Pagkadating ko sa room. Wala nang tao.
Pumunta ako sa upuan ko para kunin yung mga gamit ko. Tinignan ko yung wrist watch ko, 5pm na pala. Kaya pala wala nang tao kasi naguwian na sila.
“Klein, andito ka na pala. Hindi mo man lang ako hinintay!” napatingin ako sa pintuan. Nakita ko si Vince.
“Ayy, sorry. Nagmamadali kasi ako eh. Hindi ako nakapagpaalam kina Kuya.”
“Ah ganun ba?” Tumango nalang ako bilang sagot. Nakitang kong kinuha niya yung bag niya sa upuan niya, tapos lumapit sakin. “Klein, may mag-susundo ba sayo?” tanong niya.
May magsusundo ba sakin? Hmm.. Sa tingin ko wala, hindi naman kasi nila alam na aabutin ako ng alas singko eh.
“Wala eh, kasi…”
“Ihahatid na kita!” sabi niya bigla.
“Ha? Hindi na, ayos lang na…”
“Ihahatid na kita. Di naman masyadong malayo bahay niyo sa amin eh. At tsaka, on the way din naman. Ano, tara na?”
“Sige na nga. Mukhang no choice naman na ako eh.”
Naglakad na kami palabas ng school. Nakasalubong pa namin sila Ma’am Cathy at Sir Gonzales. Sabi ba naman ni Ma’am Cathy…
“Bukas na kayo mag-date! Malapit na mag-gabi!”
Namula naman ako, at si Vince, natawa nalang.
Nung nasa may parking lot na kami, lumabas yung driver ni Vince. Bubuksan na niya dapat yung pintuan ng kotse pero pinigilan siya ni Vince.
“Wag na po, Kuya! Hindi po kami sasabay, maglalakad nalang po kami.”
Nagulat ako sa sinabi ni Vince. Parang ang tagal naghintay dito ni Kuyang driver tapos hindi pala siya sasabay?
Kinalabit ko si Vince. “Ui, nakakahiya naman.” Sabi ko
“Naku, ayos lang po Ma’am. Sige po, aalis na ako.” Sabi nung driver.
Sumakay siya sa kotse at umalis naman agad.
“Nakakahiya naman dun sa driver mo. Ang tagal ka nun hinintay!”
“Narinig mo naman si Kuya, diba? Ayos lang naman daw sa kaniya.”
“Hmm… oo nga, pero kahit na, nakakahiya parin! Pero teka, bakit ba tayo maglalakad?” tanong ko
“Wala lang trip ko lang maglakad. At tsaka tinatamad pa kasi akong umuwi eh. Mas matagal din tayong magkakasama pag naglakad tayo.” Sabi niya.
Speechless nanaman ako. Lagi nalang ako speechless pag kasama ko tong lalaking to! Hmp!
Nakalabas na kami ng gate. Papunta na kami dun sa village namin.
“Naaalala mo tong lugar na to?” tanong niya.
Lumingon lingon ako at biglang namula ang mukha ko.
“Sa tingin ko naalala mo na… Diba, dito kita nahalikan ng hindi sinasadya? Nung time na naki-share ako sayo ng payong? Haha. Natatawa tuloy ako pag naaalala ko yung mukha mo nun na galit na galit. Hahaha.” sabi niya.
Mas namula pa ako.
“Ayy oo nga pala, diba nagpapabili ka sakin ng batman’s collection bilang kapalit nung pagsulong ko sa payong mo?” sabi niya
Naaalala pa niya yun? Ang tagal na nun ah? Nakalimutan ko na nga yun eh.
“Wag mo nang alalahanin yun. Kahit wag ka nang bumili.” Sabi ko
“Hindi, bibili ako nun pag may pera na talaga ako. Hindi naman ako sumisira ng pangako eh.” Sabi niya
“Ikaw ang bahala. Pero ayos lang talaga sakin kung hindi ka na bibili.”
May naramdaman akong patak ng tubig sa kamay ko. Tumingin ako sa taas at nakita kong umaambon.
“Naku, umaambon!” sabi niya
Dali dali kong kinuha yung payong ko sa bag. Pero hinawakan niya kamay ko.
“Ako naman ang maglalabas ng payong.” Kumuha siya ng payong sa bag niya.
Binuksan niya agad ito at hinila niya ako papalapit sa kaniya. “Lumapit ka dito. Baka, mabasa ka.”
“Ha? Ah.. eh.. okay.” Tsk! Speechless nanaman ako! Alam niyo yung feeling na speechless ka na sa mga sinasabi ng kausap mo, pero siya, hindi parin niya alam! Amp!
Naglakad na kami. Mas lumakas pa yung ulan.
“Dun muna tayo sa waiting shed! Ang lakas na kasi ng ulan eh.” Sabi niya.
Edi sumunod nalang ako sa kaniya.
“Sorry ha. Dapat pala nag kotse nalang tayo. Ayan tuloy, medyo basa ka na.”
“Ayos lang. Wala namang problema dun eh. Kaya lang baka nag-aalala na sila Kuya sakin. Kanina pa kasi dapat yung uwian natin eh.”
“Oo nga pala. Yung mga Kuya mo pa naman, sure akong nag-aalala na yung mga yun! Umuulan pa naman din.”
Tinignan niya yung wrist watch niya.
“5:30 na pala. Yung phone mo?” tanong niya
“Lowbat na eh.” Sabi ko
“Sige, ako na magte-text.”
Nakita ko namang nagtext nga siya kila Kuya…
Maya maya lang, tumunog na yung phone niya.
“Okay lang daw, basta ihahatid daw kita sa bahay niyo kasi malapit na magdilim.” Sabi niya
“Naku, kahit wag na. Kahit hanggang dun na lang sa court, okay lang!” sabi ko
“Hindi pwede, sinabi ko sa Kuya mo na ihahatid kita hanggang sa bahay niyo.”
Wala nang nagsasalita sa amin. Parehas lang kaming nakatitig sa ulan na nahuhulog at pumapatak sa lupa. Na nasisinagan ng ilaw na nanggagaling mula sa poste, kaya ang gandang tignan.
“Ang ganda ng ulan no?” sabi niya bigla.
Napatingin ako sa kaniya. Titig na titig siya sa mga ulan. Na parang binibilang niya yung mga patak nito.
“Alam mo… kung hindi dahil sa mga ulan na yan, hanggang ngayon siguro, hindi ko pa nasasabi yung tunay kong nararamdaman sayo.”
Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
“Hindi kita maintindihan.” sabi ko
Napatingin ulit ako sa mga ulan.
“Diba nung oras na sinabi ko sayo na mahal kita ay umuulan?” sabi niya
Oo naman, paano ko naman makakalimutan yun eh nagawa niya yung 12th sign ko.
“Oo.” Maikli kong sagot
“Nanghingi ako ng sign nun.” Napatingin ako sa kaniya, dahil nagulat ako sa narining ko.
“Na kapag umulan, tsaka ko sasabihin sayo ang totoo… At ayun, umulan nga.” Tumigil siya sa pagsasalita.
“…Nagdadalawang isip kasi ako nung mga oras na yun kung sasabihin ko na ba sayo o hindi pa. Natatakot kasi akong baka layuan mo ako pag nalaman mo yung tunay na nararamdaman ko. Pero umulan… at dahil sa ulan na yun, nasabi ko sayo ang feelings kong matagal ko nang itinatago.”
Napalunok ako ng laway. Naniniwala din pala siya sa signs? At parehas natupad ang mga hiningi naming signs nang dahil sa ulan.
BINABASA MO ANG
Forever is a Long Time (ON HOLD) EDITING ^_^
Fiksi RemajaIsang babae na naniniwala sa signs ang napagtripang gumawa ng list para mahanap ang soulmate niya.. Nakita niya kaya ang soulmate niya? O aasa nalang siya sa signs habambuhay ?? Findout :))