Chapter 18- Basketball

182 9 5
                                    

(VINCENT’S POV)

Wala kaming pasok ngayon kaya ang boring dito sa bahay, wala akong magawa. Haizt…

*RiNNNNNNNNNNGGGGGGGGGG*

Tumunog yung telepono namin, rinig ko yun mula sa kwarto ko. Nawala naman agad yung pagri-ring dahil may sumagot na siguro.

*tok tok tok*

“Sir Vince, may gusto daw pong kumausap sa inyo.” Sabi ng katulong namin

Syempre lumabas ako ng kwarto at kinuha yung telepono.

“Hello? Sino to?”

“Tol! Busy ka ba ngayon?”

Ahhh. Si Kuya Ian pala. :)

“Hindi naman, bakit?”

“Basket tayo! Ano, game?”

Basketball? Halla. Hindi pa naman ako marunong magbasketball. Paano na yan? Nakakahiya pa namang tumanggi.

“Sige ba, anong oras?”

“Ngayon na, kita tayo sa court. Sige, bye!”

Tapos binaba na ni Kuya Ian yung telepono. Naligo ako sandali tapos nagpunta na sa court. Nakita ko siya dun na naglalaro magisa.

“Tol!”

“Oh, andyan ka na pala. Tagal mo ah!” ~Ian

“Naligo pa eh. Bakit biglang gusto mo atang makipaglaro?”

“Wala lang, ang boring sa bahay eh.” ~Ian

“Asan si Klein?”

“Ayun, umalis kasama si Chloe. Ayaw nga akong kasama eh, best friends bonding daw nila ngayon. Psh!” ~Ian

“Ganun?”

Tumango si Kuya Ian bilang sagot tapos biglang nagdribol “Oh ano, game?” Bigla niyang binato sakin yung bola. Nasalo ko naman, pero sa lakas ng impact, natumba ako.

“Ayos ka lang, pre?” sabi ni Kuya Ian. Tumango lang ako bilang sagot.

“Hmm. Di ka marunong no?” ~Ian

Ayan, nahalata tuloy ako, dahil sa katangahan ko. Tsk.

“Oo eh. Pasensya kung pumayag pa akong makipaglaro, eh hindi naman ako marunong.”

“Okay lang yun, pre. Pero kay Klein, hindi okay yun.” ~Ian

“Huh?”

“Kung talagang gusto mo kapatid ko, mag-aral kang magbasketball! Mahilig sa basketball yun eh.” ~Ian

Ganun? Kaya pala madalas niyang kasama si Shawn. Kainis naman oh. Bakit ngayon ko lang yun nalaman? Edi sana matagal na akong nagpaturo magbasketball.

“Gusto mo turuan kita?” ~Ian

“Talaga? Oo ba.”

“Pero sa isang condition, sana wag mong paiyakin si Klein, kundi hindi ka lang sakin lagot, pati kay Ate Kath at Kuya Kyle.” Sabi ni Kuya Ian ng medyo pabiro pero alam ko namang seryoso siya sa sinabi niya.

“Oo naman, bakit ko naman siya papaiyakin?” kung masaya akong nakikita siyang masaya. :)

Hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko, isinaisip ko nalang yun. Haha. Baka sabihin ni Kuya Ian, na ang chessy ko. XD

“Malay ko sayo! Hay naku, game na nga. Iti-train muna kita ngayon.” ~Ian

“Kelan ka pa naging trainor?” tanong ko

“Lol. Gusto mo ba talagang turuan kita?” sarcastic na sabi ni Kuya Ian

“Oo naman. Haha.” XD

Tapos ayun nga, tinuruan niya akong magbasketball. Grabe nakakapagod, pero para kay Klein naman to, kaya okay lang. :)

“Oy Vince, pahinga ka muna dyan! Masyado mo nang sineryoso yung sinabi ko sayo ah. Okay lang naman siguro kay Klein kahit hindi ka marunong magbasketball.” ~Ian

“Kahit na, gusto ko parin tong pag-aralan. Wala namang masama eh.”

“Oo nga, pero magpahinga ka naman!”

Andito parin kami sa court, umupo muna si Kuya Ian para magpahinga. Pero ako, nagsho-shoot parin mag-isa. Lumapit ako kay Kuya Ian, binigyan niya ako ng tubig.

“Oh ano, napagod ka no? Magpahinga ka naman kasi. Bukas nalang ulit kita tuturuan.” ~Ian

“Pero…”

“Bakit ayaw mo? Oy napapagod din trainor mo! Bukas ulit!” ~Ian

“Haha. Talagang trainor na tawag mo sa sarili mo ah.”

“Haha. Syempre naman!” ~Ian

“Sige na nga, bukas mo nalang ulit ako turuan Mr. Trainor!”

“Haha. Sige alis na ko. Sayo na muna yang bola ko. Dalhin mo nalang bukas.” ~Ian

“Sige! Ikamusta mo nalang ako kay Klein!” pahabol ko kay Kuya Ian

At dahil makulit akong tao, hindi muna ako umuwi at nagbasketball parin.

 Haha. LOL

….

Kinabukasan pumunta akong court, dala dala ko yung bola ni Kuya Ian. Pero wala si Kuya Ian dun, ang nandun ay si Kuya Kyle.

“Oh andyan ka na pala.” ~Kyle

“Si Kuya Ian po?”

“Andun sa bahay, natutulog. Ako yung nagtext sayo kanina na pumunta dito. Nabanggit kasi ni Ian na gusto mo daw matutong magbasketball.” ~Kyla

“Ah opo, gusto ko nga po.”

“Wag ka ngang mag-po, nakakailang eh. Ako nalang muna magtuturo sayo ngayon, kasi napagusapan namin na magpalit-palitan kami ng araw sa pagtuturo sayo. Para kay Klein naman to eh.”

Wow! Ayos ah. Ang babait naman ng Kuya ni Klein. Basta para sa kaniya, gagawin nilang lahat…Syempre, ganun din ako.

 “Bago tayo mag-umpisa, gusto ko sanang sabihin sayo na tuturuan kita dahil kay Klein, nakikita at nararamdaman ko kasing masaya siya kapag kasama ka. Kaya boto kami sayo, at sana wag mong sirain yung tiwala namin sayo. Bunso namin yan kaya pinoprotektahan namin, at ayaw na ayaw namin siyang nakikitang umiiyak.” ~Kyle

“Wag po kayong mag-alala, iingatan ko po siya, at papahalagahan tulad ng pagpapahalaga niyo sa kaniya.”

“Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Tara, mag-umpisa tayo.” Sabi ni Kuya Kyle ng nakangiti.

Ang bait talaga ng pamilyang Madrigal. Pero sooner or later magiging Nepomuceno na si Klein. Haha. Joke lang. XD Pero sana nga. :)

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Sorry if sobrang tagal ng update. Naging busy lang. :)

Peace po tayo! 

:)))))))

Forever is a Long Time (ON HOLD) EDITING ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon