Chapter 21- About Klein

171 5 4
                                    

(KLEIN’S POV)

Sunday morning… Maaga akong nagising dahil magkikita nga daw kami ni Ate Vanessa. Ewan ko nga kung bakit kailangan maaga eh. Wala pang bukas na mall dahil 7am palang. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta.

“Klein, andito na si Vanessa!” sabi ni Kuya Kyle.

Pati rin tong si Kuya Kyle ang aga nagising porket dadating si Ate Vanessa. Usual na gising nun kapag walang pasok ay 10:00. Sipag no? Haha. XD =))

“Opo! Bababa na ako!”

Nagcologne lang ako tapos bumaba na. Nakita ko silang naguusap ni Kuya Kyle. Ang saya saya ni Kuya Kyle at naamoy ko pa yung pabango niya. Tae! Andito lang sa bahay , kailangang nakapabango? Tss. Parang ang sarap tuloy isigaw ng ‘may gusto sayo yan!’ habang naguusap sila ni Ate Vanessa. Haha.  Pero syempre, hindi ko gagawin yun.

Napalingon sakin si Ate Vanessa pagkababa ko ng hagdan.

“Oh Klein, andyan ka na pala.” ~Vanessa

“Opo, saan ba tayo pupunta?” tanong ko

“Para sayo nga pala Klein.” Sabi ni Ate Vanessa sabay abot ng isang paper bag. Talaga bang hindi niya sinagot yung tanong ko o nagkataon lang?

“Thank you po.” Binuksan ko ito at may nakita akong teddy bear. “Wow! Teddy bear! May bago nanaman akong maidadagdag sa collection ko. Salamat po Ate Vanessa!” sabi ko sa kaniya sabay hug.

“Welcome!” :)

“Paano niyo po nalaman na mahilig ako dito?” tanong ko

“Kyle told me. Thanks to him.” :)

“Ganun po ba?”

“Oo. Ano, tara na?” ~Vanessa

“Okay po. Bye Kuya Kyle!”

“Sige ingat kayo ah!” ~Kyle

Tumigil ako tapos lumingon ulit kay Kuya Kyle.

“Sige Kuya, iingatan ko siya…” Sumulyap ako kay Ate Vanessa, tapos kumunot ang noo niya sa sinabi ko. “Tara na Ate?” Tumango siya tapos naglakad na kami.

Bago kami lumabas ng bahay sumulyap ako kay Kuya Kyle, tapos binelatan ko siya. XD

….

Habang nasa sasakyan kami, biglang nag-vibrate yung cellphone ko.

From: Kuya Kyle

Ssssh

~End of text

Yun lang ang sinabi niya. May topak talaga to si Kuya Kyle, nagsasayang ng load! Pero na-gets ko naman siya sa sinabi niyang ‘Ssssh’. Alam ko naman yun eh, hindi ko naman talaga sasabihin kay Ate Vanessa.

Tinignan ko si Ate Vanessa kung anong ginagawa niya. Guess what kung ano… tulog! Siguro maaga nagising to?

Oh ano na gagawin ko ngayon? Hmm… matutulog na nga lang din ako.

Zzzz…

Zzzz…

Zzzz…

(VANESSA’S POV)

Hayy salamat, tulog na rin si Klein. Haha. :D Nagtulog-tulugan lang talaga ako, para matulog rin siya. Hehe.

Okay, sasabihin ko na ang plano ko. Kikilalanin ko siya ngayon, buong araw, at aalamin ko ang lahat ng gusto niya. Favorites niya, hilig niya at kung anu-ano pa.

Forever is a Long Time (ON HOLD) EDITING ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon