. Ikaw, bakit hindi mo sinabi sakin na sasali ka pala sa Drama club?"
"Nakalimutan ko eh. Hehe!"
"Haha. Pasaway ka talaga!" sabi niya tapos ginulo yung buhok ko. I pout.
Hinawakan niya bigla yung kamay ko. Syempre, nagulat ako. O_O
“Bakit?” tanong ko
“Wala lang. Namiss kita eh.” :) Sabi niya tapos yumuko at nagkamot ng batok. Yun bang parang nahihiya siya.
“Ganun? Haha. Tara na nga!” sabi ko.
Ang init ng kamay niya! Feeling ko tuloy namumula ako. :)
Naglakad na kaming dalawa papuntang theater
Pumasok kami sa loob.
“Oh, buti naman andito na kayo.” Sabi ni Ma’am Cathy
“Kayo pa naman ang lead actor and lead actress tapos kayo pa tong late?!” sabi naman ni Sir Gonzales
“Sorry po Ma’am. Hindi kami makaalis kanina kay Sir Rodriguez eh.” Sabi ni Vince
Nakita kong napatingin si Ma’am Cathy at Sir Gonzales sa kamay naming dalawa, kaya bigla kong tinanggal yun kamay ko.
“Hmm… I smell something.” Sabi ni Ma’am Cathy
“Something, something! Hahaha.” Sabi naman ni Sir Gonzales, kaya natawa din si Ma’am Cathy.
“Sige, okay na. Let’s start the meeting.” Sabi ni Ma’am
“The actors must always be present sa rehearsals, specially the lead actor and actress. Understand?” sabi ni Sir
“Yes, Sir!” sabi namin
“Our play is Musical. But for today, we need to improve your acting skills. So one by one kayo aacting.” Sabi ni Sir
“Ha?”
“Sir naman! Acting nanaman?”
“Nakakapagod, sir! Bukas nalang!”
Sigaw ng mga members ng Drama club.
“It’s like your auditioning again. So, what’s the problem?” sabi ni Ma’am
“Tinatamad kami eh!” sigaw nung isang member kaya nagtawanan sila.
“Ayun lang? Hindi dapat kayo tinatamad! Once na magumpisa na ang practice ng play, marami na kayong gagawin, kaya hindi dapat kayo tinatamad!” sabi ni Ma’am
“Ayan tuloy, nanermon na si Ma’am Cathy niyo. Tsk! Makinig nalang kasi! Sige, mag-umpisa na kayo!” sabi naman ni Sir.
Ayun nga, nagumpisa na kami sa pag-acting. Yung iba, walang kabuhay buhay. Halatang tinatamad. Pinakanta rin kami sandali.
“Oh, mag-uumpisa na ang real practice natin bukas ah? Kailangan niyo maging handa! Aabutin tayo ng gabi.”
“Yes, Ma’am!” sagot namin
“You may now go home. Wag nang pumunta kung saan saan, okay? Bye, guys!” sabi ni Sir.
Lumabas na kami ng theater at dumiretso na ako sa room.
BINABASA MO ANG
Forever is a Long Time (ON HOLD) EDITING ^_^
Novela JuvenilIsang babae na naniniwala sa signs ang napagtripang gumawa ng list para mahanap ang soulmate niya.. Nakita niya kaya ang soulmate niya? O aasa nalang siya sa signs habambuhay ?? Findout :))